Chapter 16: The Search

34 7 0
                                    

THIRD PERSON

"Sabi ko na nga ba." Mahinang sambit ni Ski tapos sinipa niya ng malakas yung arm chair kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat.

"Chill lang, bro." Pagpakalma naman ni AM sa kanya, hinawakan niya iyon sa balikat pero itinibag niya ito.

"Chill? Namatay yung kaklase natin dahil sa atin, tapos 'chill lang' ang sasabihin mo?!"

"Eh sino ba kasi yung may sabi na si Ellen yung killer ha?!" Si Klark naman yung nagsalita. Napatinginnaman ang lahat kay Adam na nakayuko lang sa gilid.

"Ikaw! Ikaw nagsimula neto eh!" Tinuro naman ni Klark si Adam, lalapit na sana siya dito pero hinila siya ni Sean paharap.

"Kung makapagsalita ka Klark ah, parang hindi mo ginusto yun."

"Hindi ko naman talaga ginusto yun ah! Hindi lang ako nagsalita kasi alam kong hindi naman kayo makikinig sa akin. Hindi ako sumali sa pagpaslang niyo kay Ellen."

"Ayusin mo yang pananalita mo pare ah!" Pinipigilan naman ni Anthony si Sean para hindi makalapit kay Klark. Dahil kung titigan ito, handa na talaga itong susuntukin si Klark.

"Ikaw ang umayos!" Sinuntok naman ni Klark si Sean kaya agad lumapit si Nathan at Adrian para pigilan siya. Nakawala naman si Sean kaya nasuntok niya pabalik si Klark. Kumawala naman si Klark kaya natumba yung dalawa at nagsuntukan na talaga sila.

Nagkagulo na ang klase dahil sa mga nangyayari sa loob ng classroom nila. Hindi nakakatulong ang pag-aaway.

"ENOUGH! STOP ACTING LIKE A CHILD, BOTH OF YOU!" Malakas na sigaw ni Tresha pero binalewala lang nila ito at nagsusuntukan pa rin. Wala namang balak lumapit ang iba dahil siguro ay takot silang madamay sa gulo. Lumapit na lang si Antoinette para pigilan kaso nasiko lang siya ni Klark sa ilong dahilan para matumba siya at dumugo ang kanyang ilong. Agad naman siyang dinaluhan ni Kianna at binigyan ng panyo.

Npabuntong-hininga nalang si Tresha at kumuha ng kutsilyo tapos itinapon sa direksyon ng dalawang nagsusuntukan. Lumagpas ito sa kanila, dumaan mismo sa harap ng dalawa at muntik nang matamaan yung mukha nila kaya napatigil sila at sinundan ng tingin yung kutsilyo hanggang natusok ito sa blackborad nila.

Natahimik naman ang lahat, maski yung dalawa ay napatigil sa pagsusuntukan at nakatingin lang sa kutsilyo. Malamang kinabahan sila kasi muntik na silang tamaan nito.

"Ano ba! Para kayong mga bata!" Sigaw naman muli ni Tresha sa kanila kaya nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Ano yun, Tresha? Balak mo ba kaming patayin?!" Pasigaw na tanong ni Klark sa kanya. Isang masamang titig lang ang isinagot ng dalaga sa kanya kaya napayuko na lang siya at nag-sorry. Umirap lang si Sean at tumalikod para umupo.

"I'm sorry guys. Kasalanan ko 'tong lahat." Wika ni Adam.

"Buti alam mo." Bulong naman ni Klark kaya siniko lang siya ni Adrian na katabi lang niya.

"Kasalanan nating lahat, Adam. 'Di lang ikaw." Pagtatama naman ni Natalie sa kanya habang nakayuko.

"Pero bakit may lason yung cake na ginawa niya kung hindi naman talaga siya si Mortem?" Tanong ni Nathan.

Subject To DeathTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang