Chapter 5

2.7K 45 2
                                    

AN: Pasensya na po kung ngayon lang naka-update. Ciennara po ang focus ng chapter na ito. Ewan kung bakit pero natutuwa talaga ako sa pairing nila. Crush ko silang pareho. :3 Hehe. Anyway, enjoy reading po. I apologize in advance for any error.

VIC'S POV

A year  and a half . . . Ganun katagal ko na siyang nililigawan. Sa loob ng isa't kalahating taon, nahulog na ako nang tuluyan sa kanya at sa tingin ko, hindi ko na kayang umahon pa. Pero mukhang wala na talaga akong pag-asa. Noon, kahit na alam kong di naman niya talaga ako gusto, hindi pa din ako sumuko at nawalan ng pag-asa. Umasa ako na matututunan niya din akong mahalin. Pero biglang sumingit sa eksena si Torres at halata namang gustong-gusto talaga siya ni Cienne.

Alam ko na si Torres lang talaga ang makakapagpasaya sa kanya at ako na lang naman yung humahadlang sa kanila kasi nga ayaw akong saktan ni Cienne. Ako yung humahadlang sa kasiyahan niya. Ngayon ko lang na-realize na nagpaka-selfish pala ako.

Ang kaligayahan ni Cienne ang pinakamahalaga para sa akin at ayaw ko nang pahirapan pa siya. I am willing to set her free even at the cost of my own happiness, if it means that she'll be happy. Martyr ba? Hayaan nyo na ko. Ganun ko siya kamahal eh. Di bale nang ako ang nasasaktan nang sobra sobra, wag lang siya. I will try to move on pero sa tingin ko, I could never love somebody as much as I love her. Siguro, I'll just stay single all my life kasi siya lang naman talaga ang itinitibok ng puso ko.

Hay . . . Cienne Mary Arielle Cruz, mahal na mahal kita, sobra. And now . . . finally . . . I'm ready to set you free.

(END OF POV)

CIENNE'S POV

Two months na din ang nakakalipas since mag-start ang classes. So far, things are going great for me and my friends. Masaya kasi kasama ko ang mga ka-tropa ko pati na ang Bullies.

Papunta ako ngayon sa lib para sana mag-aral muna ng konti bago mag-lunch later pero nakita ko si Ara na nakaupo sa lilim ng isang puno sa field. Mukhang malalim na naman ang iniisip niya ah. These past few weeks, she always looks deep in thought at palaging wala sa sarili. Napakamatamlayin na din niya ngayon at nabawasan ang pagkamakulit. Palagi na lang seryoso na animo may malaking problema palagi.

Imbes na dumiretso sa library ay lumapit na lang ako kay Ara at tinabihan siya sa lapag. Nagulat ata dahil medyo napatalon siya sa kanyang kinauupuan. Hehe.

Ako: Hi. (Smile)

Ara: Cienne . . .

Biglang lumungkot ang kanyang mga mata at mababakas sa boses niya ang pagod. I took the time to really look at her and my heart broke a little at the sight of her. Ang laki na at ang iitim ng eye bags niya. She looks sleep-deprived.  Para bang hindi na niya alam ang kahulugan ng salitang tulog. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya at bagsak din ang kanyang mga balikat. Medyo namayat din siya. She looks worn out. Di ko maiwasang di mag-alala kasi this is not the Ara that I'm used to.

Ako: Ara . . . Anong problema? You don't look okay.

Ara: Cienne . . . We need to talk . . . Privately.

Napakaseryoso naman ng pagkakasabi niya nun. Teka, bakit ba bigla na lang akong kinabahan? Ano kaya ang dapat naming pag-usapan?

Tumayo siya at hinila niya ako patayo. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang hinihila niya ako papunta sa rooftop ng building ng engineering. Saka niya lang binitawan ang kamay ko nung nandun na kami. Nagulat ako at may konting kirot na naramdaman ako sa puso ko nung makita kong may mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya nang humarap siya sa akin.

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon