Chapter 1

12 1 2
                                    

Chapter 1

This could be the start of something new...

 

                 “Hi guys. My name is Abigail Cassidy Joaquin. I’m sixteen years old. I live in Makati City and I’m glad to be part of this block.”

 

                After ko magsalita umupo na ko sa upuan ko. Keep it short. Yan ang lagi kong tinatandaan kapag nagpapa-intoroduce yourself ang teacher namin. Which in this case ay ginagawa namin dahil ngayon ang first day of the second semester.

 

                New semester, new classmates ang peg ko ngayon. Hindi kasi ako sumabay sa mga blockmates ko last sem nung mag-enroll sila kaya ngayon, flying solo ako. Honestly, I don’t mind. Hindi naman kasi ako masyadong close sa mga blockmates ko na yun so I’m fine. Isa-isa kaming nagpakilala and after that, dinismiss na kami ng prof namin.

 

                I gathered my things and then pumunta na sa next class namin. I don’t know anyone in this block yet kaya mag-isa nalang akong naglakad. It was obvious na majority ng mga ka-block ko ngayon eh nagkasama na before kasi familiar na sila sa isa’t isa. Upon entering the room of our next class, I sat at the first chair I saw.

 

                Thirty minutes na ang nakalipas at hindi pa rin dumadating ang prof namin. Well, I guess hindi na siya dadating. I would’ve left the room na sana kaso lang sobrang init sa labas kaya I guess I’ll stay dito nalang muna. Iilan nalang kaming natitira sa room but aside from me, lahat sila nag-aasaran at nagtatawanan. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya leaving my things bumaba ako sa kiosk malapit sa building namin and bumili ng Coke, rice at ulam. Pagkabalik ko sa room, nag-aaasaran pa rin ang mga natitira kong ka-block habang ung iba nagsusulat sa board ng iba’t ibang lettering . Binuksan ko ang styro ko ng pagkain and was about to take my first bite ng may magsalita sa tabi ko.

 

                “Wow naman ate… nakakagutom naman amoy ng pagkain mo.”

 

                I looked up and saw the guy beside me looking at me while smiling.

 

                “Ummm… gusto mo?” Sabi ko sa kanya.

 

                “Di, okay lang. Nagjojoke lang ako kanina.” Sabi niya sa kin na matawa tawa.

 

                I adjusted my glasses on my nose and smiled at him. Medyo nakaka-conscious kumain habang nakatingin siya so medyo inangle ako ang katawan ko na hindi niya makikita ang pagsubo ko.

 

                “Ano palang pangalan mo ate?” Tanong niya ulit sa kin.

 

                “Hmm-mmm-si-mm.”

 

                “Ano? Yung ‘si’ lang sa dulo yung narinig ko…” Sabi niya at tumawa ulit. Nilunok ko ang kinakain ko at uminom ng Coke.

 

                “Cassidy.” Sabi ko.

 

The Thing About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon