Chapter 2

11 1 2
                                    

Chapter 2

I volunteer as tribute...

 

                    "Uyyyyyyyy… tara na!!!"

 

                Hindi ko na ma-contain ang excitement ko. Showing na kasi ang Catching Fire and to my surprise and delight, sinabi ng tropa ko na sasamahan daw nila ako manood.

 

                That's what I call them now, tropa ko. Ever since kasi nung first day lagi ko nang kasama sina Ram, Eric, Jasper at Miko. Though, nagkakaroon na rin ng mga criticism kung bakit puro lalake ang kasama ko, I don't mind. I mean, as long as I know na hindi naman totoo ang mga sinasabi nila, bakit ako magpapa-bother di ba?

 

                "Oo na… ayan na, ayan na." Sabi ni Miko.

 

                Maaga kasi ang dismissal namin every Tuesday dahil konti lang ang subject namin sa araw na to so ito nalang ang day na pinili namin para manood ng sine. Habang pababa ng hagdan, nagyaya-yaya si Jasper sa mga ka-block namin and in the end, may tatlong sumama sa amin.

 

                Sumakay kami ng jeep papunta sa SM and then pagdating dun, agad na pumunta sa bilihan ng movie tickets. We had one hour to kill bago makapasok sa sinehan so kumain nalang muna kami sa Mang Inasal.

 

                "Miko, salamat sa pagsama niyo sa kin ulit ah." Sabi ko kay Miko habang kumakain. Siya kasi yung nakausap ko nun about sa movie and siya din ang nag-volunteer na samahan ako.

 

                "Wala yun. Ang lungkot kaya manood ng sine ng mag-isa. At least, kasama mo kami di ba?" Sagot niya.

 

                "Salamat ulit."

 

                Akala ko nung una si Miko ang hindi ko makakasundo sa tropa pero turns out. He's not so bad after all, once you get to know him.

 

                "Uy, ano ba. Ang tahimik naman natin! Ganyan ba talaga kayo kagutom?" Biglang sabi ni Jasper.

 

                For the record, tahimik nga kami. Walang nag-uusap or nag-iimikan man lang. Aside kasi sa tropa, hindi ko pa kilala or ka-close ang mga sumama sa min.

 

                "Three weeks na tayong magkakakilala ganyan pa rin kayo parang first day lang. Mag-usap usap naman kayo." Pagpapatuloy pa ni Jasper.

 

                "Eh kasi… hindi naman kami katulad mo na feeling close Jasper. Pinapakiramdaman pa namin ang isa't isa noh." Sabi ni Ram sa kanya.

 

                "Huy, ano ka! Hindi kaya ako feeling close!"

 

                "Lul. Maghanap ka ng maloloko mo hindi kami. Feeling close ka kaya lagi. Lalo na sa mga babae. Kaya ka nasasabihan ng malandi eh!" Sabi ni Eric na tinawanan naming lahat.

The Thing About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon