Entry #2

0 0 0
                                        

Nakakatawa isipin na mangyayari sakin yung bagay na akala ko hindi totoo. Yung akala ko imposible, gawa gawa lang, totoo pala. Totoo pala ang "The more you hate, the more you love".

First year highschool nangyare sakin ito pero hindi ko inaasahan yun lalo na sakin dahil napaka mahiyain kong tao. Ang tahimik, laging mag isa nasa isang tabi, kakausapin lang kita kung kakausapin mo ako, hindi palangiti, in short loner ako.

May classmate ako na naging classmate ko nung grade 6 pa ako. Kinaiinisan ko siya dahil bigla na lamg siyang nangasar hindi ko naman siya kilala at sure din ako na hindi niya rin ako kilala dahil never ko pa siya nakausap nun.

Sa loob mg room, walang teacher nakaupo ako sa pangatlong row at siya naman sa first row, bale magkaibang dako kami. Then yun nga, bigla kong narinig and pangalan ko na sinigaw mula sa kabilang dako ng room. Nagtataka ako kung sino dahil wala naman akong kakilala dun banda lalo na at puro lalake ang nakaupo dun, pwera lang sa isa kong kaibigan na lalake simula grade 3 pa.

So mabalik ako, nung may tumawag sakin agad kong lumingon para tignan kung sino at yun nga nakita ko siya, sabay sabi niya "Tuli ka na ba? Hahah! " nagulat ako sa sinigaw niya.

Anong pumasok sa utak niya para sabihin yun? Hindi ko naman siya kilala? Hindi rin naman niya ko kilala? Hindi ko rin lam pano niya nalaman pangalan ko? Pero sa kabila nang gulat ko, wala akong naging reaction, ewan ko kung bakit? Siguro ganun talaga ko noon, hindi ko alam pano magpakita ng reaction.

Pero kahit hindi ko napapakita reaction ko, deep inside nanggigigil ako that time. Sino ba naman ang hindi. Kababae kong tao sinabihan ako nang ganun? At kalalake niyang tao inasar niya ko nang ganun?!

Palaisipan talaga sakin bat niya ginawa yun. So nagmasid masid ako sa kanya nang ilang araw at nung makita ko na naguusap sila nung friend ko since grade 3 nagka idea.

Close kasi kami nung grade 3 friend ko. Medyo boyish din ako dahil naninipa ako. Akala nga nila tomboy ako, pero babae po talaga ako, boyish at hindi lang po talaga ako pala ayos.

So naisip ko baka naikwento ung ugali ko at naisip na asarin ako ng ganun dahil nga boyish ako. Pero hindi ko alam kung totoo ba yung nasa isip ko. Basta naiinis ako dun sa taong nangasar sakin ng ganun.

Nalaman ko din pangalan niya dahil sa pagmamasid ko sa kanya, nalaman ko din na natural na sa kanya ang mang asar, may pagkamayabang, maingay, makulit, pasaway in short pangit ugali. Kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

Lumipas mga araw, tuwing nakikita ko siya, naiinis talaga ako. Ewan ko kung bakit, hindi naman ako palatanim ng galit pero nanggigil talaga ako sa kanya. Hanggang makagraduate kami sa grade 6, inis ako sa kanya.

Until mag highschool ako, hindi ko inaasahan na magiging classmate ko uli siya at higit sa lahat hindi ko inaasahan na makakatapat ko pa siya ng upuan. Nag alphabetical kasi at magkasunod kami ng surname, pero thank God ako dahil hindi kami nagkatabi, dahil nasaktuhang pang anim siya at limahan lang yung upuan kaya sa kabilang row na siya napunta.

So yun nga, hindi ko akalain na magiging classmate ko uli siya at hindi ko rin akalain na inis parin pala ako sa kanya.

Kahit magkatapat kami, hindi kami nagkakausap o nagkakapansinan. Hindi ko nga lam kung kilala niya pa ako eh. Haha!

Paminsan minsa napapatingin ako sa kanya o kaya naririnig ko mga usapan niya sa mga kaibigan niya. Days pass, hindi ko namamalayan na lagi na pala ako napapatingin sa kanya, nakikinig sa usapan nila at nagiging aware na sa kanya. Napapansin ko narin yung physical attributes niya, matangkad, medyo mapungay ang mata, medyo payat ata may kabaitan din palang tinataglay, masayahin din at palakaibigan, hindi mga lang sakin.

Kinakausap niya lang ako pag may kailangan siya, pag tinatawag niya pangalan ko, ewan ko kung bakit pero may kakaiba akong nararamdaman. Sa totoo lang pag kinakausap niya ako, sinusungitan ko siya, ewan ko din kung bakit, defense mechanism ko siguro.

Until that day, na hindi ko akalain na darating sakin, nagising na lang ako na gusto ko na siya. Nakakatawa noh! Ako? Nagkagusto sa kanya? Sa lalakeng kinaiinisan ko? Hahah! Nakakatawa!

Nang marealize ko yung nararamdman ko, ewan ko pero andaming new feelings. Hindi ko alam yung mga yun dahil first time ko makaramdamn ng ganun.

Gusto kong kausapin siya, gusto kong kausapin niya ako, gusto kong hawakan siya, gusto kong mas makilala siya, ewan basta gusto ko siya. Andami feelings na hindi ko alam, na hindi ko akalain na mararamdaman ko.

Unang beses ko magkagusto, makaramdam ng selos, mangarap na mapasakin ang isang tao, mapanaginipan at kung anu ano pa. Pero sa likod ng mga feelings ko sa kanya aware ako na hindi kami pwede, lalo na at mahiyain ako at hindi ko alam kung pano maexpress yung nararamdaman ko kaya hinayaan ko nalang.

One sided, unrequited kaya no use kung ipagpapatuloy ko yung nararamdaman para sa kanya. Kahit alam ko na hindi pwede masaya ako na nararamdaman ko to kahit masakit kasi hindi kami pwede. Kahit ilang beses kong ginustong alisin yung nararamdaman ko, hindi ko magawa kasi hindi ko alam kung pano.

Wala rin akong mapagsasabihang tao dahil hindi ko alam kung anong sasabihin o iisipin nila. Wala rin akong taong masasabi kong bestfriend nung mga panahon na yun. Nilihim ko lahat, lahat ng nararamdaman ko. Palagi ko siyang nakikita kaya nahihirapan ako kalimutan siya.

Halos gabi gabi sinasabi ko sa sarili ko tama na, tigilan mo na, kalimutan mo na, mag move on ka na. Nakakatawa isipin, unang beses kong magkagusto broken agad haha. Ansakit noh. Ansakit. Hindi ko alam kung pano maka move on.

Hanggang sa matatapos na ang first year namin na puro ganun lang ako. Sulyap sulyap sa kanya, iniisip isip siya, umaasa sa kanya.

Pero hindi ko akalain na darating yung araw na mahuli kong nakatingin siya sakin. Oo, nahuki ko siyang nakatingin sakin.

Una palang ramdam ko na may nakatingin samin pero hindi pinapansin dahil di ko ugali na lumingon pag may ganun akong nararamdaman. Until naisipan ko na ngang lumingon at nakita ko siya. Nagtagpo ang mga mata namin pero pagkatagpo ng mga mata namin bigla siyang nagtago.

Ayoko magisip ng kung ano pero hindi ko mapigilang ngumiti nang panahon na yun. Bakit? Bakit siya nakatingin sakin? Anong meron? Tinitignan niya ba talaga ako? Bakit bigla siyang nagtago? Naguguluhan ako sobra. Ayoko umasa, baka nagkataon lang. Ayoko talagang umasa kasi masakit. Masakit umasa sa wala.

Hanggang sa mag second year na kami at hindi ko na siya naging classmate pa muli. Lagi siyang hinahanap ng mata ko. Tumitingin tingin ako minsan sa mga rooms sakaling makita siya pero wala. Hinahanap din tuwing flag ceremony sakaling masulyapan siya saglit pero wala. Nalulungkot ako dahil hindi ko na siya nakikita pero sabi ko tama lang to para mas mabilis ko siyang malimutan. Ngunit wala parin talaga. Mahirap kalimutan kung lagi mo siyang hinahanap at iniisip.

Months, years passed hindi ko parin siya malimutan. Minsan nakikita ko siya pero may kasamang iba. Masakit makita na masaya siya at may kasamang iba. Pero wala naman akong karapatan eh. Kaya mas lalong masakit.

Then the most awaited day has come, the graduation day. At ito parin ako hindi maka move on sa kanya. But I know, someday, someone will come and save me from this pain.

My Thoughts and WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon