IV

16 0 0
                                    

Sa pangalawang araw ng pagmamanman ko ay napag-isipan kong manirahan muna malapit sa bahay ng target.

"Aba tol, seryoso ka dito? Sa assignment na to? Di nga?" komento nya habang nag-iimpake ako ng mga kakailanganin ko.

"Bago to ah. Sa limang taon na pagta-trabaho biglang nagseryoso?" Bulong ni Elmer sa sarili nya.

Binalingan ko sya habang bumubulong "Naalala mo yung nangyari 4 years ago?" tanong ko.

"Alin dun tol? Di ko na tanda sa dami eh."

"Ako din di ko na tanda. Kaya ko nga tinatanong."sagot ko habang inaayos ko yung bag para sa sapatos.

"Gago! Pero seryoso tol, tungkol saan ba to?"

Nanatili akong tahimik habang nag-eempake. Di ko masyadong matandaan kung ano meron sakin pero naguguluhan ako.

Isang kwarto malapit sa apartment nya ang nakuha ko. Mura lang pero hindi ko naman balak magtagal dito. Hangga't di pa ko tapos, dito muna ako. Masyadong maingay sa bahay. Pero wag sana syang makielam sa mga gamit ko. Tss!

"Iho, masyadong malaki ang dinown payment mo. Bakit di ka nalang sa apartment tumira? Mukhang may pera ka naman."

"Okay na po ito. Ako lang naman po ang titira at wala din naman po ako dito kapag gabi." Nakangiti kong sabi sa matandang nagpapaupa ng kwarto.

Nang iniwan nya ko, agad kong inayos ang aking gamit at gumawa ng plano para sa ma susunod kong hakbang. Mayron pa kong ilang araw bago ko makaharap ang tao sa likod ng trabahong to.










Ilang araw din akong tambay sa labas ng kwarto. Nagmamanman ng mga pwedeng mangyari.

"Hello. Parang kilala kita." Bati sakin ng lalaking lumapit sakin habang nasa tindahan ako. Tinitigan ko lang sya habang nag-iisip kung saan nya ko nakita.

Nagliwanag bigla ang mukha nya ilang minuto habang nag-isip. "Oo kuya! Ikaw nga! Yung tumulong sakin sa mga bully." Excited nyang sabi na parang nanalo sa isang variety show.

Ngumiti lang ako habang inaantay yung mga pagkaen at gamit na binili ko.

"Samin ka na kumaen kuya. Di ako nakapagpasalamat sayo nung nakaraan. Bigla ka kasing umalis. Sinubukan ka namang habulin kaso ang bilis mo maglakad. Hehe" anyaya nya sakin.

Tatanggihan ko sana sya kaso bigla nyang hinigit amg kamay ko. Hanggang sa namalayan ko nalang na tinatahak na namin ng daan papunta sa bahay nila.

"Toy, pwede bang next time nalang? Kakalipat ko lang kasi dyan sa kela Mang Teryo, kailangan ko pang mag-ayos ng gamit."

"Tulungan nalang kita mamaya kuya. Sige na!" Pagpupumilit nya.

Wala na rin naman akong nagawa kaya tumuloy nalang ako. Hindi rin naman siguro masama kung aalamin ko kung ano itsura sa loob ng bahay nila. Parte pa rin ng trabaho.

"Alfred, nakabili ka na ba ng yelo? Kakaen na tayo." Boses ng babae ang sumalubong saamin pagpasok sa loob ng bahay.

Simpleng apartment. May kawayang sofa, dalawang kwarto, lamesang kahoy. Napakasimple. Kaya hindi ko maintindihan bakit may taong gustong pumatay sa babaeng nagngangalang Alassiel.

"Ate, natatandaan mo si kuya? Yung tumulong dakin sa school? Dito na pala sya nakatira. Sya yung bagong lipat kela Mang Teryo. Ano nga palang pangalan mo kuya?" Dire-diretso nyang sabi.

"Roux" ani ko habang nakatitig sa babaeng naghahain sa harapan ko.

"Tara Roux at saluhan mo kami. Ngayon lang kami nagkabisita." Nakangiti nyang sabi saakin.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang kumakaen.

Maamo ang bukas ng mukha nya dahil sa bilugan nyang mata. Maliit ang matangos nyang ilong at manipis ang mapupula nyang labi.

Nagprisinta ako na magligpit pagkatapos kumaen pero inawat ako ni Alfred at sya na raw ang bahala.

Bakit may isang tao na gustong gusto syang mawala? Patuloy pa rin ako sa pag-iisip at sumasakit na ang ulo ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Rose in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon