Chapter 5

4 0 0
                                    

Chapter 5

To be or not to be...

        "Uy, magreview kayo ng maayos ah. Lalo na ikaw Jasper naku!! Isang bagsak pa ako na mismo ang magbabagsak sayo dito!"

        Pababa kami ng hagdan and dahil may test kami sa Chemistry, we figured na time out muna sa first street at balik muna sa library.

        "Chill ka lang diyan Cassidy. Talo mo pa ermats ko makatalak sa kin eh." Sabi ni Jasper.

        "Eh kailangan mo ng may tumatalak sa'yo eh. Naku! Sinasabi ko talaga sa'yo Jasper."

        Inasar na ng boys si Jasper habang ako naman tawa nalang sa kanila.

        "Abby… Abby…"

        Lumingon ako sa tumatawag sa kin and nakita si Rence.

        "Uy, bakit?" Sabi ko.

        "Saan kayo?" Tanong niya.

        "Sa library. Review review din pag may time." Sabi ko sabay tawa. "Kayo ba?"

        "First street ata."

        "Ahhh… mahal na mahal first street ah." Biro ko.

        "Oo nga eh. Ummm, uyy, pwede ko ba mahingi yung number mo?" Sabi niya sa kin sabay abot ng phone niya.

        "Ummm, sure."

        Kinuha ko yung phone niya and then nilagay yung number ko.

        "Thank you. So, Abby ba talaga pangalan mo akala ko Cassidy?" Tanong niya sa kin.

        "Um, Abigail Cassidy kasi pangalan ko. Normally, Cassidy tawag nila sa kin. Yung Abby yun yung tawag sa kin sa bahay tsaka sila Georcel tsaka Ara lang tumatawag sa kin nun dito sa school."

        "Ahhh… Nung hinanap kasi kita sa Facebook di ko nahanap yung Cassidy eh. Nakita lang kita sa friends list ni Moira."

        "Ahh… hindi rin kasi ako masyadong nagbubukas ng FB eh. Minsanan lang."

        Pagkababa namin ng building, sumama na si Rence sa mga kaibigan niya tapos ako naman sumama na sa tropa ko papunta sa may library.

        Sa totoo lang, nakapagreview na ako kagabi and tinatamad na akong magreview ulit. Feeling ko kasi makakalimutan ko lahat ng pinag-aralan ko kagabi kapag nagreview ako ngayon. Buti nalang hiniram ni Ram ang reviewer ko kaya naman nag-soundtrip nalang ako habang sila nagrereview.

The Thing About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon