Hi ako nga pala si Mayumi Gerillo, na tinatago sa pangalang Yumi :)
16 years old na ako.
Dalawa lang kaming magkapatid ng kuya kong si Ivon o Von. Si Ibon na may sungay at pakpak! jk :)
Nanay ko nasa heaven na, nay kung nakikinig ka man ngayon diba pag nandyan na din ako, ipapakilala mo na ako kay crush? Hihi. Joke lang nay, ingat ka jan!
Si papa naman nasa Canada, nagtatrabaho siya dun. Sana di niya ipagpalit si nanay kahit nasa ibang bansa siya at kahit patay na si nanay :(
~
6:00 Sa kusina
Walis
Walis
Walis
Sipag ko no? :)
"Hoy Yuma umagang umaga pa lang ampanget mo na!! Bakit di yang mukha mo ang walisin mo tapos pansuklay mo yung tingting sa buhok mo!"
Si kapre nga pala, yung walang hiyang ungas na nakikitira dito sa bahay, naghihilamos siya sa kusina, barkada nga pala ng kuya ko at crush ko naman yung kapatid niyang ngayoy patay na, bakit di nalang siya yung natuluyan no? I wish
"Ay letsugas! HOY KAPRE, Yumi ang pangalan ko! Hindi yuma, lumayas ka dito sa pamamahay ko kung ayaw mong mamatay ng maaga! Bwiset!" sabi ko habang pinapalo sakanya yung wais
"Aray! Ayoko nga'ng lumayas, magkapitbahay lang naman tayo eh! Batang baliw!" sabi niya at tinalsikan pa yung mukha ko ng basa nyang kamay at tinalikuran agad ako
"Anak ng—!!!" bubugbugin ko na sana siya at iuuntog sa floor ng
"Krrriiiiiing Krrrrriiing Krrrrrriing!!!"
Si Papa!!!!! Yeeeeeeeeesss!!!
Agad akong tumakbo sa sala para sagutin yung telepono, nagpasuper superman pa ako habang tumatakbo at hinablot ko agad yung telepono
"Hello papa? Kamusta kana jan? Okay lang ako dito papa. Papa alam mo si kuya may inuuwing kapre dito sa bahay, at mga babaeng hindi naman kagandahan, papa pagalitan mo si kuya ha! Papa bakasyon na pala namin, kailan ka uuwi? Miss na miss kana namin pa! I Loooove you! Mwa!"
At hinalikan ko pa yung mouthpiece ng telepono
Pansin kong hindi naman sumasagot si papa kaya hinintay ko lang saglit, wla parin
Magsasalita na sana ulit ako ng...
"I Looove yooou toooo Yuuuma! Uhmmmmwa! Ppppppffft——
Ahahahahahahaha! Ahaha! Ahahahahaha! Wuuaahahahahaha! Hahahahaha! Ang galing ko AhahahahHa!"
Nabato ko pa yung telepono sa sobrang ingay ni Kapre! Bwiset! kahit kailan, kahit saan serbisyong totoo lamang lagi niya na lang binubwiset ang araw ko kulang na lang mapatay ko siya! Bwiset
Rinig na rinig ko parin yung malakas niyang tawa mula sa telepono,kinuha ko ulit yung telepono at sumigaw ng
"GO TO HELL KAPRE!!" sa sobrang inis ko. Binaba ko na yung tawag, nabubwiset talaga ako! Nabubwiset ako! Bwiset! Bwiset!
Teka? nandito lang yun kanina ah? ang bilis naman nyang nakauwi?
I LOVE YOU DAW?
Aaaaaaaaagh! KADIRI KANG KAPRE KA!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Maybe I Love You
Teen FictionSubaybayan niyo ang sobrang kakulitan ni Mayumi pati na rin ang Kuya Ivon at ang kababatang ultimate kaaway niyang si Jon. Posible kayang mahulog ang loob niya sa barkada ng kuya/kababata niyang si Jon? Madaming eksenang mangyayari sa kakulitan nila...