II - Bangkay na nabuhay

118 3 0
                                    

Kinabukasan sumabay si Daddy na magbreakfast sa atin. Pinaalalahanan pa ako nito na 'wag daw kitang alilain dahil nakikitira ka lang naman daw samin. Nagkuwento pa siya na matalik daw silang magkaibigan ng tatay mo. Kamuntikan ulit akong makatulog habang nakain mabuti na lang may tumawag sa kanya at napaaga ang pag-alis niya ng bahay. Pwede na ulit kitang alilain. Pero joke! Okay, ako na ang maghuhugas ng pinggan dahil naaawa ako sa sobrang laki ng eyebags mo, isama mo pa ang maga mong mata. Nakakatakot kang tignan.

 

Habang naghuhugas ako ng pinggan which is binabasa ko lang ng tubig. Dahil asa ka naman na huhugasan ko talaga 'to. Bigla kang nagsalita sa gilid ko. Sensya ka na lang hindi ka ganon kapansinin kaya hindi kita napansin. Pero naririnig naman kita, sinabi mo sa akin na ikaw na ang maghuhugas ng kaldero. Nagtaka ako pero bahala ka sa buhay mo. Pagtapos non ay sinaway mo pa ako dahil mali-mali ang paghuhugas ko. Dinanggi mo ako ng kaunti at ipinakita mo sa akin ang tamang paghuhugas in slow motion. Mukha namang nageenjoy ka na sa paghuhugas kaya umalis na ako ng hindi mo napapansin. Feel mo eh, Bahala ka sa buhay mo.

 

Nang lumabas ako ng kwarto at bumababa, nakita kitang nanonood ng tv sa sala. Ang pangit ng palabas, hindi ko din alam ang title. Pero nandon si Nora Aunor. Hindi ko talaga maintindihan, isa ka bang matandang babae na nakulong sa katawan ng isang batang babae? Ang wirdo mo dahil naiiyak ka pa sa pinapanood mo. Mas mukhang entertaining ang itsura mo kesa sa pinapanood mo. Minsan try mo na lang tumingin sa salamin.

Pa-climax na ang pinapanood mo ng biglang tumunog ang doorbell. Tumayo ka at dumiretso palabas. Agad ka namang tumakbo pabalik sa loob, namumula ka nanaman. May allergy ka ba sa pagtakbo? Sinabi mo sa akin na may nagiintay na gwapo sa akin sa labas. Nakakapanghinala, pero alam ko na kung bakit ka namumula. Si Chanyeol- ang kapitbahay namin, may gusto ka sa kanya no? Napatawa ako ng pangkontrabida. "You won't stand a chance." Ang sabi ko sayo bago ako lumabas.

 

Gabi na ako ng makabalik sa bahay. Patay na ang ilaw. Kaya nagassumed ako na tulog ka na. Mas mabuti naman 'yon dahil wala ng magsusumbong sa Daddy ko na lumagpas ako sa curfew. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Nagulat na lang ako ng bigla kang naglakad at tinulak mo ako paalis sa harapan ng refrigerator. Masakit dahil napadali ako sa pasimano.

Binuksan mo ang refrigerator at kinuha mo ang pitcher sa loob. You poured yourself a glass of water at naglabas ka ng isang paketeng orange juice galing sa'yong bulsa. Wow, prepared. Pero nakakapagtaka, dahil pagkatapos mong kanawin ang juice. Umalis ka na lang bigla. Hindi ko na lang 'yon pinansin.

Dumiretso na ako sa hagdan at nakita naman kitang umaakyat ng mabagal. Sinilip kita ng nilagpasan kita. Bigla akong natakot dahil nakapikit ka. Agad akong napatakbo sa loob ng kwarto ko. Natakot ako dahil mukha kang bangkay na nabuhay.

 

Kinaumagahan ako naman ang may malaking eyebags. Nakalimutan ko na 'ding kumain ng breakfast dahil natatakot pa din akong makita ang mukha mo. Dumiretso na ako sa school. Kahit na sinabi sa akin ni Daddy na isabay kita sa pagpasok. Hindi ko siya sinunod. Hindi ko alam kung ready na ba akong makitang muli ang mukha mo, baka nga hindi na ako maging ready kahit kailan pa man.

 

Nagulat ako ng makita kita sa pintuan ng room namin. Mukhang hinahanap mo ako kaya agad akong nagtago sa ilalim ng desk ko. Pinapunta ko sa'yo si Chanyeol. Feeling ko naman magkakilala na kayong dalawa, dahil walang ibang bukang bibig si Chanyeol ng nagkita kami nung isang araw. Actually, parang favorite topic ka na niya ata. Nakakapangilabot marinig 'yon dahil bestfriend ko si Chanyeol. Natatakot ako para sa kanya, ano bang gayuma ang ginawa mo sa kanya?

Ilang minuto kayong naglandian (base on what I saw) sa tabi ng pintuan ni Chanyeol. Mukhang masaya kayong  dalawa, bahala ka Chanyeol. Binalaan na kita.

Bumalik na si Chanyeol palapit sa akin at inabot sa akin ang isang paper bag. Tinignan ko ang laman noon, lunchbox. Ginawa mo pa akong bata at talaga namang kulay pink? Hindi ka pa nakuntento dahil neon pa ang pagkakapink. Nakakawalang gana ulit kaya ibinigay ko na lang 'yon kay Chanyeol.

 

Uwian, inintay mo pa ako sa pintuan ng room namin. Hinahanap mo ako pero nagtago ulit ako sa'yo. Pinalapit ko nanaman sa'yo si Chanyeol at ginamit ko ang isang pang pintuan palabas ng room. Pero malas, napansin mo ako at isinigaw mo pa ang pangalan ko. Ngayon, tatlo na tayong naglalakad pauwi.

Madalas dumadaan pa ako sa isang arcade na malapit sa school kasama si Chanyeol. Pero ng niyaya ko siya, sabi niya sasabay na lang muna siya sa'yo dahil baguhan ka pa lang daw at baka maligaw ka. Bwisit ka Chanyeol, alam ko namang you're just hitting on her. Nakakasuka pero pinabayaan ko na lang siya. Mukha namang okay ka lang din na kasabay mo siya sa pag-uwi (not that I care). Bahala ka sa buhay mo.

 

Inabot ako ng gabi at ng malakas na ulan. Wala akong dalang payong kaya no choice at naglaro pa ako ng naglaro hanggang sa nagsawa na ako. Umuulan pa 'din. Wala namang dumadaang trike ngayon dahil nakaparada 'yon. Kailangan kong pumunta don which is a 5 minute run from here. Susugod na sana ako ng ulan ng bigla kang lumitaw sa harapan ko. Kamuntikan na kitang itulak sa kanal. Mukha kang basang sisiw.

 

Nang makauwi tayo, which the two of us ended being drenched in water. Dahil tinakbo ko lang naman ang paradahan ng trike at binalikan ka sa arcade (that took all of my patience). Ubo ka ng ubo sa sala. Kulang na lang lumabas na ang trachea at esophagus sa bibig mo.

Kawawa ka naman. Pero bakit ka ba sumugod sa ulan? Ah oo nga pala, kakasabi mo nga lang pala sa akin kanina na hindi ka sumugod. Inabutan ka lang ng ulan ng binalak mong tignan ang ginagawa ko sa arcade-dan. Oh, ang chismosa mo kasi. Bahala ka sa buhay mo.

 

Hating gabi na, nakatulog ka na kaya? Bumababa ako para kumuha ng tubig. Nauhaw ako habang  nagtetext kanina. Kapagod grabe. Nakita kita ng napasilip ako sa sala bago nagdiretso sa kusina. Tulog ka na nga. Pero napabalik ako ng narealized ko, bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit mo? Mas nilapitan pa kita, at totoo nga ang hinala ko. Isa kang malaking baliw.

Ginising kita, kasi hindi nakaya ng cardiac muscle ko ang makita kang mag agaw buhay sa ginaw. Ayaw mo namang gumising kaya napilitan akong hubadan... OOPS Joke lang kayo naman. Napilitan akong kunin ang kumot ko sa taas.

Nakakainis bagong laba pa naman 'yon. Makakapitan pa ng germs mo. 'Di bale na lang paggumaling ka na, lalabahan mo 'yan ng mga 25 times.

 

Hindi ko maisip na andito ako sa kalapit na sofa at nakaupo. Binabatayan kita pero konti lang, kasi nanood talaga ako ng tv. Later on, bigla mong hinagis sa akin ang kumot ko. Nagulantang ako at napatingin sa'yo. Gegerahin na sana kita ng biglang nakita kitang tumayo ng nakapikit. Eto nanaman ang kinatatakutan ko. 

Dahandahan kitang sinundan. Gaya ng dati, lumapit ka sa refrigerator at nagtimpla ka ng juice. Pero ngayon, grapes flavor. Napakapit ako ng sobra sa pader. Nakakatakot ka, lalo na ng biglang dumaan ka sa gilid ko. Kapag ako nacardiac arrest. Ikaw ang sisihin ko! Sinundan kita ng tingin, bumalik ka sa sofa at natulog. Lumapit ako sa'yo ng hindi ka na gumagalaw.

Pero akala ko lang 'yon kasi bigla mo akong hinigit at niyapos. Sinabihan mo ako na ang pogi ko, na ang bait ko at ang talino ko! Kulang na lang kantahin mo ang 'Nasayo na ang lahat ni Padilla'. Umulan ng pangbobola that time, kamuntikan ng bumaha. Natutuwa na ako sa'yo dahil kapag tulog ka naman pala ay mabait ka. Yun ay kung hindi mo lang sana binaggit ang pangalan ni Chanyeol. Nakakadismaya pero pwe! Okay lang hindi naman kita type.

Bahala ka sa buhay mo.

Bahala ka sa buhay moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon