III

21 4 2
                                    

Tinutoo ko yung sinabi ko na magbo-Boracay ako. Biro ko lang talaga yun pero yung mata na nakita ko nung araw na yun yung naging dahilan kung bakit ako natuloy.

"Putek tol, ang tagal ng bakasyon natin ah? Bakasyon grande!"

Nilampasan ko lang yung tukmol kong kaibigan habang panay ang biro nya sakin.

"Pero tol, iba talaga feeling ko eh. May bago ka na no?"

Matalim ko syang tinignan. Di ko alam alam kung bakit ba ang daldal nya ngayong araw.

"Ikaw naman tol. Serious masyado. Ibig kong sabihin ay nay bago ka nang pinagkukuhaan ng trabaho. Masyado ka alam mo yun? Masyadoo!"

Panay pa rin ang daldal nya hanggang sa makarating na kami sa bahay. Natuwa naman ako na malinis kong nadatnan ang kwarto ko.

Pero may isang folder akong naabutan sa mesa ko.

"Tatlong araw nang nag-aabang sayo yan. Miss ka na nyan." Tumatawa nyang komento habang seryoso kong tinitignan yung folder.

"Bakit ba ang tahimik mo? May silent game ba tayo?"

"Bakit ba ang daldal mo? Bakla ka ba?" Padarang kong tanong sa kanya.

"Makaalis na nga. Ang init ng panahon no? Pati ulo mo mainit. Makapagluto na nga lang at ng mahimasmasan. Ewan ko ba....."  Panay pa rin ang daldal nya habang papunta sa kusina.

Sinara ko ang pintuan at maigi kong tinignan ang kung anu mang nasa loob ng folder.

May dalawang sobre sa loob ng folder. Bukod pa dun ay isang maliit na plastic na naglalaman ng isang sd card.

GENEVA--yun ang nakalagay sa labas ng isang sobre. Info ang nakalagay sa loob. Cheke naman ang nasa isa. Agad kong tinignan kung ano ang laman ng sd card. Masyadong malinis ang pagkakalahad sa files.

Pero lubos akong nabigla nung nakita ko kung sino ang nasa larawan ng nasa pinapatrabaho sakin.

"Yung babaeng may malamlam na mata." Bulong ko sa sarili ko habang iniisa isa ang ang larawan nya.

"Sinong naglagay ng folder sa mesa ko?" Tanong ko sa kaibigan ko na ngayon ay nagluluto nga.

"Haaa?"

"Sinong nagdala ng folder sa mesa ko!?" Pasigaw ko nang tanong.

Tila nabigla ko sya at nakatulala lang sa sakin ng ilang segundo. "Ako. Galing kay Macky yan. Gusto nila na pinakamagaling ang trumabaho nyan kaya pinasa satin. Ano bang problema?" Aniya.

Agad kong tinawagan si Macky. Di naman ako nag-antay ng matagal.

"Mackintosh, kanino galing yung trabaho? Yung Geneva? Gusto kong makausap yung nagpapatrabaho."

"Oh? Himala? Anong meron?" halata sa boses nya ang lubos na pagtataka.

"Ayaw mo? Ipasa mo nalang sa iba" malamig ko namang turan.

"Di ka mabiro. Ise-set ko ang pagkikita nyo. Antayin mo ang tawag ko." At binaba nya na agad ang tawag.

Nagkulong ako sa kwarto at tinitignan ang larawan nya habang nag-aantay ng tawag.

Anong meron sayo at may nagbabalak na gawan ka ng masama? Masama ka ba?

Nakatulugan ko nalang ang pag-aantay sa tawag.

Maaga ako umalis kinabukasan. Gusto kong nakita kung anong pamumuhay ang meron sya.

Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone at agad itong sinagot.

"Mackintosh to. Lunes sa Makati, alas kwatro ng hapon. Ititext ko sayo saan eksaktong lugar."

"Salamat." At agad na pinutol na tawag.

Nakita ko na sa isang maliit na apartment labg nakatira ang babae. Simpleng pamumuhay.

Minanmanan ko lang ang babae.

"Iho, sinong tinitignan mo dyan?"

"Ah kaibigan ko lang ho lolo. Si Alassiel po. Hindi ako makalapit at may atraso ho ako sa kanya eh." Pagpapanggap ko habang kausap ang matandang lalaki na nakangiti lang sakin.

"Si Ali ba kamo? Naku! Di naman mabilis magalit ang bata na yun. Mabait masyado."  Ani ng matanda.

Nagkwentuhan pa kami ng matanda tungkol sa babae na nagngangalang Alassiel.

Mabait naman at simple ang pamumuhay. Ano kaya ang meron ka at balak ka nilang ipapatay?

A Rose in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon