Umaga nagising ka na masakit ang katawan mo. Umiyak ka kasi akala mo mamamatay ka na. Ang OA mo pero sanay na ako sa mga antics mong bulok. Nakauniporme na ako noon at palabas na ng bahay, nang bigla kang tumigil sa harapan ko. Maga nanaman ang mata mo. Pero tingin mo ba may pakielam ako? Bahala ka sa buhay mo.
Bigla kang nagsalita. Pero wala kang boses. Lumaki ang mata mo sa gulat at mas lalo ka pang nagsalita. Ang kulit mong tignan. Pero hindi ka cute. Hindi na kita pinansin, mukha kang tiyanak. I step sideward at nilagpasan ka. Pero hinigit mo ang polo ko. Nagsalita ka nanaman pero wala ka talagang boses. Kaya naguumacting ka sa harapan ko. Akala ko mauuwi pa tayo sa paglalaro ng Pinoy Henyo. Pero bahala ka sa buhay mo. Sinasapian ka nanaman ng engkanto.
The fact that Chanyeol keeps on bugging me about you, keeps on asking me if you’re alright or if ever you’ll be able to go to school tomorrow. Nakakainis. Tinanong niya din ako ng number mo. Pero hindi ko din alam. Una sa lahat, hindi ko nga din alam kung may cellphone ka.
And that made me realized, I barely know you. Pero tingin mo ba pagaaksayahan kita ng time para makilala? Alam mo na ang sagot.
Uwian. Magkasabay kaming umuwi ni Chanyeol. Given na ‘yon. Gusto pa sana niyang sumama sa akin pauwing bahay dahil gusto ka niyang makita. Pero nagkaroon ng emergency at kailangan niya ng umuwi agad. I felt relieved. Pero hindi ko alam kung bakit. Is it because I don’t want Chanyeol to see you? Or I don’t want you to see him?
Sinalubong mo agad ako ng makapasok ako ng pinto. I was caught off guard because your face is an inch away from mine. Para kang siraulo. Tinulak ko ang mukha mo at nagdirediretso. Pero naalala ko nga pala na hindi ka makapagsalita kanina, ayos ka na kaya?
I immediately shrugged the thought. Ano bang pakielam ko?
Dinner na ng bumababa ako. I roamed my eyes around the kitchen but you were nowhere to be found. Pero nakaahin na ang pagkain sa mesa. Umupo na ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. But I suddenly felt the need to play something on my phone- or this was just a lame excuse of mine to wait for you? Ewan.
Hindi ko namalayan na maghahating-gabi na. Ibinababa ko ang cellphone ko sa mesa at inilibot ko muli ang mata ko. Wala ka pa ‘din. It’s not that I wanted you to eat dinner with me. Magutom ka, uubusin ko lahat ‘to. Bahala ka sa buhay mo.
I waited for about 5 minutes more. Pero umalis na ako at nawalan ng gana. Nakakabwisit ilang araw lang ba tayo nagkasabay kumain at ang lakas na agad ng epekto mo sakin? Gutom lang to. But like what I said, I already lost my appetite. Baka nababaliw na din ako katulad mo.
Pumunta ako sa sala at nanood ng tv. I didn’t know why I keep glancing on my watch. Isusumbong kita kay Daddy dahil ka babaeng tao mo, naggagala ka pa tuwing gabi. Pinatay ko na ang tv, tumayo na ako at paakyat na sana ako ng hagdan ng narinig kong kumalampag yung gate sa labas.
Ooh, woman you are so dead. Tinagalan ko pa ang pag-akyat. I waited and waited. Pero hindi ka pumasok ng pinto. Pupunta na sana ako sa labas ng biglang nahagip ka ng mata ko. Papunta ka sa kusina. If you’re about to go there…. Then who’s out there?! Medyo inatake ako sa puso at tumakbo ako papuntang kusina kung nasaan ka. But you scared me more, nagsli-sleepwalking ka nanaman!
Hinampas mo ako paalis sa daanan mo. Nagiging bayolente ka pala kapag nagsli-sleepwalk. You’re about to pour yourself –again, a glass of water. Para kang baliw. I need you to stop doing this hindi dahil sa natatakot ako kanina at kailangan ko ng kadamay.
Hinigit kita at napadali ang mukha mo sa chest ko. Kasalan ko ba? Hindi manyak ka lang talaga. Agad kitang tinulak pero mabilis kang nakayapos sa akin. You snaked your arms around me. I was about to scream rape but you were able to put your right arm first on my mouth. Tinignan kita at tulog ka pa din. Let me tell you, you're such a heavy sleeper and not just that, you have a bright future as well as a criminal.
Hindi mo ako binitawan. Para kang linta! Hindi ko alam kung paano tayo nakaakyat sa second floor pero hindi ko din alam kung paano mo nagawang pumasok ng kwarto ko at saraduhan ako ng pinto. Ugh ang kapal mo talaga. Kamuntikan ko ng masira ang pintuan ng bigla mo 'tong binuksan. Kinukusot mo pa ang mata mo ng hinarap mo ako.
