Lilliane's POV
"Sa tingin mo ba eh papayagan kitang ipasagasa sa tren ng paulit-ulit ang pinakamamahal kong kisame?"
Napasandal naman ako sa sandalan ng couch nang bigla siyang lumapit sa akin
"So pinagtatanggol mo pa yang kisame mong bulok? My princess kisame lang yan, hindi ka niyan mahahawakan" nagitla naman ako ng hawakan niya ako sa balikat "hindi ka niyan kayang amuyin" hinawi niya naman ang buhok ko saka inilapit ang mukha sa leeg ko "At hindi ka niyan kayang halikan" at naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa leeg ko
"Houl..." mahina ang boses na sita ko sa kanya dahil hindi ko malakasan ang boses ko dahil baka marinig nila kuya, magtataka yon dahil bakit nakapasok dito si houl, at mapapagalitan naman ako kapag sinabi kong pinapasok ko siya sa bintana, at baka magkasuntukan sila ni houl dahil sa ginagawa niya sakin ngayon
Laking pasasalamat ko na lang dahil tumigil na siya sa paghahalik sa leeg ko, lumayo siya ng onti sa akin saka nagsalita
"Sinabi ko na kasing masama akong magselos, pero sa totoo lang ay hindi talaga masama, mabuti pa nga tong gagawin ko sayo eh" pagkatapos niya iyong sabihin ay hinalikan niya naman ako sa labi, isang marahang halik na hindi ko alam kung bakit ko tinugunan, para bang nawawala ako sa sarili dala ng kanyang mga halik, mga halik na nakakalasing, mga halik na nagbibigay ng kakaibang sensasyon,
"Shit! Houl.." hindi ko inaasahan ang mga lumabas sa bibig ko ng pisilin niya ang kanan kong dibdib, parang may sariling buhay ang aking katawan na tumutugon sa kanyang bawat galaw pati na ang bibig ko
"Nagmumura ka na pala, kanino mo natutunan yan? Kay Flix ba?" bigla naman siyang naging agresibo, at nadatnan ko na lamang ang aking sarili na wala ng saplot sa ilalim ng kanyang hubad na katawan
..
..
..
..*tok tok* nagising ako dahil sa dalawang katok, panaginip lang pala ang lahat
"Liane kakain na" tawag ni kuya mula sa labas
Tatayo na sana ako pero may yumakap sa akin ng mahigpit
Shixxxxxx!!!!!!
Si Houl?
Bakit kami parehas na----shiz! So hindi pala iyon panaginip?
Saka ko lang naramdaman ang pananakip sa ibabang parte ng katawan ko
Sheex! Marumi na akong babae
Hindi pa kami kasal pero nagtoo-toot na agad kami
Kailangan niya akong panagutan!
"Liane kakain na!" sigaw pa ulit mula sa labas
"Teka lang kuya!" sigaw ko naman pabalik, babangon na sana ako kahit masakit pa ang down there ko pero mas hinigpitan pa ni houl ang pagkakayakap sa akin
"Bilisan mo at baka lumamig pa ang pagkain"
"Opo!"
"My princess alam mo bang napakasaya ko ngayon? Salamat dahil ako ang naging una at ang magiging huli mo" sabi niya habang nakapikit
"Houl umalis ka na, parehas tayong malalagot kay kuya kapag nadatnan niya tayo dito"
"Wala akong pakielam, mahal kita kaya papanagutan kita, kung gusto mo eh ngayon mismo ay pakakasalan kita, alam ko namang mahal mo rin ako, tama naman diba?"
Mahal ko siya? Napaka-assuming naman pala niya
Pero kung hindi ko nga siya mahal eh bakit ko binigay ang virginity ko sa kanya? Kasi sa pagkakaalam ko eh binibigay lang ang virginity sa taong mahal mo. Omo! Ibig bang sabihin ay mahal kon na nga siya dahil binigay ko ang virginity ko sa kanya?
"Hey, bakit hindi ka sumasagot" sabi niya pagkamulat ng mga mata
"Houl umalis ka na"
"Sagutin mo muna ako, mahal mo naman diba ako?"
"Umalis ka na"
"Sagutin mo muna ang tanong ko"
"Liane bakit antagal mo naman?" tinig mula sa labas kaya nataranta na ako
"Houl please umalis ka na" pamimilit ko sa kanya
"Sagutin mo kasi yung tanong ko"
"Oo na, oo na, umalis ka na"
Bigla namang sumilay ang isang nakakaasar na ngiti sa kanya
"So ibig sabihin eh mahal mo na nga ako?" tuwang tuwa niyang tanong
"Oo na nga"
Yinakap niya naman ako ng mahigpit na mahigpit saka hinalikan sa labi, pagkatapos ay tumayo na siya at nagbihis at saan pa ba siya dadaan palabas? edih sa bintana, pagkaalis niya naman ay saka ako tumayo at nagbihis
Pagkatapos kong magbihs ay agad ko namang binuksan ang pintuan at tumambad sa akin si kuya
"Oh bakit antagal mo? Papasok na nga sana ako eh"
"Hehe, nakatulog ako kuya eh"
"Oh siya, halika na at kakain na" sumunod naman ako kay kuya, shix lang talaga, ansakit sakit ng ano ko kaya hindi tuloy ako makalakad ng ayos
Ano bang gamot dito sa sakit na to?
Naabutan namin si Flix sa hapag kainan na hinihintay na lang kami ni kuya
"Oh my lilliane mukhang mas lalo kang gumaganda ah kahit na sabog sabog pa yang buhok mo" sinundan niya pa iyon ng halakhak, hala! baka mahalata nila na nag-anuhan kami ni Houl dahil kapag nagsex raw eh gumaganda ang babae
Huhuhu, sana naman eh hindi nila mahalata,
"H'wag na kayong magbolahan, baka langgamin pa ako sa inyo eh , kumain na lang tayo" umupo na kami ni kuya at kakain na sana pero nang magsisimula na kaming kumain ay nag beep beep naman ang phone ni kuya
"May emergency sa trabaho, maiwan ko muna kayo" nagmamadali si kuyang umalis kaya hindi na kami nakapagbye-bye pa sa kanya
Nagsimula na akong kumain, nakakagutom pa lang makipag-ano noh?
Ansarap talagang kumain
"My lilliane pwera biro, ang ganda mo talaga ngayon, umamin ka nga" shix! nahahalata niya na talaga? Huhuhu h'wag naman sana "Napanaginipan mo ako noh kaya blooming ka"
Awkward na lang akong tumawa sa biro niya, pero teka, bestfriend ko na naman diba siya kaya pwede kong ikwento ang nangyari sa amin ni houl kanina
"Hmm, Flix mapagkakatiwalaan naman diba kita?" may pag-aalangan kong tanong
"Oo naman, ako pa, basta ikaw"
"Hindinaakovirgin" pigil ang hininga kong sabi
"My lilliane h'wag ka ngang magbiro ng ganyan, paano ka madedevirginize eh sigurado naman akong wala pang nakakagalaw sayo dahil lagi naman kitang kasama"
"Hindi ako nagbibiro Flix, kanina lang, biglang dumating si Houl, sa bintana pa nga siya pumasok eh tapos ayun boom, mabilis ang pangyayari"
....
.....
.....
.....Houl's POV
"Anong sinasabi mo?!" sigaw ko sa kanya
"Boss totoo po yun, papunta na silang Taiwan, siguro nasa NAIA na sila ngayon"
What the Hell!
Kahapon lang ay nakasama ko pa siya, kahapon pa nga ang pinakamasayang araw ko dahil sa wakas ay nakuha ko na rin ang katawan niya tapos ngayon ay ibabalita sa akin ng tao ko na papunta na silang Taiwan ngayon ng gag*ng Flix na yon
Pvta lang eh!
Dali dali naman akong lumabas ng office at nagpunta sa parking lot, pagkasamay na pagkasakay ko sa kotse ko ay pinaharurot ko ito papuntang NAIA, sana maaubutan ko pa siya....
.........