THIRD PERSON
"Mortem?" Nagtatakang tanong ni Kianna nang malaman na nila yung pangalan ng taong pumapatay sa mga kaklase nila.
"Yan na ba talaga yung pangalan niya? Sa dinami dami ng pangalan na pwedeng gamitin, yan talaga yung ginamit?" Sinamaan naman nilang lahat ng tingin si Klark kasi nakuha pa nitong magn reklamo sa gitna ng seryosong usapan.
"Hindi niya totoong pangalan yan. That's just a codename. Wala naman tayong kaklaseng Mortem right?" Wika naman ni Trivia.
"Codename? Grabe naman siya, sa karamiraming cool na codename, yan ang pinili niya. Pwedeng Maroon riding hood, Dark Vader, o kahit ano." Wala na silang choice kung di ay batukan na lang si Klark para tumahimik na.
"Kailangan nating malaman kung sino ang gagong Mortem na yan as soon as possible." Nagpipigil galit na wika ni Ski.
*****
Kinabukasan, nagising na lang si Tresha na nasa sarili niyang kwarto, mag-isa. Napakatahimik ng paligid pero maliwanag na naman.
Kinuha niya yung cellphone niya na hawak-hawak lang niya buong gabi at tinignan ang oras, "Tangina 10:00 na! Hindi man lang nila ako ginising. Papatayin ko talaga sila."
Padabog siyang bumangon sa pagkahiga niya tapos nag ayos para sa klase. Pagkatapos niya ay nagmadali naman siyang naghanda ng bag niya, walang pakialam kung ano ang nailagay niya.
Lumabas na siya at bumungad agad sa kanya ang itim na envelope kaya napakunot yung noo niya. Pinulot niya iyon at binasa ng mahina. "Pumunta Ka Sa Old Gymnasium... Mag-isa."
Napangiwi naman siya dahil sa format nito. Naka capslock pa ito at ang ginamit na pagsulat ay pulang tinta na tumutulo na para bang dugo.
"Gag! Walang makakagawa sa akin nito." Bulong niya sabay kuha ng pocket knife niya.
Kalmado lang siyang naglakad patungo sa lokasyon na ibinigay sa kanya. Hindi man lang siya nag abalang tumakbo o humingi ng tulong. Pagkarating niya ay hindi muna siya pumasok kaagad. Inilapit niya muna yung tenga niya sa pintuan pero wala siyang ibang naririnig kung di ay ang tunog ng hangin.
Walang pagdadalawang-isip niyang sinipa yung pintuan para bumukas at nagulat naman siya sa bumungad sa kanya.
"A-anong ginagawa mo?" Naguguluhan niyang tanong sa taong nakatayo sa loob.
"Di ba obvious?" Walang emosyon niyang wika pabalik kaya sinamaan siya ng tingin ng dalaga.
"De joke lang. Happy Valentines, Tresha." Ngumiti ito sa kanya sanhi para makita yung gilagid niya. Lumapit siya kay Tresha at binigay ang isang rosas.
"Thanks... Ski."
"Ayieeee~" Napatingin naman siya sa likod ng binata at nakita niya yung iba niyang kaklase na tinutukso sila. May mga baloons din sa sahig.
"Oy, Klark. Bakit wala kang surprise para sa akin?" Tanong ni Kianna.
"Mamaya ko na ipapakita." Hinampas naman siya bigla ni Antoinette.
YOU ARE READING
Subject To Death
Mystery / ThrillerNo way out You are trapped You'lle be slaughtered in just one snap May be the cause to your end The one who slaughters thinks it can mend It will always chase you You can't run as if was like being stuck on glue A subject you will fear It's at your...