"MAS"

40 7 0
                                    

Mahirap...
Masakit...
Nakakapagod...
Nakakaselos...
Nakakababa ng tingin sa sarili...
Nakakabaliw...
Nakakatanga...
Lahat yata ng pwedeng maramdaman,
Ay aking narasan,noon,ngayon at sana hindi na umabot pa sa kinabukasan.
Kasi,mahirap...
Mahirap kang mahalin,
Masakit,sobrang sakit,
Na lagi na lang lumalabas dyan sa bibig mo.
Na 'mahal na mahal ko talaga sya Bes'
Gusto kong tanungin,
Meron ba?
Meron bang pag-asa,na maging tayo.
Na magkaroon ng tayo.
Kaya lang,sa tuwing sasabihin mong,
'Ang ganda niya no?'
'ang bait din niya Bes'
'At alam mo,ang talino nya'

Halos araw-araw, lagi kong nararamdaman,
Na Sobrang daming mali sakin.
Oras-oras, lagi kong nararanasan,
Na ikumpara mo sa kanya.
Minu-minuto,laging pumapasok sa isip ko,
Sobrang perfect niya para sayo.
Kaya sa bawat segundo
Kasabay ng paghinga ko,
Ang Sakit,
Ang hapdi
Ang pighati,
Ay ang kakambal ko.

MAS maganda siya...
MAS mabait siya...
MAS matalino siya...
At higit sa Lahat MAS MAHAL MO SIYA...

Tanggap ko naman,na MAS higit siya,kumpara sakin.
Tanggap ko naman,Na MAS napapasaya ka niya,kumpara sakin.
Tanggap ko naman,
Na Ako'y isang kaibigan lang.
Ang sakin lang,sana hindi mo ako kinumpara sa kanya.
Dahil iba ang AKO sa SIYA

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now