Author's Note: Annyeong! Salamat sa mga bumasa ng Chapter 1. Heto na po ang Chapter 2. Medyo maikli lang bawat chapter. This is my first story kasi. Di pa sanay. Hope you ENJOY!)
Stellar's POV
"Naku naman. Naku! Naku talaga! Buti nalang may storage room dito. Kung hindi lagot talaga ako. Phew." sabay kapa sa cellphone sa bulsa
"Waaaaaaaa! Naiwan ko sa kusina! Patay... patay... patay..."
Wala siyang ibang nagawa kundi ang maghintay ng oras kung kelan siya mahuhuli ng Wanna One.
"Pano na to." napaluha nalang sa sobrang kaba
Sa di inaasahan biglang nag-ring ang phone ni Stellar sa kusina.
"Mawawalan na ba ako ng trabaho nito? Lord Please naman. Wag ngayon." sabay silip ng konti sa pinto kung ano ang susunod na mangyayari
Wanna One member's POV
Jihoon: "Hyung (Jisung) gutom na gutom na ko. May pagkain naman sa mesa, kumain na tayo."
Jisung: "Baka nasa labas lang si Manager, sige kumain na tayo."
Jaehwan: "Baka may binili lang. Nakakagutom na rin talaga kasi."
Guanlin: "Wala ka naman ibang iniisip kanina pa Hyung (Jihoon) kundi ang kumain."
Woojin: sniff... sniff... "Di ko alam na marunong pala magluto si manager at parang masarap."
Sungwoon: "Ihahanda ko muna yung mesa. Pakitulong nalang din Daehwi-ssi."
Daehwi: "Sige Hyung."
Pagkatapos ihanda nila ang pagkain sa mesa ay wala silang kibuan habang kumakain.
Sa di inaasahan ng biglang may tumunog na cellphone.*phone ringing* ( ringtone: Nayana Nayana)
Daniel: tawa ng tawa sabay sayaw habang pinapakinggan ang ringtone "Nayana nayana."
Jaehwan: "Wag ka munang manggulo Kang Choding." sabay sipa kay Daniel
Minhyun: nagtataka dahil walang sinuman ang sumasagot "Kaninong phone bang tinatawagan?"
Daehwi: nagtataka din "Oo nga hyung, pero... wala naman satin ang may ganyang ringtone."
Seongwoo: "Baka phone ni manager at naiwan lang niya sa kung saan dito. Hanapin nalang natin." sabay tayo sa kinauupuan at hanap sa phone
Habang naghahanap, panay pa rin ang pag-ring ng phone.
(ringtone: Nayana.. Nayana..)Jinyoung: "Nakita ko na." sabay kuha sa phone " Nasa ibabaw lang pala ng ref." at inabot kay Jisung
Sasagutin na sana ni Jisung ng biglang nag-end ang pagtawag.
Jisung: "Ay! Sayang. Di ko man lang nasagot."
Guanlin: "Baka importanti sana yung tawag kasi kanina pa to ring ng ring eh."
Sungwoon: "Baka tatawag ulit. Tsaka mo nalang sagutin Hyung."
Jihoon: "Nasaan na ba kasi si Manager, baka maubos natin tong lahat ng niluto niya."
Jisung: "Babalik din yun mamaya, baka pinatawag ni Boss sa opisina."
Woojin: "Baka nga."
Bumalik ang lahat sa mesa para ipagpatuloy ang pagkain pwera nalang kay Minhyun na panay ang tingin sa cellphone.
Minhyun: "Jinyoung, ganito ba cellphone ni Manager? Parang di naman ganito diba?" sabay kunot sa noo
Jinyoung: "Hmm.. Baka mahilig din siya sa pink tulad ni Jihoon-hyung." sabay tawa ng lahat
Jihoon: "Ilagay mo nalang muna dyan yan. Tapusin mo na muna pagkain mo Minhyun-hyung."
Daniel: "Kain ka muna. Di ka mabubusog sa kakatingin mo jan." sabay ngiti kaharap ang pagkain
Stellar's POV
*phone ringing* (ringtone: Nayana... Nayana...)
