Nagpasama ka sa akin ng magsabado sa bahay ng kaklase mo. Tinignan lang kita with my ‘niloloko mo ba ako’ face. Hindi ka naman natinag nito. Pinilit mo pa ako ng pinilit. Ipinagtimpla mo pa ako ng juice; ibinake mo pa ako ng cupcakes mong ‘di naman masarap. Overall, lahat ng gusto kong ipagawa sa’yo ginawa mo. Pati na din ang pagpapaligo sa non-existent kong alagang flying jaguar.
Nakakamused pero feeling mo talaga sasamahan kita? Gagawin mo pa akong bodyguard at tour guide? Huh no. Nakaupo ako sa sofa sa sala at nanonood ng tv. Parang kang isang malaking epal ng bigla mong harangan ito. Kamuntikan na kitang mabato ng remote sa inis, buti na lang at meroon akong tinatawag na ‘patience’ at ‘respect’. Respect sa mga animals. Wala din naman akong balak na magpakulong sa kasong animal cruelty.
Palabas ka na ng bahay, buti naman at hindi mo pa ulit ako kinulit. Kasi, yung tinatawag ko kaninang ‘patience’ at ‘respect’ paubos na. Sinilip kita ng makalabas ka. Kaninong kaklase ka ba pupunta? Ayaw kitang tanungin dahil that’s not my style.
Sumilip ako sa gate. You were in front of Chanyeol’s gate. Nabwisit ako ng hindi ko alam at in the span of 1 second, nasa tabi mo na ako.
“Nagbago na isip ko. Tara na.”
Sobra na ang tagaktak ng pawis ko. Pero hindi mo pa din maalala kung anong pangalan ng kaklase mo. Gusto na kitang ibaon sa lupa ng mga panahon na ‘yon. Pero nagulat na lang ako ng ibinigay mo sa akin ang panyo ko na ipinahiram ko sa’yo. Nakakadiri, hindi ako nagamit ng mga ginamit na ng ibang tao. Ibinalik ko sa’yo sabi ko ikaw na lang ang gumamit dahil sa’yo na ‘yan. Ngumiti ka lang at ginamit mo nga. Ginamit na pangpahid sa pawis ko. Ngayon, sana ako na lang ang lamunin ng lupa sa sobrang hiya ko sa mga taong nakakakita sa atin.
Nagalit ako sa’yo at nagwalk-out ako. Dahil napahiya ako sa sagot mo.
“’Di ba sabi ko sa’yo na ‘yan?” I pushed your hand away from my face.
You bit your lips. “Oo, pero alam ko naman ang ginagawa ko.” Sagot mo naman na parang paiyak ka na.
“So?” I said forcing you more to explain yourself.
“Akin na ‘to. Kaya pwede kong gawin ang gusto ko dito.”
Ako ang kamuntikan ng mapaiyak sa hiya. Okay, wala akong comment. Gusto pa sana kitang sagutin na may karapatan din naman ako dahil ako ang pinahidan mo. Pero para kang rollercoaster, papaikut-ikutin mo lamang ako sa mga explanation mong hindi makaturangan at hindi ko naman balak pang pakinggan. Bahala ka sa buhay mo.
Agad mo naman akong nahabol ng winalk-outan kita. Nagsorry ka, hindi kita pinansin. Sinabi mo na hindi mo sinasadya na pahidan ako ng pawis. Kamuntikan mo na akong mapatawa, baliw ka. Hindi mo naman ako pinahidan ng pawis, baka ibig mong sabihin pinahidan mo yung pawis ko. Nagsorry ka ulit, sinabi mo na hindi mo din balak na limutan ang pangalan ng kaklase mo at idamay pa ako. Natatakot ka lang na mawala, dahil hindi mo pa naman kabisado ang village na ‘to. Para kang parrot, paulit-ulit kang nagsosorry. Hindi ko na maintindihan kung ano ka ba talaga, kabayo na parrot? Parrot na kabayo? Kapre? Engkanto? Cannibal? Sa sobrang panglalait ko sa’yo. Minsan natatakot na ako na sobrang nagiging makasalanan na ako. Kapag nagkatime ka, ikaw ang pagdadasalin ko na mapatawad sana ako sa lahat ng mga kasalan ko sa’yo.
Sa huli, natanggap mo na ang pagkabigo. Umuwi ka na nanlalambot. Nagrereklamo ka pa sa akin na baka pagawain ka ng sariling project ng teacher nyo. Sinabi ko na lang sa’yo na dun ka sa Brgy. Hall magreklamo and for the first time ever, nakita ko na siniringan mo ako.
Simula noon hindi na muna ako lumapit sa’yo. Lagi akong nagiiwan ng mga 10 steps distance kapag nasa paligid ka lang. Kaya kapag kumakain ng breakfast, dinner or lunch. Kailangan mauuna akong kumain o mauuna kang kumain. Natakot ako sa’yo dahil nakita ko ang bitch side mo. Para kang witch.

BINABASA MO ANG
Bahala ka sa buhay mo
Short StoryBaekhyun found himself having an internal battle inside whether he had fallen in love with you or not, and he will do anything just to win the argument. "Okay lang hindi naman kita type. Bahala ka sa buhay mo."