[11]

773 6 0
                                    

Napapadalas na rin ang "hang out" namin ni Tyler. Kadalasan kasi sya ang sumusundo sa'kin

I miss clubbing so bad. Sinusulit ko na ang mga araw na natitira bago umuwi si Tyler dahil for sure si Mama Jessica, business at si Kyle na ang focus ko

"There's the Shaina I know. Wild and carefree"

I laugh and dance hanggat gusto ko

Napansin ko na pasimpleng lumapit sa'kin yung lalaking kanina pa tingin ng tingin

"Hey sweetheart"

Kahit malakas ang tugtog narinig ko pa rin sya pero nagkunwari ako na hindi. Naramdaman kong humahawak sya sa tagiliran ko kaya napalingon ako sa kanya

"Hey there, handsome"

Bakit parang kinikilabutan ako sa tingin nya?

"May kasama ka?"

"Actually meron"

"Wanna ditch them and join me. My place or yours?"

"Why not both? You go to yours I go to mine" sabay alis

I don't need him. Meron naman akong Kyle na eh

Napatingin ako sa relo ko. Midnight. For sure, nasa penthouse na yun

Hinanap ko si Tyler at nakita kong nagpapakalasing sya sa may isang table at may kasamang dalawang babae

"Tyler, uwi na ko, late na eh" tumango-tango nalang sya at tumayo. Lasing na sya kaya tinulungan ko nalang. Mukhang gold digger lang naman tong dalawa na kasama nya eh

Isinakay ko na sya sa sasakyan nya at ako na rin ang nag-drive dahil mukhang mas malakas ang tama nya kaysa sa'kin

xxx

Nagpatulong pa ako sa mga staff sa pagbubuhat sa kanya

"Ang bigat mo" inihiga na namin sya sa kama nya

Tinawagan ko na si Mang Nestor para sunduin ako kaso hindi naman sumasagot.

Napagpasyahan ko na dito nalang ako matutulog. