''HINDI AKO OPTION LANG''

130 9 0
                                    



Hindi ako option lang,
Kasi gusto ko isa ako sa mga pagpipilian.

Hindi ako lapis,na pag walang ballpen,tiyaka mo lang kakailanganin.
Na pag wala na siyang tinta,sa akin ka pupunta.

Hindi ako pambura,na handang burahin yung mga pagkakamali niya.
Tandaan mo ballpen ang ginamit mo,nung mga panahong may tinta pa ito.

Hindi ako tubig,na iinumin mo lang kasi wala ng softdrinks.

Hindi ako kahoy,na pwede mong ipanggatong,pag wala na kayong gasul.

Hindi rin ako adobo,na uulamin mo lang kasi ubos na yung menudo.

Hindi ako option lang,na laging nandyan kapag wala ka ng pagpipilian,
Dahil tandaan mo isa ako sa pagpipilian.

Hindi ako basta bato lang,dahil isa akong diyamante na makinang.
Na gustong-gustong alagaan ng iba dyan.
Hindi katulad mo na akong ginagamit lang.
TANDAAN MO!
Hindi ako lapis,na pwede mong tasahan ng tasahan,magamit mo lang.

Hindi ako pambura,na pwede mong gamitin ng gamitin,kasi nauubos rin ako.

Hindi ako tubig,na makukuha mo ng libre.
Hindi ako adobo,kasi ang adobo hindi napapanis,kasi ako mabilis akong mainis.

Tandaan mo,hindi ako option lang.
Kaya sana pagnakapili ka na,dapat sigurado ka.
Dahil parang test paper lang yan.
Pag si A ang pinili mo,dapat siya na hanggang dulo.
Dapat sure ka sa sagot mo.
Dahil ang test paper na magulo,at puro burado,
Dahil hirap na hirap kang mag minie minie may nie moo.
Tandaan,pumili ka ng tama.
Dahil hindi ako bonus,na pwedeng pwede mong makuha.
Kasi,isa ako sa choices sa tanong na,
'SINONG MAHAL MO,SA KANILANG DALAWA'.

Ps.sorry kung ang panget nya at sobrang walang kwenta.

Pps.correct me na lang dun sa spelling ng minie minie HAHAHA

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now