Pinauwi ko na kayo ni Chanyeol. Mukhang tuwang tuwa naman kayong dalawa dahil finally, both of you would be able to spend the day without me ruining the moment.
Mga sampung beses ko lang naman inulit sa’yo na susunod ako pagkatapos at mga ilang higit at pangpipilit lang sa’yo ni Chanyeol. Hindi mo naman kasi kailangang lagi akong bantayan. I’ve lived for 18 years on earth without you. Tingin mo ba, masasagasaan pa ako ng trike gaya ng sinabi mo bago ka umalis? Baliw ka.
Nang makaalis kayo, bumalik ako sa loob. There’s this someone that keeps on bugging me. Pinagbigyan ko na dahil alam ko nanaman kung anong gusto niya.
“Buti na lang dumating ka.” Sabi niya ng napansin niya ako.
“I don’t like you.” Ang sagot ko ng direkta. I questioned myself, am I being so harshed towards her?
I already knew the answer when her eyes became watery but she shrugged this off with a smile. “Ganon?” Her voice quivered. “I can wait for you to like me.”
I hesitated for a bit if I will still argue with her or if I should just leave her. The latter won. Tinalikudan ko siya, pero niyapos niya ako from behind. “I promise, I could wait.”
I went home thinking deeply. Taeyon? You’re still pretty as ever. I used to view you as someone that is unreachable, like the stars above. You shine so bright when you smile nevertheless, whatever you do… let’s just say I’m attracted to you - would be an understatement.
Una ko pa lang siyang nakita, nagustuhan ko na siya. The problem is, Chanyeol likes her too. Pareho kaming nagpagalingan pag dating sa kanya. No one would like to back out. Pero isang araw, nagising na lang kami at natawa. We’re ruining our friendship just because of a girl.
Hindi ko namalayan na pumasok na ako ng bahay at inihagis ko sa’yo ang chocolate na ibinigay sa akin ni Taeyon kanina. Tinignan mo lang ‘yon at tinanong mo ako nang paakyat na ako ng hagdan.
“Anong gagawin ko dito?”
“Isaing mo.” Sagot ko. Pero narinig ko ang yabag mo paakyat. Sinundan mo pa pala ako.
“Pwede ‘yon?” You said. Tumigil ako ng saglit. Sasagutin pa sana kita ng ‘Saan ka ba nakatira? Sa probinsya ba talaga o sa desultored na kalsada?’ Pero ng nilingon kita.
I came face to face with you.
I keep shuffling on my bed. I held my chest. ‘Magpatingin na kaya ako?’ I sat up and ruffled my hair in the process. Napatingin ako sa analogue clock na nakasabit sa taas ng pintuan. I hate those clocks. Sino bang umimbento nan? At bakit ko ba ‘yon nilagay don?
Napigil ang panglalait at pangaalipusta ko sa analogue clock ng biglang gumalaw ang knob ng pintuan ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto habang hawak ko ang isang tennis racket na ngayon lamang naging handy. I slowly turned the knob and I immediately crossed my arms in front of me for defense. Ipinikit ko din ang mata ko, dahil hindi ako ready sa kung ano mang haharapin ko.
At tama nga ako, hindi ako ready sa isa nanamang yapos na galing sa’yo. I was starting to compare your hug to Taeyon’s when I realized that I was already taking advantage of you. Agad kitang itinulak na ikinabagsak mo naman sa sahig. Nagulat ako, syempre I didn’t mean to push you that hard.
Hindi ka pa din naman nagising. Pinasantabi ko na ang tennis racket at nilapitan kita. I checked your face kung nabasag ba. Okay lang naman siguro ‘yon sa’yo dahil wala namang magbabago.
Binuhat kita, ang bigat mo. Pero ang payat mo naman. Napailing ako when you suddenly locked your arms on my neck. Minsan gusto kitang tanungin kung alam mo ba ang pinagagagawa mo sa tuwing natutulog ka. Ang manyak manyak mo. Gusto din kitang tanungin kung ilang mga inosenteng tao na ba ang nabiktima mo sa pangyayapos randomly. Pero tingin mo ba gusto kong malaman ang isasagot mo? Bahala ka sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Bahala ka sa buhay mo
NouvellesBaekhyun found himself having an internal battle inside whether he had fallen in love with you or not, and he will do anything just to win the argument. "Okay lang hindi naman kita type. Bahala ka sa buhay mo."