Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang plano. Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari.
"Ano Roux? Tuloy pa ba ang plano? Mukhang nag-iba ata ang ihip ng hangin ah?"
Huminga ako ng ng malalim. Tinatakasan na ko ng katinuan ko. Naghati bigla ang puso ko at naaapektuhan na ang desisyon ko.
"Hindi ko pa nakukuha yung pera."
Yan nalang ang kaya kong isagot.Sa unang pagkakataon, nalito ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin.
Tinignan ko sya habang nakatanaw sya sa malayo.
Hindi ko ugaling ihalo ang personal na nararamdaman ko sa trabaho ko, pero tang*na! Sibusubok ako ng tadhana.
"Tawagan nalang kita Elmer." Sabay putol ko ng tawag.
Sya namang lingon nya sakin at ngiti.
Lumapit sya sakin ng nananatili ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Okay ka lang ba Roux? Maganda ang sunset, diba?" Aniya sabay tingin sa bintana.
Oo nga. Maganda ang sunset. Pero hindi ko kayang tignan ang kagandahan nito dahil sumasagi pa rin sa isip ko yung misyon ko.
Kinakaen na ng oras ang mga sandali na dapat ay magsasaya tayo.
Kinakaen na ng pagkakataon ang dapat ay tadhana natin.
Pakiramdam ko ikamamatay ko tong gagawin ko. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin.
Tinitigan ko sya ng matagal habang sya ay aliw na aliw sa tanawin ng paglubog ng araw.
Sumasagi sa isip ko ang mga katagang
Matatanggap mo ba kung sino ako?
Mamahalin mo ba ang katulad ko?"I'm sorry Aly. I'm very sorry" bulong ko kasabay ng luha na pumatak sa mata ko.

BINABASA MO ANG
A Rose in the Dark
BeletrieSi Roux ay hindi isang simpleng empleyado. May mga bagay sya na dapat tapusin. Mga bagay na hindi ginagawa ng isang ordinaryong tao. Pero nagbago ang lahat simula nang tanggapin nya ang isang assignment na nakapagpayanig sa kanyang buhay. Isang baga...