"Naku po! At may tumawag pa! Ngayon pa talaga. Saan ko ba nailagay kasi. Stellar.. Stellar.. lagot ka na talaga." at napaiyak nalang sa sulok sa sobrang kaba
"Ayoko pang umuwi ng Pinas. First day ko pa lang ehh. Lord naman, di nako magiging tanga sa susunod. Spare my life po Lord God." sabay yuko at yakap ang tuhod
Dahil sa medyo matagal natapos kumain ang buong members ng Wanna One, di namalayan ni Stellar na nakatulog na siya sa kakaiyak. Mag-tatatlong oras na ang lumipas nang pumasok siya sa loob ng storage room, at sa mga ganoong oras din, nasa bawat kwarto na ang mga members para magpahinga pagkatapos kumain at mag-usap tungkol sa susunod nilang schedule.
*after 3 hours*
"Uhh.. Hmm.." sabay hikab
"Nakatulog pala ako." silip.. silip ng konti sa labas ng pinto
Napapansin niyang medyo tahimik na kaya napagpasyahan niyang maingat na lumabas.
"Nagpapahinga na siguro sila. Tamang-tama. Makakaalis na ko." sabay tingin sa relo
"Naku! Naku! Mag-aalas kwatro na pala. Kelangan ko na talagang makalabas. Baka mapagalitan pa ko ni Boss at Manager kapag nahuli nila 'ko." maingat na naglakad papalabas ng storage room sabay kuha ng cellphone na nasa ibabaw ng ref.
At ng walang kung ano-ano ay madaliang tumakbo palabas ng dorm at di niya namalayan na malakas ang pagkakasira niya ng pinto. Tumakbo lang siya ng tumakbo nang di lumilingon hanggang makarating sa bus station.
Wanna One members' POV
Nasa iisang kwarto sina Daniel, Jisung, Minhyun, Seongwoo at Jaehwan. Di talaga mapakali si Minhyun habang tinitingnan ang cellphone na akala nila'y naiwan lang ng kanilang Manager. Buti nalang may "encryption" o "password" yung ibang app kagaya ng sa messages kaya di nila ma-open pwera nalang sa camera.
Biglang umandar ang kakulitan ni Daniel at Seongwoo at panay sa pagkuha ng Selfie gamit ang nakitang cellphone.. Selfie dito, selfie doon. Walang pakialam ang dalawa na parang sila ang may-ari.
Sa di inaasahan, biglang kumalabog ang pinto sa labas.Jisung: "Ano yun?!" biglang napatayo
Daniel: "Baka may lumabas lang mula sa kabilang kwarto" sabay selfie pa din
Minhyun: may hinahanap sa higaan "Saan ko ba nailagay..." kapa... kapa ulit sa higaan
Seongwoo: "Ano bang nawawala? Kanina ka pa jan." tumigil sa pagseselfie
Minhyun: "Yung cellphone ko. Nawawala ata."
Jaehwan: sabay bangon sa pagkakahiga "Baka naiwan mo sa kusina kanina. Di ko nakitang dinala mo dito."
Minhyun: "Baka nga. Kukunin ko muna."
Jisung: "Sasamahan kita."
Stellar's POV
*at the bus station*
"Phew. Muntikan na ko dun ah!" sabay hawak sa dibdib
"Sobrang nakakapagod ang araw na to."
May huminto na bus at sumakay na siya dito.
"Grabe." at napatawa nalang habang inaalala ang mga nangyari
"Di man lang ako nakapag-lunch kanina." stomach rumbling
"Nagugutom tuloy ako bigla. Di ko man lang natikman niluto ko kanina. Sayang." sabay hawak sa tiyan
"Tsk. Si Boss ata yung tumawag ehh. Pahamak nga din naman talaga. Matawagan nga muna baka kung ano pala ang kelangan sakin. Naku! Baka galit nayun dahil di ko nasagot yung tawag niya." sabay kuha ng cellphone sa bulsa
"Waaaaaaaaa!!" tumingin ang lahat ng pasahero sa kanya at sinenyasan na tumahik dahil medyo napalakas ang sigaw niya habang nanlaki ang dalawang matang nakatingin sa hawak-hawak na cellphone
Authors Note: Thanks for reading. I'm so happy that someone is waiting for the update of the story. Wait for Chapter Three: "The Thief". Don't forget to leave comments and suggestions. Kamsahamnida.~
BINABASA MO ANG
WANNA BE MY MAID || WANNA ONE FANFICTION (ONGOING❤)
FanfictionA Wanna One Fanfiction ❤❤❤ Dahil Love na Love ni Author ang WANNA ONE.. Authors Note: Alam kong imposibleng mangyari pero maniwala ka na lahat ng nakasulat ay imposible talaga. Hekhek.~ Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa Wanna One kaya ko ginawa an...