Lilliane's POV
Iyak lang ako ng iyak, paanong nangyaring wala na si alex?
"My Lilliane stop crying, andito pa naman kami ng kuya mo"
Napalingon naman ako kay Flix na sinundan pala ako dito sa kagubatan kalapit ng simenteryo
"But Flix she's my bestfriend, mula pagkabata ay kasama ko na siya, kaya hindi ganon kadaling tanggapin na wala na siya"
"Bigyan mo lang ako ng chance my Lilliane, pwede kong punan ang space sa puso mo na naging bakante dahil sa pagkawala ni Alex" umupo siya para magkapantay kami saka niya pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaking daliri
"Flix you can't replace her in my heart, kaya mo ba akong bilhan ng napkin kapag may mens ako? Kasi kapag may mens ako ay siya ang nabili ng napkin ko dahil ayaw naman ni kuyang bumili ng napkin"
"Just give me a chance my Lilliane at papatunayan kong kaya kitang mahalin higit pa sa pagmamahal ni Alex sayo, papatunayan ko sayong kaya kitang mahalin higit pa sa matalik na kaibigan"
"Pero pagmamahal ng bestfeiend ang kailangan ko Flix"
"Then i'll be your bestfriend and kapag pagmamahal naman ng boyfriend ang kailangan mo ay iyon naman ang ibibigay ko sa'yo, please my Lilliane just give me a chance and i'll prove that i deserve that chance"
"Fine, but pakiusap h'wag mong sayangin ang chance na ibibigay ko sayo"
"So is that mean na binibigyan mo na ako ng chance?" tumango naman ako
"But you should be a great bestfriend like Alex"
"Promise my Lilliane, promise hihigitan ko pa siya"
"And please stop calling me my Lilliane"
"But..."
"Call me Lili gaya ng tawag sa akin ni Alex"
"Paano ka makakapagmove-on sa pagkawala ni Alex kung patuloy mo siyang aalalahanin"
"Sige na, tawagin mo na ako sa kahit na anong gusto mong tawag"
Yinakap niya ako ng mahigpit pero kumalas naman agad siya sa yakap
"Ngayon ay puntahan muna natin ang puntod ni Alex para makapagpaalam ka ng maayos sa kanya" tumango naman ako saka niya ako inalalayang tumayo
Naglakad kami papunta sa simenteryo at sa medyo dulo namin nakita ang puntod ni Alex
Pagkabasang pagkabasa ko pa lang sa pangalan niya sa lapida ay tumulo na agad ang luha ko
"Alex bakit mo ako iniwan? Alex diba sabay tayong tatanda? Diba marami pa tayong pangarap? Bakit mo ako iniwan?" dahan dahan kong hinawakan ang lapida niya "Pero sorry Alex, sorry dahil hindi kita naprotektahan, sorry kung iniwan kita, hayaan mo kapag nalaman kung sino ang pumatay sayo ay ako mismo ang papatay sa kanya, itatapon ko siya sa Manila Bay pero syempre chachop-chopin ko muna siya bago itapos sa Manila Bay pero bago lo siya chop-chopin ay isisilya-elektrika ko muna siya pero bago ko siya isilya-ilektrika ay ihahampas ko muna ang ulo niya sa pader hanggang sa lumabas na ang utak niyang durog durog pero bago ko iyon gawin ay dudukutin ko muna ang puso niya, gagawin ko iyon para sa'yo, ganon kita kamahal Alex" pinahid ko naman ang luha kong tuloy tuloy na umaagos, nang mapasulyap naman ako kay Flix ay nakangiwi na siya, may nasabi ba akong masama? Mabait pa nga ako dahil hindi ko isasako bago itapon sa Manila Bay yung chop-chop na bangkay ng baliw na pumatay kay Alex
"Flix tulungan mo ako sa pagtorture doon sa baliw na pumatay kay Alex ah, tulungan mo rin akong hanapin at alamin kung sino siya ha" nakangiti kong sabi sa kanya pero patuloy pa ring umaagos ang luha ko, at tango lang naman ang isinagot niya
Ilan pang kinuto ang ginugol ko sa pag-iyak kay Alex bago ko napagpasyahang magpaalam na sa kanya
"Alex mauna na kami ah, mamimiss kita" paalam ko saka inaya si Flix na umuwi na
..
..
..
..Pag-uwi namin sa bahay ay sinalubong agad ako ng yakap ni kuya
"Liane..." nahalata kong nag-aalala siya kaya pinutol ko na ang pagsasalita niya
"Ayos lang ako kuya, you don't need to worry, magpapahinga lang ako" paalam ko kay kuya saka dumeretso sa kwarto ko
..
..
..
..
..
..Lumipas ang mga araw at hindi pa rin ako nakakapagmove-on sa pagkawala ni Alex pero lagi namang nandyan si Flix para libangin at pasayahin ako gaya ngayon, inaya niya akong manuod ng sine at mamasyal
"Mag-ingat kayong dalawa ah, Liane h'wag kang hihiwalay kay Flix ah" paalala ni kuya
"Kuya paulit-ulit ka na lang ng paalala, halos gumamit na nga ako ng rugby para lang hindi ako mahiwalay kay Flix eh"
Natawa naman sila sa hindi ko malamang dahilan
"H'wag kang mag-alala bayaw, hindi ko naman hahayaang humiwalay sa akin ang Lilliane ko" sabi ni Flix saka umakbay sa akin
Ang gara ng lang talaga ng tawag ni Flix kay kuya,
"Siguraduhin mo lang na hindi yan mawawala sa paningin mo, malikot pa naman yan"
"Kuya naman, akala mong mangingibam-bansa kami ni Flix"
"Oo na, umalis na kayo" kanina kung makapagpaalala parang ayaw kaming paalisin tapos ngayon eh kung ipagtulakan kaming umalis
Third Person's POV
Busy ang dalawa habang nabyahe, at hindi nila alam ay may nakasunod na pala sa kanila
Actually lagi naman silang sinusundan tuwing naalis sila ng bahay
At sino pa ba ang susunod sa kanila?
Si Houl lang naman ang may pagnanasa kay Lilliane maliban kay Flix eh
..
..
Pagkaparadang pagkaparada ng kotseng sinasakyan nila Lili ay nagmamadaling lumabas si Flix para alalayan siya"My princess" bigkas nito na nagbow pa pagkabukas ng pinto kay Lili na hindi naman nakatakas sa pandinig ni Houl na ikinangitngit nito
"Inagaw niya na nga ang prinsesa ko, pati ba naman ang endearment ko ay inagaw niya, but soon ay mababawi ko rin ang aking prinsesa" pahkausap nito sa sarili
Pati si Lili ay natigil dahil sa itinawag sa kanya ni Flix, at napansin naman agad ito ni Flix
"Anong problema my Lilliane?" takang tanong nito pero alam naman kung anong dahilan kung bakit napatigil si Lili
"Wala, wala, halika na, baka maubusan tayo ng ticket ng spongebob"
"Huh? Spongebob? Akala ko ba Romantic Movie ang panonoorin natin?"
"Romantic naman yun ah? Teka? Ano nga ba yung Romantic? Pinagsama ba iyon na Roman at Antique?"
"Nevermind na lang" sabay na silang naglakad papasok sa mall at pasimple namang inakbayan ni Flix si Lili
"Flix mauna ka na, magccr lang ako" paalam ni niya kay Flix
"Samahan na kita"
"H'wag na, malapit lang naman yung cr tsaka sandali lang ako"
"Sige bilisan mo, kapag wala ka pa in five minutes eh pupuntahan na kita"
"Ten minutes"
"Fine, kapag wala ka pa in ten minutes eh pupuntahan na kita"
Naghiwalay na sila ng daang tinatahak pagkatapos ng pag-uusap na iyon
Pero si Houl ay nakasunod pa rin kay Lilliane, nakaabang lang siya sa labas ng cr pero nang makasigurong walang mga taong nakatingin ay pumasok na siya sa loob, kabisadong kabisado niya ang amoy ni Lilliane kaya agad niyang natukoy kung saang cubicle ito nakapwesto, at nang tingnan niya ang katabing cubicle at malamang walang tao roon ay agad siyang pumasok at umakyat sa cubicle ni Lilliane, buti na lamang at tapos na ang babae
"Houl anong ginagawa mo dito?" taka niyang tanong pero imbis na sumagot ay hinalkan lang siya nito
"D*mn i miss you my princess"