'LDR'

66 7 0
                                    

Sa relasyong distansya ang problema,
Magtatagal nga ba?
Ang pagmamahalan ng dalawang tao,
Masisisira nga ba ng distansya ng kinalalagyan nila?
LDR, Long Distance Relationship,
Nangangailangan ng Tiwala,
At kailangan marunong maniwala,
Dahil kung hindi mauuwi sa wala ang lahat.
Ang relationship na inaalagaan nyo,
Ay mauuwi sa isasabi nilang relationshit.,

Kung papasok ka,sa relasyong ganito,
Na distansya at oras ang kalaban nyo.
Kailangan matutong magtiwala,umunawa,at maniwala.
Dahil kung wala kang tiwala,
Lagi kang matatakot.
Matatakot na baka mayroon siya ng iba,
Habang malayo kayo sa isa't isa.
Lagi kang matatakot,
Na baka lokohin ka rin niya,kagaya ng iba.
Kaya ang relasyong walang tiwala,
Ay madaling magkaroon ng lamat,
At pagnagtagal,baka tuluyan ng mawasak.

Umunawa,kailangan yan,
Hindi sa lahat ng oras kaya ka niyang pagbigyan.
Tandaan mo hindi lang sayo umiikot ang kanyang mundo,
Maraming mga bagay na hadlang sa pag-uusap niyo.
Unawain mo na lang,
Na oras isang rason niyan..

At higit sa lahat,maniwala.
Maniwala ka,dahil hindi lahat ng tao sinungaling,
Pagsinabi niyang nasa bahay siya,maniwala ka.
Pagsinabi niyang ikaw lang,maniwala ka.
Dahil hindi siya,magtitiis sa relasyong binuo niyo,
Kung sahuli,magloloko rin siya.

Ang dalawang nagmamahal,
Na pilit pinaghihiway ng distansya sa isa't isa.
Ay sobrang nakakakaba at nakakatakot.
Pero kung malagpasan niyo,
Ang pagsubok na ito.
Dadating yung oras na,
Hindi na cellphone ang hawak mo,
Sa iyong paggising sa umaaga.
Hindi na social media ang gamit mo maka-usap mo lang siya.
Dahil paggising mo,katabi mo na siya,.
Hindi niyo na magiging problema pa.
Ang distansya!
Dahil,tapos na ang LDR,
Kasi,haharap na kayo sa ALTAR..

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now