"Bakit ka nandito?" Ang tanong mo sa akin habang nagstestretching ka pa.
I crossed my arms. Tinignan kita ng masama. Tumingin ka lang din sa akin with your innocent face. We were both having a staring contest ng biglang narinig kong may kumakaluskos sa pintuan. Sabay pa tayong napatingin don.
Aaminin ko, I'm not fond of paranormal activities o kung ano mang activity pa 'yan. Itinulak kita palabas ng kwarto ko at sinarhan kita ng pinto. Bahala ka sa buhay mo.
Nakakagulat dahil kinaumagahan pagkababa ko ay nakain ka na ng breakfast. Wow, buhay ka pa?
Agad mo naman akong napansin ng nakalapit ako sa table.Wala kang patid sa pagsasalita. Ikinuwento mo ang nangyari kagabi. Na may aso pa lang nakapasok ng gate. Aso nila Chanyeol na nakalagpas. Tuwang tuwa ka at naging kamatis ka nanaman dahil nakita mo siya kagabi sa labas. Hindi kita pinapakinggan ng ayos pero mukhang masaya ka pa din naman. Bahala ka sa buhay mo.
Mas naunahan pa kitang matapos kumain ng breakfast. Ang daldal mo kasi, kung may duct tape lang sana ako baka na puluputan na kita sa bibig n'on.
Nakasalubong ko si Dad ng lumabas akong pintuan. Buti nagbalak pa siyang umuwi. Bahala siya sa buhay niya.
Agad mo naman akong nahabol sa paglalakad papasok ng school. Kaya wala akong nagawa kundi makinig ng sapilitan sa mga kinukwento mo. Ikinuwento mo sa akin ang talambuhay ni Chanyeol in the span of 5 seconds. Nakakarindi ka na dahil puro Chanyeol na lamang ang naririnig kong lumalabas sa bibig mo. Ngayon sana natuluyan ka ng naging pipi kahapon.
Hindi ko alam kung bakit umabsent si Chanyeol pero nakakainis dahil mas mukhang alam mo ata kung bakit siya wala ngayon. Nakita agad kitang nakasilip sa pintuan namin ng mag break. Ngayon, sana andito si Chanyeol para siya ang kulitin mo.
You invited me to eat lunch with you in the cafeteria. Ayoko sana pero sabi mo libre mo. Sino bang makakatanggi sa offer mo na ‘yan?
Alam ko na ang mangyayari kapag sabay tayong kumain. Magkukwento ka nanaman ng mga bagay na wala namang kwenta at hindi ko naman gustong pakinggan. Pasalamat ka nilibre mo ako, or else I would’ve eaten my lunch instead inside a comfort room - that is a billion better than being inside the same place with you. Magkasama na nga tayo palagi sa bahay, pati ba naman sa iba pang lugar?
Nakakasawa na yang mukha mo. I don’t even know why Chanyeol see you as someone who has potential to be his girlfriend. Nakakadiri. I wouldn’t think of such scary things like that even in a million years or in my afterlife.
Kumakain ka ng spaghetti. Pero mukha kang cannibal sa sobrang daming sauce all over your face. Nakakahiya at magkasama pa tayo. Mukha kang hindi kumain ng mga 15 years. If I were Chanyeol, I would’ve grabbed this opportunity to make a move on you. Pero hindi naman ako siya at wala akong pakielam kung mapagkamalan kang cannibal at makulong ka sa prisinto ng panghabang buhay. Bahala ka sa buhay mo.
Tinanong mo ako kung gusto ko ng juice. Tumango na lang ako dahil hindi ko gustong makita pa ang mukha mo. Narinig na lang kitang pinagtatawanan ng ibang tao. Tingin mo may pakielam ako? Huh wala!
Bumalik ka, I perked my head up. ‘Yang mukha mong yan. Yan ang dahilan kung bakit ka nila pinagtatawanan. Sinabi ko ‘yan sa’yo. Pero ngumiti ka lang at sinabi mong ayos lang. I suddenly felt a pang in my chest. Was it guilt, anger or hurt?
Inabot mo sa akin ang juice. Hindi ko na tinanggap. Sabi ko sa’yo na lang. Pero naguminsist ka pa ng sobra. Nakakainis ka na talaga, pero sa huli ako pa din ang nanalo. Tinanggap ko ang can pero binalik ko sa’yo pagkatapos ko ‘tong buksan. You were so clueless. Partly, natutuwa ako sa’yo; Partly, naiinis ako. Alam mo bang maraming makakapag take advantage sa’yo kung ganan ka palagi? Sinabi ko ‘yan sa’yo. Pero mukhang wala ka namang mainitindihan.
I found myself giving you my handkerchief. Iniwan kita ‘don. Bahala ka sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Bahala ka sa buhay mo
Short StoryBaekhyun found himself having an internal battle inside whether he had fallen in love with you or not, and he will do anything just to win the argument. "Okay lang hindi naman kita type. Bahala ka sa buhay mo."