[ Jon's POV still ]
Papalabas ako ng pinto pero naagaw ulit ng paningin ko yung picture frame sa maliit na table sa tabi ng pintuan namin. Binale wala ko na lang at di ko na lang pinansin pero nasuntok ko bigla yung pader at lumabas na ako papuntang bahay nila Yuma
Gusto ko munang maging masaya ngayon, ayokong may nanggugulo pagod na ako sa nararamdaman kong kirot sa puso
Napabuntong hininga ako bago buksan yung pintuan nila Yuma
Pagbukas na pagbukas ko ay bumungad na ang pinakapanget na bata sa harap ko, masamang masama ang tingin niya sakin at papalabas na yung sungay niya nung bigla niyang nakita yung hawak kong ulam na hotdog at parang naaliwalasan pa yung mukha niya nung nakakita ng pagkain at ngumiti ng pagkalaki laki na akala mo naman ay wala nang bukas
Hinablot niya agad sa kamay ko yung mangkok "Wow hotdog!"
at sinubo niya agad yung isa
"Hoy yuma! amin na nga yan!"
ayun tinalikuran na nga ako habang sarap na sarap sa ULAM KOng hotdog!
"Hoy dinala ko yan at ulam ko lang yan!" sigaw ko sa kanya
hindi niya lang ako pinansin at nagdere deretcho na nga sa kusina
Nakakainis! syempre sumunod na lang ako sa kusina
"Oh pre, akala ko dun ka kay Sweetheart mo kakain? hahahaha"
pabading pa talaga yung pagsabi ni Von ng Sweetheart! Binubwiswet talaga ako ng magkapatid na to eh!
"Sweetheartin mo mukha mo!!"
sabi ko at sumubo na din, nakaagaw naman ng pansin ko si yuma na takam na takam sa hotdog, punong puno yung bunganga niya kaya mas lumaki nanaman yung pisngi niya! ang takaw niya talaga at ang pangit niya!
"Oh yuma, bakit pala di ka naghanda ng pagkain ko ngayon? Change for the better?" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko
"Chawnge fo thhe betthwr yophface!!"
Ang sabi niya change for the better your face daw
"Yuma" napatakip naman ako sa bunganga ko para mapigilan ko yung pagtawa ko ng malakas
"Yuma naalala mo yung kanina?"
"Ppppphfffoooo!" at nabuga na nga niya yung nasa bunganga niya hahahaha!
"Oh yumi? May lason din ba? Hahahaha"
asar ni Von sa kanya
"TSEEE!!" sabi niya habang nagsabong ang dalawa niyang kilay at pumunta sa lababo para magmumog pagkabalik niya eh napansin kong iisa na ang hotdog sa mangkok, si Yuma wala nang hotdog, pati ako, pati si Von
kaya alam ko na ang susunod na mangyayari
Nagsalubong ang mga mata namin
5
4
3
2
1
"Ako ang nauna!!!!!" sigaw namin sa isa't isa. oo sabay sabay kami
Si Von nasa gitna ng hotdog yung tinidor niya, ako naman sa dulo pati si yumi sa kabilang dulo
"Ako ang nauna, mga bungol kayo! di na ba kayo nasanay?" sabi ni yuma, sinamaan naman namin siya ng tingin
"Hoy! ako? ako wala pa akong nakakain kahit konting kapiraso ng hotdog na yan! kayong dalawa ang umubos!" Oo ng naman pero ako parin ang nauna
"Paano naman ako, eh hindi pa nga ako nananalo eh!" sabi ko at nagpout sinamaan naman nila ako ng tingin
"Alam ko na!!" Sabi ni Von
Hinati niya ng mabilis ang magkabilang dulo ng hotdog at naiwan sa kanya yung pinaka malaking part na tusok ng tinidor niya, napanganga na lang kami ni yumu at napatitig sa tinidor namin na may napakaliit na parte ng hotdog, sinubo naman agad ni Von yung sakanya parang walang gana ang mukha namin ni Yuma. tinapat namin sa mukha ni Von yung tinidor namin at sinubo niya nga yung hotdog na tusok ng mga tinidor namin
At ngumiti ng pagkalakilaki
"Ngiting tagumpay?" sabi ni Yuma
"Ngiting parang wala nang bukas" sabi ko naman
"AUUUUGGGHHHH" Dighay na lang ang nasagot ni Von samin
BINABASA MO ANG
Maybe I Love You
Fiksi RemajaSubaybayan niyo ang sobrang kakulitan ni Mayumi pati na rin ang Kuya Ivon at ang kababatang ultimate kaaway niyang si Jon. Posible kayang mahulog ang loob niya sa barkada ng kuya/kababata niyang si Jon? Madaming eksenang mangyayari sa kakulitan nila...