KAPAG SINABI KO

66 7 0
                                    


  Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Anim.
Pito.
Walo
Siyam.
Sampu.
Tapos na ang isa hanggang sampu,
Ngunit nandito ka pa rin at hindi nagtatago.
Salamat at hindi ka pumayag sa larong tagu taguan.
Kaya pwede bang makinig ka?
Isa.
Kapag sinabi kong MALIIT ka.
Hindi kita nilalait,sinabi ko yun kasi,
Sa sobrang liit mo nagkasya ka sa puso ko.
Dalawa.
Kapag sinabi kong MATALINO ka.
Maniwala ka,dahil pinili mo ko kumpara sa iba.
Tatlo.
Kapag sinabi kong TANGA ka.
Oo tanga ka talaga,kasi pinapa iyak mo yung babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ka.
Apat.
Kapag sinabi kong MABAGAL ka.
Parang awa mo na maniwala ka.
Kasi sa sobrang bagal mo ngayon lang tulou kita nakilala.
Lima.
Kapag sinabi kong MAGANDA ako.
Umoo ka na lang pwede ba?
Pag hindi ang mo, pangako pepektusan talaga kita.
Anim.
Kapag sinabi kong IKAW lang.
Ikaw lang talaga,dahil kahit kailan hindi ko ginustong humanap pa ng iba.
Pito.
Siguro hindi ko na kailangan ng pitong bagay na pampaswerte sa buhay ko.
Dahil,kapag sinabi kong IKAW ANG SWERTE KO,Totoo yun.
Walo.
Kapag sinabi kong Magtiwala ka.
Magtiwala ka,dahil kahit kailan ayokong makasira ng tiwala.
Kaya pangako magtiwala ka tatagal tayo hindi lng hanggang sampu.
Siyam.
Kapag sinabi kong TATAGAL tayo.
Magyayari yun kung kailanganin ko man ng siyam buhay,
Maghihiram ako ng buhay at sa siyam na buhay na yun ikaw lang ang gusto kong makasama.
Sampu.
Eto na
huli na
Eto lang naman yung gusto kong Ipunto sa tula na ito.
Na kapag sinabi kong MAHAL KITA.
Mahal talaga kita,Hindi ako nagbilang ng sampu para lang magtago.
Nagbilang ako ng sampu,dahil gusto ko pagkatapos ng isa hanggang sampu,
Pwede na kitang hanapin.
At sabihin sayong Mahal kita.
Kaya ngayong na sakin ka na,ayoko ng magbilang lang basta,
Gusto ko ng bilangin ang segundo,
Minuto,
oras,
araw,
linggo,
buwan,
O maging taon man yan.
Gusto kong magbilang kasama ka
At gusto ko hindi lang basta hanggang sampu,
Kung maaaari,hambang buhay na lang tayo na magbilang dalawa.
Kaya KAPAG SINABI KO.
SINABI KO AT LAHAT YUN TOTOO.  

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now