Libo-libong fans ang naghiyawan sa Araneta coliseum pinuno nito ang bawat sulok na parang di mahulugang karayom sa dami ng tao. Maraming naghihimatay o naghimahimatayan sa sobrang kilig, sobrang natutuwa , at sabik na sabik sa iniidolo nilang kpop boyband.
"BTS! BTS! BTS!!!"
"WE NEED YOU BTS"
"SARANGHAEYO OPPA"
Umaalingaw-lingaw ang kanilang sigaw.Nakakabingi pero masaya ang aura ng paligid.Habang lumalapit ang oras lalo silang nagwawala nang unti- unti lumiwanag ang stage at naka-spot light sa pitong nagwapuhang lalaki.Mas lalo pang nakakarindi ang sigaw ng kumanta sila kasabay ng sayaw.Nakataas lahat ang tarpauline,BTS token, at mga kartolina na may nakasulat na nagpapakita ng pagmamahal ng isang fan sa iniidolo.Ang ngiti sa labi nila ay wala ng bukas na tila iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila, ganoon din ang nararamdaman ng iba nang nakilala pa lang grupo.Bawat galaw ng pagsayaw na parang hangin sa magandang postura at magandang boses na nagpakilig sa mga fans.
"Mahal koh kahyong lahat" bati nila
Nagpaalam na sila sa mga fans at bumalik na sila sa back stage para magpahinga."Our fans are so happy and it worth it" masayang sabi ng lalaking may pagka-bubbly ang dating.
"Yeah, well this is the best world tour concert.I love it so much! I hope we will have it again next time" nakangiti at bukal pusong saya ng tila na may blanko matang lalaki.
Walang masabi ang ibang kagrupo sa komento bukod sa pagod na sila iyong saya na nararamdaman ay hindi mapantayan sapagkat kauna-unahang world tour concert nila ito. Nakilala ng ibang bansa ang kanilang awit at sayaw na nagpauso sa modernong panahon ngayon.Sino ba ang di sasaya? eh maliban sa pinipresenta ang kanilang bansa sa awit nila eh mainit ang pagtanggap ng mga fans kahit saan man sila magpunta.
Mula coliseum hanggang sa labas ay inaabangan ang kanilang presensya. Lumabas ang grupo at tinitingnan ng tao ang bawat detalye ng anggulo ng mukha, galaw at titig nila.
Ang lalaking kasing puti ng papel nanangalang Suga galing sa salitang ingles na 'sugar' na tila malambing pero may pagkasungit, katabi niya si Rap monster na ang tunay na pangalan ay Nam Joon, pinakamatangkad sa grupo, manipis ang labi at astig.Ang lalaking ngingiti-ngiti na pinakamatangos ang ilong na super puti rin, ang pangalan ay Jungkook na ang tunay na pangalan ay Jeon Junggeuk, ang pinakabata sa grupo. Kakulitan naman niya ang isang lalaking may pagkabibo, inosente at makulit na si J-Hope o Hoseok na katulad ng screen name niya ay pag-asa ng grupo dahil sa positibo niyang isip.Inaakbay ni J-Hope si V o Taehyung na blanko ang mga mata, may kakaibang ugali, misteryoso at pasaway katulad ni Jungkook.Si Jin o Kim Seokjin ang pinakamatanda at pinakagwapo para sa mga fans na kausap si Jimin Park ang confident, may kinatatakutan, at mabait.Malapit ang loob nila sa isa't isa na tipong malapit na kaibigan ang turingan. Nakangiti sila sa fans at pumasok na sa van.Sa fanmeet naman kung gaano karami ang dumalo sa concert nila ay ganoon din karami ang pumipila para magpa-autograph sa kanila.Bukod sa pagod na ang katawan nila sa kakapractice eh nangangalay na ang kanilang kamay sa paglalagda.Ang mga fans ay binigyan sila ng regalo na sa tingin nila na magugustuhan ng iniidolo.
Sa lahat ng mga bigay ng fans isa lang ang napansin ng BTS ang hawak hawak ni Jungkook na pasimpleng iniinspeksyon ang laman nito.Di nagpapahalatang tumingin si Jimin sa bagay na iyon samantalang si V medyo nagtaka sa nakita pero mabilis nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang may fans nagbati ng "Annyeong V oppa" sa kanya na merong matamis na ngiti ng babaeng nakasuot ng rabbit head band. Napangiti si Jin sa bagay na iyon at kinulbit ni J-hope si Rap monster at pasimpleng tinuro ang hawak ni Jungkook kaya napatingin naman siya doon.Napahawak sa batok si Rap monster na nakatitig ng alanganin pero si Suga naman nakatingin ng seryoso. Ngunit pansamantala nilang isinantabi ang katanungan sa isip nila tungkol sa bagay na iyon.Maraming nagpalitrato sa kanila at ngiti sila ngiti sa mga fans na di halatang pagod sila.
"I think we need a key to open this, right?" tanong ni Jungkook nang lumalakad sila sa hallway ng back stage
"Maybe" sabi ni Suga
"You are so curious Jungkook maknae" ngiti ni Jin na inaakbay si Jungkook.
BINABASA MO ANG
23 to 18
Fanfiction"The overwhelming first times are NOT SO PARTICULAR, maybe boring or not but exciting in the shimmering shining north star famous group who met the unexpected persons"