CHAPTER 10: MY 119.. KIM JAEHWAN

120 7 0
                                    

Author’s Note: Annyeong Chingus! Again, thanks for reading the previous chapters. Just don’t forget to vote. Kamsahamnisa! ENJOY!

Stellar’s POV

“Nasan ba ‘ko?” sabay tingin sa paligid

“Parang di naman ito yung dorm ah.” halatang nahihilo pa rin

“Nasa langit na ba ko?” di parin maidilat ng maayos ang mga mata

“Miss? Kukunan muna kita ng blood samples.” boses ng isang babae

“Anoooo!” at naramdaman nya na may yumuyugyog sa kanya

Nang minulat ni Stellar ang mga mata, bumungad sa kanya ang isang pamilyar na mukha.

“Si…sino ka? Nasan ako?” medyo nahihilo pa din dahil sa sobrang taas ng lagnat

Jaehwan: “Miss, binabangungot ka na ata. Nasa kotse ka ngayon. Dadalhin muna kita sa malapit na clinic dito. Naabutan kita sa dorm kanina na nanginginig dahil sa taas ng lagnat mo.”

“Bangungot lang pala. Akala ko mamatay na ko.” bulong nito sa sarili

Di  masyadong narinig ni Stellar ang iba pang sinabi  ni Jaehwan at muli itong natulog.

Wanna One Member’s POV

Manager: “Pinasunod si Jaehwan dito ng producer ng show kasi kulang pa ng isang cast. Papunta pa siguro sya ngayon sa dorm para kumuha ng damit.”

At nagkatitigan lang si Jinyoung at Seongwu sa kanilang narinig.

Jinyoung: “Hyung, tawagan mo si Jaehwan. Baka magrereport agad yun kay manager o kay boss ‘pag nakita nya si Stellar sa dorm.”

Seongwu: “Sige.”

On the other side… (Sa kabilang banda...)

Napagpasiyahan ni Jaehwan na pumunta mag-isa sa dorm para kunin ang mga dapat gamitin sa shooting.

Humiram muna sya ng kotse sa isa sa mga managers nila.

Pagdating sa dorm, nagmamadali syang umakyat sa kanilang kwarto ng mapansin nyang bukas ang kwarto nina Seongwu.

Jaehwan: “Naiwan na namang bukas ang kwarto nila Seongwu. Hay naku talaga.”

Isasara na niya sana nang biglang may narinig na boses ng isang babae. Nang pumasok sa loob ay laking gulat nalang nang makita si Stellar na nanginginig sa sobrang taas ng lagnat.

Jaehwan: “Sino ba to?” sabay dampi ng kamay sa noo ni Stellar

Jaehwan: “At inaapoy pa sya ng lagnat.” bulong sa sarili

Halatang di alam ni Jaehwan kung ano ang kanyang gagawin dahil di naman niya kilala si Stellar.

Jaehwan: “Miss , kung sino ka man, wag ka munang mamamatay dito. Ang ibig kung sabihin, di ka dapat mamatay. Dadalhin kita sa pinakamalapit na clinic o hospital. Wag kang bibitaw.”  kahit na di na naririnig pa ni Stellar ang mga pinagsasabi nito

Jaehwan: “Tawagan ko kaya si Manager.” akmang tatawagan na sana niya si Manager nang biglang mag-ring ang kanyang phone

*phone rings*

Jaehwan: “Hello?”

Seongwu’s voice: “Jaehwan! Si Seongwu to. Nasa dorm ka na ba?”

Jaehwan: “Oo. Pero may babae sa kwarto mo pagdating ko. Girlfriend mo ba sya? Tsaka, inaapoy ng lagnat. Di ko nga alam kung ano ang gagawin ko dito.”

WANNA BE MY MAID || WANNA ONE FANFICTION (ONGOING❤)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon