Chapter 2

3.4K 47 4
                                    

AN: Since may nag-request, ni-change ko na po yung ka-love team ni Bang dito sa story from Wensh to Mands. Mas cute nga sila together, hehe. Pero andito pa din si Wensh. Di sya mawawala. Malaki din magiging role nya dito eh. Anyways, thank you po for taking the time to read. At pasensya na po sa mga typographical errors.

TRICIA'S POV

Nagising ako dahil may nagpo-poke ng balikat ko. I opened my eyes and saw Bang hovering over me.

Bang: Andito na tayo. Naiakyat na namin ni Ly yung mga gamit mo. Tara na.

Ayun. Nauna na syang pumasok ng bahay. Bumaba na ako sa kotse at pinagmasdan muna yung apartment nila, kung apartment mang matatawag yon. Mukhang manyson naman eh.  -_- Malaki kasi tapos two-storey pa.  Grabe naman eh dalawa lang naman sila sa bahay.

Aly: Hoy Bakulaw! Ano pa tinatayo-tayo mo dyan?! Pasok na!

Ako: Opo! Opo!

Grabe naman tong kapre na to. Hay! Ano pa nga bang magagawa ko? Eh di pumasok na din ako. Pagtungtong ko pa lang sa living room, nagulat ako sa pagsabog ng mga confetti at sabay-sabay na sigaw ng 'welcome back!'

 

Aba't nandito pala ang buong barkada! Grabe, na-miss ko nang sobra-sobra ang mga mokong na to. Syempre, sugod agad ako sa kanila para sa isang long-awaited group hug! :">

"Grabe Trish, sobrang na-miss ka namin!" sabi nung napakapayat pero napakagandang babaeng nakayakap pa din sa akin. Siya si Jessey Laine de Leon. Jessey o Jess o Jz, kayo na pumili kung ano gusto nyong itawag sa kanya. Pero para sa bullies, Stick din siyang kagaya ko (dati). Pero sya na lang ang stick ngayon. Hanggang ngayon kasi, napakapayat nya pa din. Pero sobrang ganda na nya din ngayon.

Nga pala. Pinsan din namin siya. Well, second cousin. Pinsan kasi nila mommy ang dad nya. Sobrang ka-close din namin si Jz. Palagi din kasi namin siyang kasa-kasama sa mga galaan at kalokohan namin eh.

"Oo nga baks! Bakit ngayon ka lang umuwi?" Siya naman po si Kim Fajardo. Ikli ng pangalan no? Swerte nga nyan eh. Naging kaklase namin yan dati sa daycare. Ewan, basta nag-click kami agad and palagi na namin siyang kasama ever since.

Ako: Grabe makatawag ng baks ah! Eh sa ngayon lang ako nakauwi panget eh. (Sabay belat)

"Aww! Ang hard ah! (Tawa) Bully ka pa din Trish!" SI Victonara Galang. Ara ang tawag sa kanya ng ibang tao pero mas sanay ang barkada na Vic ang tawag sa kanya. Madalas makantyawan dahil sa lips nya pero wag kayo, wafs pa din yan. Sobrang bait pa despite being a bully.

Kim: Yan tayo eh  -_-

Sabay-sabay kaming nagtawanan. Kahit si Kim ay nakitawa  na din.

"Okay. Welcome back bakulaw! Tara na sa kusina para makakain na." Ang dakilang donkey ng barkada! Joke! Hehe. Carol Anne Cerveza. Naging kaklase namin sila ni Vic nung first grade at naging parte na din sila ng barkada.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon