THIRD PERSON
"Ano na? Kamusta na siya?" Bungad ni Antoinette sa kakarating lang na sila Adrian, Xander at Kianna.
"Nagamot na namin siya pero hindi pa din siya gising. Dinala na lang namin siya sa kwarto niya dahil ang liit ng clinic." Sagot naman kaagad ni Adrian.
"What? Iniwan niyo siyang mag-isa?"
"Wag kang maga-alala, Antoinette, nandoon naman sila Natalie, Nathan at Kezia, para bantayan siya. Nandoon din si Klark, nagpapahinga. Nasugatan pala yung kamay at paa dahil nagpumiglas." Tumango na lang si Antoinette sa isinagot ni Kianna.
"Parang nasa pito lang si Mortem." Natahimik naman ang lahat at napatingin kay Trivia.
"Hindi na talaga 'parang', kasi nasa pito talaga yung salarin." Walang emosyon namang wika ni Ski, "Napansin niyo ba, hindi kayo hinayaang mabuksan lahat ng kahon? Malamang, isa doon ay doble ang laman." Dagdag pa nito.
"Hindi naman pwedeng si Ms. Apples, nasa kanilang Winter, Sean, Kezia, Klark, Ski at Tresha." Sambit ni Trivia habang seryosong pinadaanan ng tingin yung mga nabanggit niya.
"Eh hindi naman pwedeng si Klark, kita mo naman yung kamay niya diba."
"Pwede din pineke ni Klark iyon, Kianna-- pero hindi naman ibig sabihin nun ay siya talaga yung salarin." Tumango na lang si Kianna at binalewala si Trivia kahit na medyo nainis siya sa sinabi niya.
"Pero guys, hindi niyo ba naisip? What if wala talaga doon si Mortem sa pito? Baka sinet-up lang niya muna yung pito bago pumunta dito sa classroom at nagpanggap na biktima. Mortem's smart and you know that. Hindi siya yung tipong patanga-tanga lang para magpanggap bilang biktima, kasi alam niyang maiisip kaagad natin na nasa isa sa pito yung salarin." Pangatwiran ni Tresha dahilan para mapaisip lalo yung mga kaklase nila. Hindi naman nila namalayan na may nakangiti na pala sa kabilang dako dahil sa pag-uusap ng buong klase.
"Yo brow! Why isa you aloness over the chair?" Pabirong wika ni Xander at tumabi kay Adrian na parang may seryosong iniisip. Ngunit tinignan lamang siya ni Adrian at muling napatulala.
"Ay grabe ka, hindi mo man lang pinansin yung namatay kong grammar." Pagmamaktol niya at umalis na lang sa tabi ng binata.
Sana mali yung iniisip ko, Pumikit na lang ng mariin si Adrian bago siya sumunod kay Xander palapit sa mga kaklase niya para mawala sa isip niya yung gumugulo sa kanya.
*****
"Kamusta ka na, Ms. Apples?" Tanong ni Kianna kay Adam na nakahiga ngayon sa kama niya. Naisipan nilang kamustahin si Adam matapos itong gamutin sa clinic at magkamalay.
"O-okay lang ako." Mahinang sabi niya at iniwas ang tingin niya sa mga mata ng mga kaklaseng nakatingin sa kanya. Nalaman niya kasi yung nangyari noon wala silang pito. Nahihiya siya dahil sa nangyari.
"Alam ko na ang nangyari... wala na akong mukhang maiha-harap sa inyo. Alam kong nandidiri na din kayo sa akin." Malumanay na wika ni Adam na ikinagulat naman ng karamihan. Marahil ay naawa sila sa kondisyon niya ngayon.
YOU ARE READING
Subject To Death
Mystery / ThrillerNo way out You are trapped You'lle be slaughtered in just one snap May be the cause to your end The one who slaughters thinks it can mend It will always chase you You can't run as if was like being stuck on glue A subject you will fear It's at your...