The Thing About Love

22 1 2
                                    

 

        The thing about love is… sabi nila parang Chemistry lang yan.

 

        Ang dalawang protons at dalawang electrons ay kailanman hindi maaattract sa isa’t isa. Pero kapag ang isang electron at isang proton ay nagkakasama, nagkakaroon ng electromagnetic interaction.

 

                Kapag ang isang base ay inihalo sa isa pang base mas nagiging basic ang solution. Ganoon din ang nangyayari sa isang acidic solution. Pero para magkaroon ng balance at equilibrium, ipinaghahalo sila para maging neutral.

 

                Pero ang love hindi tulad ng Chemistry. Kapag may isang theory sa chemistry, nagagamitan ng mga experiments and a lot of trial and errors para mahanapan ng sagot. Pero hindi ganun sa love. Hindi ka pwedeng mag-experiment at lalong lalo na ang gumamit ng trial error dahil yun ang recipe for heartache.

 

                So ano nga ba ang love? Ano nga ba ang meron sa “I love you” na kung titignan ay parang harmless  lang, madaling sabihin anytime, anywhere and to anyone. But such a powerful group of words that has the power to make and also break one’s heart.

 

                So what is the THING about love?

 

 

The Thing About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon