Stellar's POV
Hey there! I'm Stellar, 23 years old at isang Idol Maid. Yeah, tama ka, maid nga. Pero iba sa mga ordinaryong maid na alam mo dahil hindi isang malaking mansion ang lilinisin ko. Hindi lang isang senyorito ang papakainin at aalagaan ko, kundi labing-isa. Tama ang pagkakabasa mo, labing-isa. Pero okay lang, mga anghel naman daw... kung matulog ang iba sa kanila. Paano ko napasok ang trabahong to? Isang napakahirap na audition. Pero wag nalang nating pag-usapan kasi hahaba pa eh. (hehehe.~) Nasa Korea ako ngayon, bago pa lang ako sa trabaho ko. As in, katatanggap ko lang. Malayo man pero okay lang. Tiis-tiis lang muna kasi mahirap talaga ang buhay at mahirap kumita ng pera. Wala na kong mga magulang pero may isa akong kapatid na lalaki. May asawa na kasi kaya heto, mag-isa nalang ako palagi."
May isang rule sa trabaho ko na dapat talagang sundin, isang napakahirap na rule para walang issue daw na mangyayari at kakalat. Di lang naman ako ang IM, marami kami. Pero bawat idol group ay isa lang, dependi na sa agency kung dadagdagan. Oh, heto lang naman: "Bawal makita ng mga idol stars ang isang idol maid." Oo, bawal na bawal! As in BAWAL! Masakit man, tatanggapin ko nalang. Pag nalaman kasi ng mga pinagsisilbihan ko kung ano ako, mawawalan agad ako ng trabaho at tiyak na ipapatapon ako pabalik ng Pinas. Wait! Hindi yung mga idol stars ang magpapatapon sakin, kundi ang agency nila. Saklap diba? Mga sikat kasi eh.
*phone rings*
Boss: "Hello Stellar, sinend ko na sayo ang schedule nila. Alam mo na kung anong oras ka pupunta sa dorm at kung kelan ka aalis. Sisiguraduhin mo lang na walang makakakita o makakapansin sayo. Maliwanag?"sabay baba ng tawag.
"Ni hindi man lang ako pinagsalita. Nakakatakot talaga si boss. Matingnan nga ang schedule." Scroll up... up... up... "Grabe naman. Natutulog ba ang mga to. Pero excited na ko bukas. Makapanuod nga muna ng Wanna One Go Zero Base para naman malaman ko kung ano-ano talaga ugali nila. Tho fan na fan naman nila ako."
At di nya namalayan na nakatulog na pala siya.
*alarm rings*
Unat... unat... "Inaantok pa ko at ang lamig-lamig pa. Grrrr.. Anong oras na ba?" sabay tingin sa alarm clock.
"2AM na pala. Dapat 3AM nasa Dorm na ko. At bago mag 12NN malinis ko na lahat." Unat... unat... nanaman.
Fastforward... sa dorm ng Wanna One...
"Wow. Ang laki-laki naman. Eh, malinis naman pala dito. Bakit ko pa ba kelangan linisin? Tsk.. Anong gagawin ko dito? Para na ata kong baliw. Phew. Kinakausap ko na lagi sarili ko." sigh...
Tingin tingin sa mga pictures.. "Ang gwapo talaga ni Hwang Minhyun tsaka ni Park Jihoon. Hay naku, sayang, ni authograph di ko pede makuha sa kanila. Hmm." tingin tingin sa paligid
"Baka may cctv dito. Stellar, Stellar, Stellar... work work work ka na nga. Tsaka dapat ka pang magluto mamaya dahil pupunta dito sila manager."
BINABASA MO ANG
WANNA BE MY MAID || WANNA ONE FANFICTION (ONGOING❤)
FanfictionA Wanna One Fanfiction ❤❤❤ Dahil Love na Love ni Author ang WANNA ONE.. Authors Note: Alam kong imposibleng mangyari pero maniwala ka na lahat ng nakasulat ay imposible talaga. Hekhek.~ Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa Wanna One kaya ko ginawa an...