[3]

2.3K 12 0
                                    

The next morning I feel fine kaso nga lang wala na sya 

"Good Morning, Nestor" greet ko nang makita ko sya sa kusina nagbabasa ng dyaryo

"Good Morning, ma'am" sabi nya sabay balik sa pagbabasa

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Despoina 

"Hello, madam"

"Despoina, give me all the information you can get about Kyle Parker"

"Okay, madam, anything else?"

"No, just about him"

"Okay, madam" binabaan ko na ang tawag at nagsimula ng kumain

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na kami at sumakay sa kotse ko

"Ma'am, pupunta po ba ulit tayo sa coffee shop?"

"Of course"

Nagbyahe na kami papunta sa coffee shop

Pagkapunta ko dun ay umupo na kami sa usual seat ko

Sumilip ako sa kanya at napansin kong may mali. Iba sya ngayong araw, hindi kasi sya nakangiti at ang lalim ng iniisip

Nang magtagpo ang mata namin ay nginitian ko sya pero tinitigan nya lang ako atsaka umiwas

Weird

May sinabi sya sa co-worker nya at yun na rin ang kumuha ng order namin

Iniiwasan nya ba ako?

Tinake-out nalang namin ang coffee saka pumunta sa office

What's up with him?

Medyo lutang nga ako sa office but I really tried to focus, especially sa mga important meetings

"Ayos ka lang?" tanong ni Nicky nang matapos ang meeting 

"Ha?"

"Kanina ka pa tulala" sabi nya habang nililigpit ang mga folders

"Yeah, marami lang akong iniisip"

"I think you should take a break kahit isang linggo lang, na-miss ka daw ni Mrs. Cabrera"

Si Mrs. Cabrera---Mama Jessica, sya ang itinuring ko ng ina kahit hindi naman kami magkadugo, malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya sinuportahan ko sya nung naging successful ako sa buhay

"You're right, maybe I do need to take a break" Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo

"Call me if anything happens, okay?"

"Sure"

xxx

Kinaumagahan ay binisita ko si Mama Jessica

"Mama Jessica!" bati ko sabay yakap sa kanya

"I miss you mama Jessica" sabi ko

"Miss you din, Shai" si Mama Jessica lang ang tumatawag sa'kin na Shai

"Mabuti nandito ka, nag-bake ako ng favorite mong brownies" 

"Yippie" para akong bata, ngayon ko lang kasi ulit matitikman ang napaka-sarap nyang brownies

Pumasok kami sa loob at inakyat ni Nestor ang mga gamit ko

Nilapag ni Mama Jessica ang brownies sa lamesa at agad akong kumuha sabay kinain

Hanggang ngayon, the best pa rin talaga ang brownies nya. Sinabi ko nga sa kanya na magpatayo ng sarili nyang bakery kahit ako na ang maggagastos sa lahat pero ayaw nya 

"Kamusta ka na hija?"

"Ayos lang po"

"Wala ka pa rin bang nobyo?"

Hindi alam ni Mama Jessica yung tungkol sa pag-wa-one night stand ko sa mga lalaki, pag sinabi ko sa kanya yun baka maguluhan lang sya o atakihin pa sya sa puso

"Wala po"

"Kahit crush manlang?"

"M-meron po...." totoo naman yun, medyo crush ko nga si Kyle

She gasp "Anong pangalan nya? Saan kayo nagkakilala?"

"Mama Jessica, kalma, ang OA nyo naman po, crush lang naman po"

"Sino ba itong crush mo?"

"Kyle po ang pangalan nya at sa coffee shop na pinagtatrabahuan nya po kami nagkakilala" tumango-tango si Mama Jessica ng may ngiti sa kanyang labi

"Kailan mo sya balak ipakilala sa'kin?"

"Mama Jessica! Crush nga lang po, crush"

"Hay nako, dyan din kami nagsimula" biglang lumungkot ang mukha nya

"Miss nyo na po sya noh?" Tumango sya at pilit na ngumiti

"Sobra"

Kinuwento ko nalang ang mga nangyari sa'min ni Kyle para naman mapalitan ang lungkot nya 

Parang timang si Mama Jessica sa sobrang kilig sa kwento ko

"Malay mo sya na ang nakatadhana para sa'yo" natawa ako sa sinabi nya

Tadhana? Psh. Wala na sa bokabularyo ko ang salita na yan

"Anong nakakatawa?" umiling lang ako

"Magpapahinga na po muna ako" sabi ko sabay hinalikan sya sa pisngi bago umakyat

"Tadhana" bulong ko sa sarili ko nang makahiga na ako sa kama

How ridiculous

Naramdaman ko na ang antok at pagod kaya tinulog ko na lang ito

xxx

A week with Mama Jessica was very refreshing. Naging mas focus na ako sa trabaho, hindi na muna ako pumunta sa coffee shop dahil ayaw naman ata ako makita ni Kyle

"Blooming ka ngayon" sabi ni Nicky

"Salamat"

"May party akong a-attendan mamayang gabi sa bar ng kakilala ko, sama ka maraming gwapo dun, sila nalang iskorin mo at huwag ako" natawa ako sa sinabi nya

Hanggang ngayon hindi pa rin sya maka-move-on sa ginawa ko?

Tumango nalang ako

xxx

Nauna na sina Nicky dahil nag-shopping pa ako. Wala na kasi akong masuot para sa party eh

Nang makapasok ako ay agad akong pinagtinginan ng mga lalaki

Hindi pa ako nakaka-order ay may tumabi na kaagad sa 'kin na isang stranger

"Hey there, gorgeous" I smiled at him

xxx

Wala na syang ibang kinuwento kundi sarili nya

Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha

Tumayo ako at iniwan yung lalaki, ang boring nya naman kasi kausap

"Hi" unti-unti syang lumingon sa'kin, kitang-kita ang mga luha sa mukha nya at mamula-mula ang mga ito

"Shaina?"

"Are you okay?" He sighed at umiling

"What happened?"

"She chose him

"Ginawa ko naman ang lahat para ako ang piliin nya pero..... bakit ganun? Si Carlo pa rin ang mahal nya. Ang hirap, ang hirap ipagpilitan ang sarili ko sa kanya

"Gusto kong mag-move-on, gusto kong makalimutan nalang sya"

"I can help you" tumigil sya sa pagsasalita at humarap sa kin ng naka-kunot ang noo

"How?"

Huminga muna ako ng malalim bago ko sya sinagot

"Be my fvck buddy"

BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon