Chapter 4

2 0 0
                                    

Chapter 4

Idadaan nalang sa gitara...

        "Ano?! Uuwi kayong lahat?!"

        May three hours break kami before ng PE class namin and dahil nga malayo ang bahay ko sa school, I have no choice kundi ang mag-stay nalang sa school.

        "Eh hindi ko naman kayo kaklase sa PE kaya uuwi nalang ako." Sabi ni Jasper.

        "Cass, kukunin ko kasi yung PE ko sa bahay eh. Hindi ko kasi dinala." Sabi naman ni Ram.

        "Uuwi ako ng dorm, sayang din kasi binabayaran ko sa pagkain dun eh. Tsaka nandun uniform ko." Sabi ni Eric.

        "Kuha din ako ng uniform sa dorm. Saan ka ba tatambay mamaya?" Tanong ni Miko sa kin.

        "Di ko alam… eh dahil uuwi kayong lahat wala akong makakasama. Three hours din yun noh!" Sabi ko. "Ang daya naman kasi lahat kayo naka-dorm dito sa school samantalang ako ang layo ko."

        "Kung pwede lang kita isama sa dorm eh. Kaso bawal babae dun. Mag-dorm ka na rin kasi." Sabi ni Miko.

        Hayyyy… saan na ko neto?

        "Sila Georcel ba tsaka Ara? Di ka ba pwede pumunta sa kanila?" Tanong ni Ram.

        "May pasok si Ara ngayon eh. Mamaya pa yung break niyang alas dos eh yun naman ang oras ng PE natin. Si Georcel naman one thirty pa ang labas. Eh di parang wala lang din." Sagot ko.

        Pababa na kami ng hagdan and I was thinking of a place where I could stay nang makasabay namin sila Rence at Moira, isa sa mga friends niya na lagi niyang kasama.

        "Moira! San kayo?" Tanong ni Ram.

        "Ewan ko nga Ram eh. Pero baka dun nalang kami sa may dorm ni Rence. Bakit?" Sagot niya.

        "Ayan Cass oh, sama ka nalang kaya kila Rence tsaka Moira." Sabi ni Jasper.

        "Ahhh… ehhhh…" Hindi naman sa ayoko ko kaso lang kasi, hindi ko sila masyado ganun ka-close kaya nahihiya ako. Si Moira okay lang kasi nagkakausap kami kung minsan pero si Rence kasi hindi eh.

        "Okay lang Cass. Sama ka na sa min dun na tayo sa dorm ni Rence." Sabi ni Moira sa kin.

        "Um, okay." Sagot ko. "Okay lang ba sa'yo?" Tanong ko naman kay Rence.

        "Okay lang. Lagi ngang nandun sila Moira eh." Sagot niya sa kin.

        "Oh ayan ah. Sama ka muna sa kanila. Kita nalang tayo mamayang PE." Sabi ni Miko.

The Thing About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon