AN: Unang-una, maraming salamat po sa mga patuloy na sumusuporta sa story. Kayo po ang motivation ko sa pag-a-update. Kaya sobrang thank you po.
-----
TRICIA'S POV
Mula sa pwesto ko sa table ay tanaw ang entrance ng club kaya naman ako ang unang nakakita nung pumasok si ate A. She was holding a stem of blue rose na itinago niya sa likod niya as she walked to our table.
Pam: (Nakasimangot na nakapangalumbaba sa table) Tagal naman ni A . . .
Ate A: (Nakatayo na sa likuran ni Pam) Sorry kung ngayon lang ako Baby.
Pam: (Agad na tumayo at yumakap kay ate A) Baby! What took you so long? (Bitaw kay ate A)
Ate A: Pinuntahan ko lang saglit si mommy. And then I got stuck in traffic on the way here. Sorry. Oh, and I got this for you. (Pinakita yung rose at iniabot ito kay Pam)
Pam: (Smile) Thanks Baby. I love you.
Ate A: And I love you. (Tapos kiss sa lips ni Pam. Smack lang naman. Hehe)
Bullies/Jaja/Dindin/Chloe/Liz: Yun oh! Ayieeeeh! (Tawanan)
Ate A: :P
Napagawi sa table ng Girlies ang tingin ko and I could see the surprise in ate Dzi's face. Mukhang di pa din pala nasasabi ni ate A sa kanya yung tungkol kay Pam. Kitang-kita naman sa mukha nung ibang Girlies na hindi sila nag-eenjoy. Sila Mands, Denden, at Cams, hindi maipinta mukha. They look really pissed off. Si Mika naman, hanggang ngayon ay simangot na simangot pa din at sulyap pa din nang sulyap kay Stick. Tapos si Mela, kunot ang noong nakatingin kay Kim na busy pa din sa pagtetext. Si Chel naman, mukhang malungkot habang nakatingin sa phone niya. Bakit kaya? San na kaya yung mga lalaking kasama nila?
Sa paglipas ng oras ay naghiwa-hiwalay din muna kami. May mga nagpunta sa dance floor, meron din namang sa bar pumunta. Kahit ang mga Girlies ay nagsitayo na din para siguro mag-enjoy kahit papaano. Ako naman, I chose to remain seated at our table. Di naman ako party person eh.
Nagpa-order ako kay ate A ng whiskey kanina at ito ang tinitira ko habang nakaupo lang dito. Then, bigla-bigla na lang sumakit ang ulo ko and an image of a pair of familiar brown eyes warmly gazing at me flashed through my mind. Hindi ko maintindihan nor maalala pero sobrang familiar talaga nila. Nasapo ko na lang ang noo ko as I waited for the pain to ebb. Ano kayang nangyari? Tumayo na ako at nagtungo sa labas ng bar para magpahangin. I need to clear my head.
Nakasandal lang ako sa isang kotse at nakatingin sa kawalan when I felt the presence of another person.
"What are you doing out here?"
Just hearing her voice makes my heart beat like crazy. I could feel myself blush at hindi ko siya nilingon para di niya makita ang pamumula ng mga pisngi ko. She also leaned against the car next to me at magkalapat ang aming mga braso. I almost pulled my arm away when I felt a jolt of electricity from the spot where our skins touched. How the hell can she elicit such reactions from my body that I've never felt before?
Ako: Uhm, nagpapahangin lang. My head ached all of a sudden kanina so I went out to have a breath of fresh air.
Chel: (Mukhang nag-aalala) Gusto mo na bang umuwi? Para naman makapagpahinga ka na. I can drive you home if you want.
Bakit sobrang saya ko naman ata dahil sa concern na ipinapakita niya?
Ako: (Smile) Thanks, pero wag na lang. Kaya ko pa naman. Tsaka wala na naman yung sakit. The night's still young. Pasok ka na ulit dun and have fun like everyone else. Susunod na lang ako pamaya. Nag-e-enjoy pa ko sa simoy ng hangin eh.