ANTOINETTE
"Here you go Tresha." Inabot ko naman sa kanya ang isang beaker na may laman ng isang bagay na alam kong ikatutuwa niya kapag nabuhos na niya iyon sa taong lubos niyang kinagagalitan.
"Hey you noob!" sigaw ni Tresha doon sa babaeng naka lab gown din katulad namin. Naka talikod siya sa gawi namin. Nasa science labaratory nga pala kami ngayon.
"Do you want me to mention your ugly name first bago ka humarap?" Hindi pa din humaharap yung babae dahilan para mainis lalo si Tresha.
Lumapit siya doon sa babae, hindi ko na siya sinundan at naupo na lang ako sa isang puting monoblock chair.
Hinawakan ng marahas ni Tresha yung babae para iharap ito sa kanya. Ngunit laking gulat namin nang maharap na sa amin yung babae.
Duguan yung damit niya at may hawak siyang kutsilyong puno ng dugo. Tumatagaktak na sa puting sahig yung mga dugo.
Itinaas niya yung kutsilyo para saksakin si Tresha...
"AAAAAHHH!!!" Napabangon naman ako kaagad sabay noon ang hindi pantay kong paghinga. That dream again?
Ikinalma ko muna yung sarili ko bago ko kinuha yung cellphone ko sa side table. It's already 6:00 AM so I better get my ass up and get ready for school.
Pagpasok ko pa lang sa banyo ay may kumuha agad sa atensyon ko. It's a word written by a finger, I guess. Yung tipong nagmo-moist yung glass tapos pwede mong sulatan. And you guys wanna know what the word is?
Die.
A three letter word that sent chills to my spine. Saan ba galing 'to? Hindi ko matandaan na nagsulat ako ng ganitong salita. Pumikit ako kaagad para pakalmahin yung sarili ko at naligo na.
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng dapat kong gawin ay lumabas na ako ng kwarto ko. At kasabay ko naman nun ang paglabas ng babaeng muntik o namamatay talaga ng tuluyan sa panaginip ko gabi-gabi. Magkatabi lang kasi yung kwarto namin. Kumbaga dormitory ng girls yung tinutuluyan namin.
"Good morning Tresh." bati ko sa kanya.
"Morning Tonette." Walang gan niyang wika.
"Oh? Problema mo?"
"Wala!" sigaw naman niya.
"Wala daw pero sumisigaw. Don't me Tresh."
"Okay fine... nabo-bother lang ako doon sa nakita ko sa salamin ng bathroom ko kanina. It's a three letter word. Die." Natigilan naman ako nang matapos siya magsalita. So ibig sabihin na hindi talaga ako yung sumulat ng salitang yun kanina?
"Teka lang Tresh. Meron din ako niyan sa bathroom ko din."
"W-what? You mean the word die?" Tumango ako kaya napatigil din siya at natulala.
"Wag mo akong pinagloloko Antoinette Perez."
"Eh hindi nga ako nagbibiro! And you know what? Napaginipan ko na naman yung panaginip na lagi kong kinukwento sayo. Nothing changed in that dream."
"Okay, you know what. Mabuti pang tigilan na nating ang pag-uusap ng ganito palagi yung topic. Nakakatakot kasi. Let's just think positive." Tumango naman ako. Mabuti pa nga.
Naglakad na lang kami patungo sa classroom namin. Pagkarating namin ay bumungad agad sa amin ang napakaingay naming kaklase. May naghahabulan sa loob na para bang playground lang sa kanila ang classroom namin. Meron din natutulog, naglalaro ng cellphone, nagkukwentuhan, nagbabatuhan ng papel, at iba pang mga kalokohang pangkaraniwang ginagawa ng estudyanteng tulad namin.
YOU ARE READING
Subject To Death
Mystery / ThrillerNo way out You are trapped You'lle be slaughtered in just one snap May be the cause to your end The one who slaughters thinks it can mend It will always chase you You can't run as if was like being stuck on glue A subject you will fear It's at your...