Chapter 8

4 0 0
                                    

Chapter 8

What Am I To You?

Hindi ko na nakausap pa si Rence.

Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan at naging ganun ang reaction niya nun kay Jasper.

Hindi na rin siya sumasama sa akin, sa tropa ko or sa tropa niya kapag break time or free periods. Hindi ko siya malapitan sa room at lalong lalo na sa labas kasi bagong set of friends na ang kasama niya. Sila Sara, Penelope, Justin at Gerald. Everytime na nasa room kami, lagi niyang kasama ang mga yun. Every break time din lagi siyang sumasama sa kung saan man sila pumupunta. Pero hindi yun ang dahilan kung saan una akong nasaktan simula ng lumayo siya sa amin.

Monday morning ngayon and it's been three days (except Sunday) simula nung nangyaring misunderstanding between Rence and Jasper. I thought I was late kasi fifteen minutes past time na pero tumatakbo pa rin ako paakyat ng building papuntang room namin. Malas lang na nasa fourth floor kami kaya todo push ako sa lungs and legs ko. But when I opened the door, I  was greeted with my lockmates' collective stares.

"Andito na si Sir?" Tanong ko kay Ram.

"Wala pa Cass. Late ata." Sagot niya sa kin.

Lahat ng effort kong pagtakbo ng hagdan hanggang fourth floor wasted effort lang pala!! Teng enern naman!!!

I looked at the back of the room and nandun nga siya, sa lugar kung saan lagi kaming nakaupo. Bakante ang upuan sa tabi niya and all of the sudden pakiramdam ko back to normal and lahat, na okay na kami and nothing ever happened. Pero maling akala lang pala yun.

"Hi guys! Classmates, dumating na ba si Sir?"

Lumingon lang ako sa likod ko and nakita na pumasok si Sara and isinara ang pinto. In unison na sinagot siya ng iba naming classmates na wala pa si sir.

"T@ng in@! Tinakbo ko pa yung hagdan kasi akala ko late na ko!" Sabi niya sabay tawa. "Hi, Cassi." Bati niya sa kin.

"Hello." Sagot ko naman sa kanya.

Parehas kaming nakatayo at magkatabi sa pinto and I can't help feeling conscious. Eto si Sara, fit na fit ang uniform, maaliwalas ang mukha, short and straight ang dyed blonde hair niya, naka- designer shoulder bag and every time she moves her whole being just shouts confidence. Heto naman ako, small dapat ang uniform ko pero medium ang binigay sa kin, yung buhok ko parang nakipagsabunutan ako sa isang dosenang bakla, naka-Jansport na backpack na black ang kulay, may tatlong pimples na tumutubo sa noo ko and dumudulas na naman ang salamin ko sa ilong ko every time yumuyuko ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako umaalis dun. Siguro kasi umaasa ako na tatawagin ako ni Rence na tumabi sa kanya. Pero sabi nga nila, wag ka na umasa kasi ikaw lang din ang masasaktan.

"Saraaa!! Dito ka oh!" Sigaw ni Rence at nakangiti pa ng sobrang sobra.

The Thing About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon