Eksena II

20 2 1
                                    

[ Jon's POV]

Ahahahahahaha! nakakatawa talaga. Buo nanaman ang araw ko dahil nabwiset ko si Yuma! Dito na yata ako nagiging masaya eh, sa pambubwisiet Hahahahaha!

Nanaginip ako kagabi, pinagpartner daw kami ni Yuma ng Papa niya. PARTNER as in magjowa talaga kasi ako daw ang gusto ng papa ni Yuma na mapangasawa niya.

Nakakadiri diba?

Oo! yun na siguro ang pinakaimposible at pinaka nakakadiring panaginip ko sa lahat

Yung nanaginip ako noon na naging model daw ako ng Bench eh posible din namang mangyari yun

Yung hinalikan daw ako ng isang babaeng artista eh, nakakadiri din yun kasi hindi ko naman type yung babae kahit sexy siya pero mas gugustuhin ko na lang yun kesa ipares naman ako sa yumang yun no!

Isa siyang Corny, burara,wild, childish, ang taba ng mukha niya, walang ka shape shape ang katawan, matakaw, ang bruha niya, di niya alam magayos kapag nasa bahay lang siya, lagi siyang nagmemake face kapag tumatawa ako, lagi niya akong inaasar tapos sinasabi pa nyang sana natuluyan na lang ako. patayin ko kaya siya!

Teka yung panaginip ko pala, so..

yun na nga yung creepy kong panaginip atleast nagkaroon ako ng idea sa plano ko, pagkagising ko tinext ko si manang na kapang nagtext ulit ako sakanya eh tawagan niya agad yung telepono nila Yuma at yun na nga kanina sa kusina nung tinalikuran ko siya eh tinext ko agad si manang kaya nagring na yung telepono nila at tumakbo agad ako sa bahay para ako yung makasagot kay yuma dahil magkatapat lang naman yung bahay namin

*Prrrooot Prooot Proooot*

Ay pesteng message alert yan!

Eh sino pa bang naglagay? edi si Yuma! Ewan ko ba kung saan niya nakuha yang message alert na yan! siguro nirecord niya yung utot niya, aaaaaaahh! Nakakadiri!

[1 messg from:HonieBhebe ko Von <3 ]

Di ako ang naglagay ng nakakadiring pangalan na yan! Alam niyo na kung sino! Hindi ko ginustong ganyan ang ilagay ng yumang yun no! pero parang gusto ko na din! Hihi joke! straight ako no! Pare'ng Von naman talaga ang nakalagay dyan noon!

Ang corny niya no? sabagay wala naman siyang alam sa mga endaerment na yan, wala na siyang ibang alam kundi asarin ako ng kapre!

[ HonieBhebe ko Von <3 :

Oh? kakain ka ba dito o sasabayan mo na lang jan ang Sweetheart mo?]

Von azar! Sweetheart ko daw si manang? kung hindi ko lang mahal si Von eh matagal ko na syang pinatay!  

Hahahaha! Yuuuuck Nakakadiri naman tong mga sinasabi ko Oo!

[ to HonieBhebe ko Von<3: Gaga :* ]

yun na lang ang nareply ko

Ano saan ba ako kakain?

Wala ako ngayon sa bahay nila Von, sigurado lalagyan nanaman ni yuma ng lason yung pagkain ko :(

Lalagyan nya ng kung ano anong makakapagpatay sakin, nakakainis

Oo ganun siya ka wild!

Minsan nga eh kumain kaming tatlo sa labas, nag Cr lang kami ni Von tapos pagbalik namin may Catchup na yung icecream ko, hindi lang yung icacream! Pati yung upuan ko! Buti na lang napansin ko agad, sabi niya srawberry syrup daw yun ng icecream pero naamoy ko na catchup talaga!

Meron pa yung nilagyan niya ng suka yung icedtea ko, buti na lang nabuga ko sa mukha niya bago ko pa malunok

hindi lang yun! Yung tubig ko nilagyan niya ng asin!

Hindi lang yun! one time nilagyam niya pa ng madaming sili yung ulam naming menudo, ang hapdi nga ng dila ko nun eh.

Eh sa gutom ako kaya yun, ang dami kong nakain

At hindi lang yun, meron pa nung

*Krrrrgggg krrggggg*

Hahaha napahaba na yung kwento ko, gutom na pala ako babaunin ko na lang yung limang hotdog na niluto ni manang, mas mabuti nang nakakasiguro baka mapatay pa ako ni yuma ng maaga, magmamahan pa kami

Ano? anong sinabi ko? kahit kailan talaga walang kwenta ang mga sinasabi ko!

Makapunta na nga sa isa kong bahay, I mean bahay nila Von.

Nakalimutan kong nakikitira lang pala ako dun hahaha!

Maybe I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon