"Tignan mo ko sa mga mata ko. Gusto kong mukha ko ang huling makikita mo bago natin tapusin to." Sabi ko sa lalaking nakagapos sa harap ko. Hindi na bago sakin ang ganito. Katulad lang to ng pagdaan ko sa isang eskinita malapit samin--- palagian ko kung gawin.
"Maawa ka sakin! May pamilya ako. May mga anak! Wala nang bubuhay sa kanila kung mawawala ako. Para sa mga anak ko nalang. Maawa ka!" Pahiyaw nyang pagmamakaawa. Punong puno na ng pawis at luha ang buo nyang mukha. Puro pasa at sugat na rin ito. Kung ibang tao siguro ako, maaawa sila. Pero hindi ako tulad ng iba. Iba ako sa kanila.
"Hmm. Eto ba ang mga anak mo?" Sabay pakita ng litrato sa kanya.
Natahimik ang lalaki sa aking harapan na tipong natakot sa aking pagtatanong.
"Sige ganito nalang. Tutal good mood naman ako ngayon. Maglaro nalang tayo. Mas okay siguro yun no?" Ngisi kong sabi sa kanya. Lalong nabakas ang takot sa mukha ng lalaki sa harap ko.
"Ayoko makipaglaro sayo. Maawa ka. Babayaran kita. Magkano ba? 50 thousand? 100 thousand? Kalahating milyon? Sabihin mo! Babayaran ko! Maawa ka wag mo kong papatayin." Pagmamakaawa nyang saad.
"Hindi. Maglalaro tayo. Wag kang kj. Sige ka. Gusto mo bang uminit ulo ko?"
"H-hindi. M-maawa ka. Alam kong may pamilya ka din. Naiintindihan mo n-naman siguro ako, ano?" Pilit na pinapaintindi sakin ng lalaki ang sitwasyon nya.
Lalong nagpuyos ang damdamin ko. Sa mga sinabi nya, isang katotohanan ang sumampal sa mukha ko. Isang mapait na katotohanan na kailanman ay di ko matatanggap.
"Eh pano ba to? Wala naman akong pamilya. Niloloko mo naman ako ako eh. Laro na tayo Mister. Anu nga palang pangalan mo ulit?" Tanong ko sa kanya habang hindi kinakalas ang mga titig ko.
Nagpupuyos pa din ang damdamin ko pero isinawalang bahala ko ang nararamdaman ko.
"H-harold L-l-lorenzo. Harold Lorenzo." Sagot nya sa pabiro kong tanong.
Kunwaring gulat ko "Harold Lorenzo!? Yung kalaban ni Mayor Zaragoza sa susunod na eleksyon?"
Hindi sya nakasagot sa tinanong ko kaya nilahad ko nalang ang mga litrato ng 2 anak nyang babae at ng asawa nya.
Kitang kita ko ang pagkalito at pagkabagabag sa mga mata nyang patuloy pa din sa pagluha."O'sya. Eto na laro natin. Tutal ayaw mo naman mamatay at nagmamakaawa ka. Pagbibigyan kita. Gusto kong magbanggit ka ng pangalan. Mamimili ka lang naman dyan sa mga litrato. Diba walang hirap? Di ka pa namatay." Nilagyan ko ng humor ang boses ko.
"Bakit mo ba to ginagawa? Anu bang atraso ko sayo?" Tanong nya sakin habang humahagulgol.
"Nasasayang ang oras natin Harold. Bibigyan lang kita ng limang minuto." Malumanay kong sabi habang prente akong nakasandal sa inuupuan ko.
"W-w-wag mong gawin t-to. N-nagmam-makaawa ak-k-ko." Nanginginig nya nang saad.
"Tatlong minuto, Harold." Pagbibilang ko ng oras.
"Bibigyan kita ng bahay, n-negosyo. G-gagawi-in din k-kit-tang tauhan k-ko. Tama! Gagawin kitang tauhan ko. Maawa ka."
Hindi ako nagpatinag ng titigan ko sya ng mata sa mata.
"Binalaan ka na diba? Bakit hindi ka nakinig? Ngayon, magmamakaawa ka? Kakaiba!" Natatawa kong sagot sa alok nya.
Habang nakaupo lang ako dito ay tumunog ang aking cellphone. Sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino ang tunawag.
"Ngayon na Roux" ani ng lalaki sa kabilang linya.
"Oks." Sabay baba ng aking telephono. "Haay! Pano ba yan Mr. Lorenzo? Gusto ko pa sanang makipaglaro kaso wala na tayong oras."
"Maawa ka! Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong patayin! Please!" Iyak ng lalaki.
"Pasensya na ah?" Sabay putok ng aking baril sa ulo ng lalaking nagmamakaawa. "Trabaho lang."
Pagkatapos ng ginawa kong iyon ay nilisan ko ang lugar kung saan ko iniwan ang bangkay ng lalaking nagngangalang Mr. Lorenzo. Hindi ko sya kilala. Yun lang ang nakalagay sa files na pinasa sakin.
Din-ial ko ang nag-iisang numero na nakaregister sa aking cellphone.
"Oh, tapus na?" Sabi ni Elmer.
Kaibigan ko sya. Sya ang nagpasok sakin sa ganitong trabaho. Sya lang ang nagbigay sakin ng solusyon sa nararamdaman ko noon.
"Ikaw lang naman tong weak eh!" Sinabayan ko ng tawa ang biro ko sa kaibigan. "Nasa bahay ka? Magluto ka na weak! Nagugutom na ko!" Dagdag biro ko sa kausap ko.
"Eto na master. P*ta! Ako na nagbigay ng trabaho, ako pa tagaluto? Gag* talaga" natatawa din saad nya.
"Basta pauwi na ko. May dadaanan lang ako." munti kong paalam sa kanya.
"Oo na alam ko na yan. Tagalan mo lang. Di ka minamadali." Huling sabi nya bago ibaba ang tawag.
Hindi ko alam paano ako nasadlak sa ganitong trabaho. Pero iisa lang ang alam ko. Kailangan kong mailabas lahat ng nararamdaman ko. Kailangan maramdaman din ng iba kung ano ang nararamdaman ko. Pero pagkatapos ng mga ganitong trabaho, isa lang ang pinupuntahan ko pagkatapos. Sa kanya at sa kanya pa rin ako pupunta pagkatapos ng lahat. Sya pa rin pala ang kakailanganin ko sa kabila ng pangangailangan ng iba sa serbisyo ko.
Napangiti nalang ako habang naglalakad papunta sa aking sasakyan.

BINABASA MO ANG
A Rose in the Dark
General FictionSi Roux ay hindi isang simpleng empleyado. May mga bagay sya na dapat tapusin. Mga bagay na hindi ginagawa ng isang ordinaryong tao. Pero nagbago ang lahat simula nang tanggapin nya ang isang assignment na nakapagpayanig sa kanyang buhay. Isang baga...