TAYO NA LANG KASE

60 7 0
                                    

  Paano ko ba sisimulan ito?
Kung ano ba yung nasa utak ko,
Yun ba dapat yung sasabihin ko?
Paano kung nagtanong ako?
Ano ba ang isasagot mo?
Sa tanong na pwede bang maging tayo?
Oo o hindi,
Madali lang namang pumili.
Pero,masakit na baka,ang hindi ang lumabas sa iyong mga labi.
Baka hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo.
Kasi,iba yung mahal mo,at hindi ako.
Araw-araw nakatingin sayo,
Habang ikaw nakatingin sa kanya.
Oras-oras,pinapangarap ko,
Na sana ako naman yung kasama mo sa pagtawa.
Minu-minuto,nasa isip kita
-
Alam mo ba,sobrang saya ,
Nung tinawag mo yung pangalan kase,magbabayad ka.
Nahawakan ko pa nga yung kamay mo,
Na hanggang ngayon damang-dama ko.
Ang lakas ng epekto mo,
Sa sistema ko.
Yung tipong tinatiyaga ko,
masulyapan ka lang,kahit ako'y nasasaktan sa katotohanang mahal mo siya.
At kaibigan lang ako.
-
Wala,baliw na ko,
Bes! TAYO NA LANG KASE,
kalimutan mo na sya.
May mahal na siyang iba,wag kang tanga.
Oh,diba bagay tayong dalawa,
parehas tayong tanga.
Ikaw sa kanya,
Ako sa iyo.
Meant to be,
Meant kang maging akin
At meant akong maging sayo.
Tayo na ha!  

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now