Chapter 1

51 3 0
                                    


Taehyung's Pov,

            Hello,I'm Kim Taehyung but just call me V.I'm 22 years old,college student.


           I'm not single anymore.Meaning to say,may girlfriend na ako.Siya lang naman si Jennie Kim.Ang pinakamagandang babae sa buhay ko.

           We met as a high school friends.May problema ako noon then she just appeared.Siya ang nagturo sa aking maging masaya.Siya ang naging kaagapay ko sa mga pinagdadaanan ko.

               Many years pass by,yung pagtingin ko sa kanya as a friend,nag-level-up.Oo,mahal ko na nga siya.

               Nang malaman ko 'yon,inamin ko agad sa kanya at ok lang ang sinabi niya.

              Niligawan ko siya for 3 months,and isang araw,finally she's officially mine.Napasagot ko rin siya.

              At ngayon,8 months na kami.So happy to say.

             Tama na nga ang daldal,male-late na ako.Byee.


             First day of classes namin ngayon kaya naman malungkot ako kasi bihira na lang kami magkita ni Jennie.Pero ok lang naman kasi may usapan naman kaming magkikita kami tuwing breaktime tutal sabay naman kami.


            Hinahanap ko na ang room ko and,it's room 24 sa Building 08.

           Umaakyat na ako,at sa dami ng tao,"Waaaaahhhhh!",nalaglag ako.Nadaganan pa.WAIT,eh sino ba 'tong mokong na 'to?

           Nagkatitigan kami,at nang mapansin ko yun,tinulak ko agad siya.

          "Aray ko naman!Kailangan ba namang manulak!",sabi niya.Tsk.Siya pa talaga ang may ganang magalit,siya na nga nakabangga at nakadagan sa 'kin.

         "Aba't ikaw pa talaga ang umaray ah!Ikaw kaya ang nambunggo at nandagan!",galit na sabi ko.

        "Sa tingin mo ba sinadya ko yun?Ang dami-daming tao,at isa pa,haharang-harang ka kasi sa daan!Kala mo ikaw lang ang nasaktan eh noh?",sabi naman niya.

        "Ako pa talaga haharang harang sa daan.May hagdan naman kasi sa kabila,bakit di ka na lang dun dumaan!Tanga ka yata eh!",sabi ko naman.Nanggigil ako ah.Pigilan niyo ko,pigilan niyo ko.Baka tumalsik 'tong babaitang toh!

        "Ako pa talaga ang tanga ah!Eh alam mo naman pala na may hagdan pa dun,bakit di ka dun dumaan?At tiyaka bago mo ko tawaging tanga,kilalanin mo muna ako!Impaktitong toh!",sabi niya.

       "Hindi ka ba titigil?Sasabunutan na kita!",galit na sabi ko.Nakakagigil na kasi.

       "Hindi ako titigil.At ano?Sasabunutan mo 'ko?Bakla ka pala,hahahah",pang-aasar niya.Hayyss..Kailan ba siya titigil!

       "Hindi ako bakla!",pagko-correct ko sa sinabi niya kanina.

       "Bakla ka!",asar niya na naman.

       "Hindi nga sabi ako bakla eh!",pagpupumilit ko.

       At hinawakan ko ang kwelyo ng blouse niya na akmang sasapakin ko siya.Pero bigla kong naalala....Babae nga pala siya.

       "Alis na ko.",sabi ko na lang.

         Umalis na rin ako agad at itinuloy ang paghahanap sa room ko.Baka kasi ma-late na ako.






I'm His MaidWhere stories live. Discover now