DANIEL'S POV
"May problemaha ho ba?" sabay taas ng kilay
Girl 1: "Diba kayo to? Pareho ng suot oh" sabay titig kay Daniel at Stellar
Girl 2: pinatingin kay Daniel ang hawak na cellphone
Halos lumuwa ang mga mata ni Daniel sa nakitang picture sabay hawak sa kamay ni Stellar na wala pang alam sa nakita.
Naramdaman ni Stellar na biglang nanlamig na tila ba pinagpapawisan ang kamay ni Daniel.
Stellar: "Okay ka lang ba talaga? Anong problema? Ano yung pinakita sayo sa cellphone? " bulong nito kay Daniel na medyo kinakabahan na rin
"W-w-wala." sabay balik ng phone sa babae at biglang hinila si Stellar palayo
Nagkatinginan lang ang dalawang babae sa kinatatayuan nito at tinitigan ulit ang picture.
Di na alam ni Daniel kung ano ang susunod na gagawin at kung saan sila sunod na pupunta.
"Wag ka lang bumitaw sakin." at mas lalong hinagpitan ang pagkakahawak kay Stellar
WANNA ONE'S POV
Sa di kalayuan ay dinig na nila ang sigaw ng mga fans (Wannables) na naghihintay sa kanilang pagdating sa HongKong airport.
Halos dinig ng buong airport ang hiyawan.
Fans: "Wanna One! Wanna One! Saranghae! Wooooooo!"
Mas lalong kinabahan si Jisung, Minhyun, Jihoon at Guanlin dahil di pa alam ng manager nila ang mga nangyayari.
Habang nag-iisip ang grupo sa kung ano ang susunod nilang gagawin ay biglang may lumapit sa kanila na isang lalaki. Parang member rin ang lalaki ng isang idol group dahil sa tindig, hitsura at pananamit nito.
Guy: "H-h-hello po" sabay taas ng kanang kamay at bow sa kanila
Tiningnan lang nila ito mula ulo hanggang paa ng ilang segundo.
1.... 2.... 3.... 4.... 5....
Napakamot nalang ng ulo ang lalaki at tinawag ito bigla ng isa sa managers ng Wanna One sa di kalayuan.
Manager: "Oh! Yuan!" at mabilis na lumapit sa kinatatayuan nila "Buti nalang sinundo mo ko dito sa airport" sabay yakap sa lalaki at tapik sa likod nito
Jisung: "Mawalang galang po manager, sino po s'ya?"
Manager: "Ah." inayos ang suot na halatang proud na proud "Itong kasing-gwapo ko ba?' habang nakangiti na abot hanggang tenga "Anak ko nga pala."
Inabot naman ng lalaki ang kamay nito kay Jisung.
Yuan: "Yuan Kim po."
Jisung: "Jisung"
Nagkatinginan naman sina Minhyun, Jihoon at Guanlin at nag bow sa kanila ang lalaki.
bow... bow... bow...
Sa mga oras na 'to ay napansin na ng manager nila na wala si Daniel.
Manager: "Jisung, kanina ko pa kayo binibilang pero talagang may kulang. Alam nyo naman na paglabas natin dito, maraming naghihintay na taga press at mga Wannables sa labas. Nasan ba si Daniel? Ni di ko ma-contact." sabay kapa sa bulsa para kunin ang cellphone
Jisung: "M-m-manager... ka-kasi..."
Bigla naman pinagpawisan si Manager habang tinitigan ang cellphone nito sabay hawak sa dibdib na para bang aatakihin.
Yuan: "Pa?" habang inaalalayan ang ama
Lumapit naman ang iba pang members sa kanila na sila Woojin, Seungwu, Sungwoon, Daehwi, Jaehwan at Jinyoung.
Woojin: "Hyung" sambit nito kay Jisung "Anong nangyayari?"
STELLAR'S POV
Dahil di rin mapakali ay minabuti nalang ni Stellar na huminto muna sila dahil ramdam niya na talagang pinagpapawisan si Daniel dahil kinakabahan ito.
"Dito na muna tayo" sabay turo sa may waiting area
Daniel: "Si-sigee."
"Ano ba talaga yung nakita mong picture kanina?" binitawan ang kamay ni Daniel
Daniel: "May nakasunod pala talaga sa'tin, at nakuhanan tayo ng picture. Di naman ganun kaklaro yung mukha ko pero may nagpost na ng article sa isang website."
"Pano na to?" at napaupo nalang sa sahig
"Lagot talaga ako nito kay Manager."
Daniel: sighs "Di naman natin ginusto na mangyari to lahat. Alam kong gumagawa na ngayon sila Jisung ng paraan."
"May concert pa kayo bukas. Baka dahil sa'kin kaya di matutuloy. Tapos baka kung ano ang mangyari sayo dahil dito." nangingilid na ang mga luha sa mata nito
Daniel: napatingin nalang sa taas ng airport "Wala na tayong magagawa, pero alam kong magiging okay din ang lahat." sighs
At nagkaroon ng konting katahimikan sa pagitan ng dalawa.
"Di ka ba natatakot na pagalitan ng management ng husto? Tapos baka kung ano pa ang pede nilang gawin" nanghihinang tanong nito
Daniel: "Nag-aalala din pero alam kong di ako pababayan ng iba pang members lalo na ni Jisung. May tiwala ako sa kanila." sabay tapik sa ulo ni Stellar
Medyo gumaan ang kabang naramdaman ni Stellar dahil sa narinig.
WANNA ONE'S POV
Manager: "Ano tong article na to! Nasan ba kasi si Daniel!" halos lumuwa na ang mga mata sa galit "Aatakihin na ata ako ngayon."
Nakatayo lang ang mga members at ang lahat ay halatang kabado at pinagpapawisan na.
Manager: "Oh! Tingnan nyo to."
Pinatingin ni Manager sa kanila ang laman ng article na may picture ni Daniel kasama ang isang babae.
Jisung: "Yun yung problema namin kanina pa Manager, di ko na nga alam kung ano ang gagawin."
Minhyun: "S-sa ibang eroplano po nakasakay si Daniel pero sigurado akong dito rin sa Hongkong papunta ang nasakyan nya."
Jihoon: "Mas nauna pa nga sigurong nag-landing yung eroplanong nasakyan kaya paniguradong nandito na rin sa airport si Daniel."
Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga Wannable sa labas ng airport.
Jaehwan: "Yung ibang staff nauna na lumabas kaya mas lalong lumakas yung sigawan."
Daehwi: "Pag lumabas tayo ngayon na wala si Daniel, mas lalong maniniwala ang mga nakabasa sa article."
Titigan muli ni Manager ang picture sa article at ramdam nyang kilala nya ang kasama ni Daniel dito.
Manager: "Kilala nyo ba kung sino tong kasama nya?"
Umiling lang lahat ng members pero ang lahat ay may idea na kung sino ang maaaring kasama nito.
May isang staff na lumapit kay Manager.
Staff: "Ilang minuto na lang Sir at lalabas na po tayo. Malapit na po namin makuha lahat ng mga bagahe."
Manager: "S-sige. May aayusin lang kami dito sandali."
Staff: "Sige Sir, thank you." sabay bow at umalis na rin agad
Yuan: tinapik ang balikat ni Manager "Baka may pede akong maitulong sa inyo Pa."
Seungwu: tinitigan si Yuan mula ulo hanggang paa "Manager, parang alam ko na kung ano ang pwede nating gawin."
Author's Note: Thanks for reading po. Please leave your comments and suggestions para ma-improve ko pa po ang story na to. Kamsahamnida Chingus.
BINABASA MO ANG
WANNA BE MY MAID || WANNA ONE FANFICTION (ONGOING❤)
FanficA Wanna One Fanfiction ❤❤❤ Dahil Love na Love ni Author ang WANNA ONE.. Authors Note: Alam kong imposibleng mangyari pero maniwala ka na lahat ng nakasulat ay imposible talaga. Hekhek.~ Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa Wanna One kaya ko ginawa an...