Humuling sulyap ako sa lugar na pinanggalingan ko bago ako tumalikod at pumunta sa aking sasakyan.
Hindi ko alam na kahit gaano na katagal ang nakalipas, masakit pa rin kapag binabalikan ang mga ganung tagpo.
"A*shole, saan ka? Tinawagan ako ni boss. May bago daw trabaho. Sama ka?" Sagot ng lalaki sa kabilang linya matapos kong sagutin ang tawag. Pinapakinggan ko lang sya habang pinapaliwanag tungkol sa trabaho.
"Pass muna ako. Alam naman ni boss na hindi ako humahawak ng tungkol sa mga ganyan diba? Kayo nalang. Bora muna ako" loko kong banat sa kausap ko. Binaba ko na rin ang tawag. Hindi sa ayaw ko syang makausap. Ayaw ko lang magpaliwanag. Hindi pa rin ako handang pag-usapan.
Dumaan muna ako sa bilihan ng lechong manok. Natatawa ako habang binibili ko yung paborito ng kaibigan ko. Hindi kasi ako tinantanan sa text ng ugok para lang sa manok nya. Kapalit daw ng luto nyang sinigang.
"Hanep ka gag* ah! Feeling asawa ka? May patext text kang nagke-crave ka sa manok. Ano ka buntis?" Bungad kong sigaw nang makarating sa bahay. Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig ng maabutan kong may kausap sa telepono.
"Oo na! Wag mo kong madaliin! Gagawan ko yan ng paraan. Tang*na! Problema nyo yan dinadamay nyo ko. Mga b*bo talaga kayo kahit kailan!" Binaba nya ang tawag sabay lingon sakin "Oh? Nandyan ka na pala? Saan na manok ko?" Pag-iiba nya ng topic habang naglalakad papunta sa kalan.
Hindi ko nalang pinansin yung narinig ko sa kanya. Alam ko naman na kahit magkaibigan kami, kailangan nya rin ng espasyo para sa mga personal nyang problema.
"Kumaen ka na tol ah? May pupuntahan lang ako. Yung manok ko wag mong ubusin." Saad ni Elmer habang may pagmamadaling naglakad palabas ng bahay.
Tinignan ko lang sya at kumuha na ng aking makakain. Kaagad kong tinapos ang pagkain at pumunta na sa aking kwarto.
Bumungad sakin ang iba't ibang files na nakalapag sa aking lamesa. Inisa isa ko ito habang nagpapahinga.
Hindi lang kay Elmer ako kumukuha ng trabaho. May mga nagpapadala din ng personal nilang sulat ng pangangailangan ng serbisyo ko.
Hindi naman ito para sa pera. Kaya kong mamuhay ng simple kung ako lang ang tatanungin. Hindi ko kailangan ang lahat ng ito. Pero isa ito sa mga naging dahilan ko para makalimot.
Pinaghiwalay ko ang mga bagay na nagawa ko na at mga gagawin ko pa lang. Isang oras na pahinga lang ang kailangan ko para tapusin ang isa ko oang assignment.
Dalawang binata.
Yun ang nakasulat sa files. Dalawang binata na nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad sa bandang Taft.
Order: Shoot to Kill
Madali lang. Kaso maraming tao dun eh.
Binasa ko pa lahat ng mga impormasyong nakasulat sa papel bago ako umalis sa bahay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Taft, ManilaNakaabang lang ako sa kanto habang iniisa isa ang mukha ng mga lumalabas sa gate ng unibersidad.
Hindi nagtagal ay namataan ko ang dalawang binata na lumabas sa gate at pumunta sa eskinita.
Marahan akong sumunod sa dalawa ngunit imbis na makasunod ako ay may isang babae ang humablot ng braso ko.
Nilingon ko sya at nakita ang takot sa mga mata nya. Hindi ko na napansin ang kanyang itsura dahil ang atensyon ko ay nasa mata nya lang. Alam kong nakita ko na yung mga ganitong mata pero hindi ko maalala kung saan.
"Bakit miss?"
"Y-yung kapatid ko. Bubugbugin n-ng dalawang lalaki na p-pumasok dyan. Tulungan mo y-yung kapatid k-ko." Sabi nya habang lumuluha ang mata at nanginginig na kamay.
Muli kong nilingon ang eskinita na pinasukan ng dalawang binata at sabay tingin sa mata ng babaeng kumausap sakin.
"Dito ka lang." Utos ko sa babae habang naglalakad papunta sa tinuro nya sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Lumabas ka na boy. Inaantay ka ng ate mo sa labas." Sabi ko sa lalaking payat habang nakatitig sa dalawang binata."May matandang pakelamero bro. Gusto na ata mamatay" Bigkas ng isang binata na may blonde ang buhok. Nagtawanan lang silang dalawa habang bumunot ng baril ang isa. Ang isa naman ay balisong ang nilabas.
"Amir Toralba. 19 years old. Pangatlo sa magkakapatid. May girlfriend-- Lysa San Pedro. Tama ba ko?" Lahad ko ng impormasyon nya.
"Aba't---!"
"Mark Lester Go. 21 years old. Bunso sa magkakapatid. Black sheep ng pamilya."
"Teka sino ka ba? Dami mong satsat eh!" Sigaw ng may kulay itim na buhok.
"Alam nyo kung ano yung ayaw ko sa lahat?" Tahimik nilang tingin sakin habang nagtataka "Yung naggagahasa ng walang kalaban laban"
Binunot ko na ang baril ko at tinapos na ang dapat kong tapusin.
Papalabas na ko ng eskinita ng napansin kong nag-aantay doon ang babaeng kumausap sakin kanina. Kasama nya ang kapatid nyang nanginginig pa din sa takot.
"Kuya!" Tawag sakin ng babae. Dire-diretso lang ang lakad ko. Ayoko na sana syang pansinin pero hinablot nya na naman ang braso ko.
Nilingon ko lang sya at hindi nagsalita. "Salamat sa pagligtas sa kapatid ko ah? Ano nga palang ginawa mo sa dalawang lalaki?" Dire-diretso nyang sabi.
Binawi ko lang ang kamay ko at tinalikuran ko na sila. Wala akong panahon para nakipag-usap sa kanila.
Habang naglalakad papunta sa sasakyan ay sinagot ko ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog.
"How was it?"
"Done as wanted." Sabi ko sabay baba ng tawag.
Sumakay na ko sa sasakyan ko at sumibat na sa lugar na yun. Natatakot ako. Hindi dahil sa ginawa ko. Natatakot ako kasi baka makita ko na naman yung mata ng babae kanina.
Iniangat ko ang aking cellphone at din-ial ang number ni Elmer. "Bro, Bora muna ako."

BINABASA MO ANG
A Rose in the Dark
General FictionSi Roux ay hindi isang simpleng empleyado. May mga bagay sya na dapat tapusin. Mga bagay na hindi ginagawa ng isang ordinaryong tao. Pero nagbago ang lahat simula nang tanggapin nya ang isang assignment na nakapagpayanig sa kanyang buhay. Isang baga...