Chapter 3

2.7K 37 4
                                    

AN: Dahil po medyo madami ang ating love teams, medyo may kabagalan po ang pace ng story. Pero wag po kayo mag-alala, lahat naman po sila ay may kani-kaniyang moments at scenes at time kung kelan sila magiging official. Sana po maging patient kayo and I hope you could bear with me. I promise to do my best para po magustuhan nyo tong story. Thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagbabasa. Patawad po sa mga error.

KIM'S POV

I'm really sorry anak . . . Please forgive me . . . We only have until the end of the year . . . Sorry talaga . . .

 

Seven months? Sapat na bang panahon yun? Huhu . . . Di ko na alam gagawin ko. Hindi ko naman kayang magalit sa parents ko kahit pa sila ang dahilan kung bakit ako naiipit sa sitwasyong ito ngayon.

"Kimmy . . . Ahon."

Huh? May sumunod sakin? Andito ko ngayon sa veranda sa second floor. Masarap kasing tumambay dito. Tahimik na, presko pa ang hangin tapos tanaw na tanaw pa ang napakalawak na langit na napapalamutian ng nagkikislapang mga bituin.

"Hoy, Kimmy! Ahon sabi eh!"

Ay, ano ba yan. Nakakainis. Sarap sarap mag-stargazing eh. Nilingon ko na yung kumakausap sakin. Si Mela pala.

Ako: Uy, Sorry. Ba't ka nandito?

Mela: Malamang sinundan ka.

Ako: Daming alam -_- Tss . . .

Tapos tinalikuran ko na ulit sya. Di ko kasi siya kayang tingnan nang matagalan eh, sumasakit ang puso ko. Ramdam kong naglakad sya papalapit sa akin at tumigil sya sa tabi ko. Basta ako, nakatingin lang sa mga bituin sa kalangitan. We stood there enveloped in silence, no one daring to end it as we both looked at the beautiful night sky decorated with hundreds of millions of twinkling stars. Finally, as though not being able to withstand the silence and growing tension between us, she finally spoke up.

Mela: Kimmy . . .

Ako: Hmm?

Mela: Ano . . . Uhh . . . Sorry ah . . .

Ako: Ah . . . Okay lang. Ako nga dapat humingi ng tawad eh. Sorry for acting weird and sa pagigng pikon.

Para mas maging convincing, nginitian ko na din siya. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Napakaganda talaga ni Mela. Ayun na naman yung pamilyar na kirot sa puso ko. I could feel myself getting lost in her warm gaze, kaya nag-iwas na ulit ako ng tingin.

Mela: Sabi ni Bang . . . Ano . . . May problema ka daw? Gusto mo mag-share? Handa akong makinig.

Ako: Nasabi na pala niya sa inyo . . .

Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon