I saw this guy, he has a long hair specifically his bangs. Sa sobrang haba ng bangs niya hindi na makita yung mata niya at halos natatakpan na kalahati nang muka niya.
So, wala naman akong nakitang kakaiba sa kanya maliban lang sa bangs niya nga. Kung basehan naman sa looks? Muka namang matino? Maayos manamit, medyo payat nga lang, pero ayos lang. Muka ding emo dahil nga sa hair at bangs.
Bakit ko to sinasabi? Uhm.. wala lang, natripan ko lang. Na curious lang kasi ako, medyo.
What's behind that bangs? Bakit niya tinatago muka niya? May problema ba sa muka niya? Sa mata niya? Bakit ang haba ng bangs niya?! To the point na, feeling ko, wala na siya makita?! Or style niya lang talaga yun? Emo emo kunwari? Pre 2018 na uy! Laos na yan!
Okay sorry kung judgemental ako! Pero kasi naman! Nagugulumihanan ako sa bangs niya eh?! Ano bang meron at ang haba ng bangs niya?!
Hay naku! Nanggigigil lang ako eh! Ah! Oo nga pala! First time ko lang siya nakita at short glance lang hehe. Nakasakay kasi siya tricycle kaya ayun saglit ko lang nakita haha! At hindi ko po siya kilala haha!
But if ever na makita ko ulit siya? Kung mangyare man yun? Sana makita ko siya malapitan para makita ko muka niya. At baka malaman ko kung bakit mahaba bangs niya. At hopefully, if ever lang naman, wala naman masama mangarap diba, makilala ko siya! Hihihihi!
Hahaha! So yun, mema share lang.
P.s. if ever na makilala ko siya ay naku bess aalisin ko bangs niya para makita whole face ni koya haha! Tapos tititigan ko siya wahahha!

BINABASA MO ANG
My Thoughts and Words
Short StoryRandom Thoughts and Stories some of it are based on true stories some of it are half-true stories.