[ Mayumi's POV ]
Sa sala...
"Yumi bili ka nga sa 7/11 ng gatorade" sabi ni kuya
"Sige bigyan mokong 150, kasama na dun yung bayad sa pawis ko, bayad sa pagod ko, dagdagan mo na din pambili kong chichirya"
"Ginagago moba ako? Ngayon na nga lang ako magpapabili tapos ang dami mo pang satsat!"
aba! ang init kaya, nakakapagod maglakad at gutom na ako
"Sige ikaw na lang bumili" kung ayaw niya edi bumili siya magisa, hindi yung pati ako iniistress niya dahil lang sa gatorade na yan
"Sige 145 na lang" kuya
"150" me
"145!" kuya
"150" me
"146" kuya
"147" me
"Sige eto 150" kuya.
eh ibibigay din pala yung 150 eh! ang dami pa kasing sataat ng ungas na to! este ng kuya ko
"Wala manlang pambili ng kendi?"
hirit ko pa
"Hihirit ka pa! batuhin kita jan eh! ARAAAAY!!!!"
ibabato na sana niya yung unan kaso naunahan ko na siya, binato ko lang naman siya ng libro
Bago pa niya ako sugudin eh tumakbo na ako ng mabilis
~
Nakabili na ako ng gatorade, pati yung mga pagkain ko hihi gutom na talaga ako!
Malapit lang sa bahay ang 7/11 dito samin maglalakad ka lang ng 1728921 miles. Joke! basta malapit lang
Paglabas ko ng 7/11
"Miss" Biglang may humila sa waist ko ng pagkalakas lakas kaya nagulat ako,
uupakan ko na sana ng may pumigil sa kamay ko at hinila ako kaya nakawala ako sa lalakeng manyakis
"Pare wag mo syang minamanyak!"
nakita ko si Jon este kapre hawak niya kamay ko ng pagkahigpit higpit at pinasa niya ako kay kuya
"Bakit ikaw ba yung boyfriend
niya ? Pare di siya bagay sayo hahaha"
sabi pa nung lalake, aba tama din siya dun. Di bagay sakin ang isang kapre sa ganda kong to?
"Wala kanang pake dun gago!"
At sinuntok niya sa mukha yung lalake, habang nagbubugbugan sila eh sigaw naman ako ng sigaw
"Ay tanga! Sige suntok kapre! Sige sa mukha, bobo bumawi ka! Ganyan nga! ay tanga! kapre sa tiyan! upakan mo sa tiyan! Si bibig pa, tanga pagduguin mo bibig niya!"
"Ulul! Ikaw kaya dito!" sigaw naman ni kapre
"Sige ba!" sabi ko, lalapit na sana ako para mabugbog na silang dalawa ng may ungas na pumigil sakin "Ano ba kuya!"
"Baliw kana ba talaga yumi? babae ka hindi ka sasabak sa mga ganyang bugbugan!" sabi ng nagmamagaling kong kuya
"Hmm ikaw bugbugin ko jan eh!" bulong ko, siguro hindi naman niya narinig panira kasi eh
"Ano?" lagot
"Wala! sabi ko, medyo gwapo ang kuya ko medyo lang naman" sinungaling ako
"Hmm baby girl ko talaga to!" sabi niya, inipit niya pa ako sa kilikili niya!
"Aaaaah kadiri kuya!" nagpakawala naman ako agad
Imbis na ako ang magpapatumba sa manyak na yu eh napatumba na ni jon este kapre yung lalake, lumapit naman ako at binuhos ko yung gatorade sa mukha ng lalake at nginitian
"Hoy yang gatorade ko! sabi naman ni kuya. Lagot sakanya pala yun
"Edi bumili ka" sabi ko naman
"Aaaaaahh!! Wag na ngaaa!!!"
binelatan ko na lang siya
"Tara na" sabi ni kapre
Naglalakad na kaming tatlo pauwi medyo tahimik sila samantalang ako sarap na sarap sa mang juan.
"bakit ba andun kayo kanina? kayang kaya ko naman yun eh isang lion's roar tumba na yun!" sabi ko habang sumusubo ng chichirya
bakit kasi sumulpot sulpot pa sila dun, kayang kaya ko naman eh
"Yan ang epekto sa kakanuod mo ng action movies! mas matindi kapa sa lalake ungas ka!"
"eh kasi yun na sana ang pagkakataon ko para maapply yung mga natutunan ko dun sa pinanood ko kagabi, yung Kung Fu Hustle"
"Haaay nababaliw na talaga" sabi ni kapre
"Alam mo kapre, boring yung mga pantira mo kanina dun sa manyak na yun! sa susunod manood ka rin ng action movies para matuto ka!" sabi ko, ang boring kaya ng laban nila kanina wala manlang maayos na tira
"Ewan ko sayo! Dakdak ka ng dakdak eh kung pinatay ka ng ungas na yun!" aba. Totoo ba to? Concern lang ang kapre?
"Alam mo yumi dapat magboyfriend ka na para hindi lang yung mga action movies, paglamon at pangaasar inaaatupag mo" sabi ni kuya.
Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? eh mas gusto ko pa nga kumain kesa makipaglandian sa mga walang kwentang mga lalakeng yan, sasaktan ka lang nila, lolokohin ka hay ewan ko ba
"H-hindi pwede" sabi ni Kapre? Si kapre? mga nakaadict ata tong mga kasama ko eh, matry nga din ano kayang gamit nila?
"Ha? bakit naman hindi pwede pre? wag mong sabihing dahil sayo lang yang kapatid ko?" nagpatawa tawa naman si kuya pero parang naiinis ako,
"Ah hindi ah! ang ibig kong sabihin, hindi pwedeng magkaboyfriend yang si yuma kasi bata bata siya at ampanget niya talaga! Hahahahaa"
Aaaaaaaaghh!! Kahit kailan talaga!
Di ko napansin nasa bahay na pala kami, kanina pa ako walang imik sa pinaguusapan nila
"Oh nagsalubong nanaman yang mga kilay mo kapatid" sabi ni kuya at tumawa sila ng pagkalakas lakas kaya tumaas na talaga yung sungay kong kanina pa nagpipigil
"IPASOK NIYO NGA YANG PAGMUMUKHA NIYO SA BAHAY KUNG AYAW NIYONG MAMATAY NG MAAGA MGA PESTENG UNGAS!"
Dali dali naman silang pumasok sa loob ng bahay, eh takot rin pala tong mga ungas na to eh
"Ahahaha nakakatawa talaga"
naririnig ko parin yung tawa nila mula sa loob ng bahay kaya naiinis nanaman ako kaya sinigawan ko ulit sila
"WALANG HIYA KAYO! UUPAKAN KO NA KAYO PAG DI KAYO TUMIGIL SA KAKATAWA JAN!! MGA HAYUP KAYO!!"
at yun nga tumigil na sila, kapag naiinis talaga ako eh lumalabas yung lion's roar kong power!
Dito muna ako sa labas at magduduyan duyan muna ng makapag isip isip lang
"Alam mo yumi dapat magboyfriend kana para hindi lang yung asfhjkkuahnAkuvjaus"
ayokong isipin yung mga sinasabi nila, na matakaw daw ako, mapang asar, pangit, mahilig sa action movies! mas lalo na yung DAPAT MAGBOYFRIEND NA DAW AKO?
oo nga, kailan kaya mangyayari yun?
Hahaha ano ba tong mga naiisip ko.
Ayoko munang magjowa, siguro kasi bata pa ako! Oh feel ko lang yun? jk
BINABASA MO ANG
Maybe I Love You
Teen FictionSubaybayan niyo ang sobrang kakulitan ni Mayumi pati na rin ang Kuya Ivon at ang kababatang ultimate kaaway niyang si Jon. Posible kayang mahulog ang loob niya sa barkada ng kuya/kababata niyang si Jon? Madaming eksenang mangyayari sa kakulitan nila...