KLARK
Tahimik pa din ang lahat matapos namin masaksihan yung karumal-dumal na pagpatay sa kaklase naming si Sofia. Nabaling naman ang tingin ko kay Kianna na nakatulala pa rin habang may tumutulong luha sa mata niya. Pinahiran ko iyon gamit ang hinlalaki ko.
"Natatakot ako Klark." Mahina niyang sambit.
"Nandito lang ako." Ginulo ko naman yung buhok niya at napatingin sa mga kabarkada ko na gulat din. Iginala ko ang paningin ko sa buong classroom, ang tahimik nilang lahat. Walang ni isang nagtangkang magsalita.
"G-guys, are we gonna d...die?" Pagbasag ng nerd looking naming kaklase na si Vic Tory sa katahimikan.
"What the hell Vic! Hindi mangyayari yun!" Sigaw ni Natalie Flores, halatang halata naman sa kanya na natatakot na din siya, di niya lang ipinapakita.
"Alam ba ng mga teacher's 'to?" Tanong ni Almar Zhoo.
"I think hindi nila alam." Walang emosyong wika ni Tresha habang busy sa kanyang phone.
"Alam niyo guys, there's something wrong about Tresha." Napatingin naman kaming lahat kay Antoinette nang bumulong ito. Tumango na lang din ako as a sign na sang-ayon ako sa sinasabi niya. Ang tahimik kasi ni Tresha eh, kanina pa yan ganyan. Hindi naman talaga yan tahimik sa totoo lang.
"Nag away ba kayo ni Tresha, Ski?" Tanong naman ni Adrian at iling lamang ang tanging naisagot ni Ski.
"Teka nga, guys. Ano yung 'XZCEPX'?" Tanong bigla ni Janzy.
"I think It's his or her name. Kinode niya ang name niya." Tumayo naman si Trivia matapos niyang sabihin yun at lumapit sa kanyang bag. Kinuha niya ang notebook at ballpen niya tapos may kung anong sinusulat. I think that she wants to decipher the code. Matalino naman talaga si Trivia, kaso wala siyang sapat na kapangyarihan para maipaglaban ang katalinuhan niya.
"What's going on?" Hindi namin namalayan lahat na dumating na pala ang adviser namin, kasama si Florence Diaz. Ayan, dahil sa pagkabigla namin ay di na namin napansin na lumabas pala si Florence para magsumbong.
"M-ma'am Gomez... Sofia is dead. At nasaksihan talaga namin kung paano siya pinatay." Mangiyak-ngiyak na wika ni Vanna tapos yinakap naman siya ng kakambal niya. Tinignan ko si Ma'am Gomez pero wala man lang bakas na gulat sa mukha niya kaya napakunot ang noo ko. Something is wrong.
"Th-that is already reported to the Principal. At... at... umaaksyon na ang pulis so wag kayong mag-alala." Ngumiti siya ng tipid at umupo sa upuan niya sa harap. Napailing na lang ako at bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan.
"So Ma'am Gomez, does this mean na hindi matutuloy yung pagpa-vacation ng ibang students at pagpa-special training saamin? Or classes will be canceled?" Tanong ko nang maalala ko yung inanunsyo ni Ma'am noong nakaraang linggo. Hindi naman siguro makatarungan kung itutuloy iyon at namatayan kami ng classmate. At pinagbantaan pa talaga kami ng kung sino mang hinayupak ang gumawa noon.
"Hindi. Matutuloy pa din yun. Hindi pwedeng hindi matuloy yun. Nakakahiya kung malaman nila na ang first section dito ay ganito. Masisira ang image ng school. So panindigan niyo yang desisyon niyo. Kailangan niyong totohanin yang pagkatalino niyo." Mariin na wika ni ma'am.
YOU ARE READING
Subject To Death
Mystery / ThrillerNo way out You are trapped You'lle be slaughtered in just one snap May be the cause to your end The one who slaughters thinks it can mend It will always chase you You can't run as if was like being stuck on glue A subject you will fear It's at your...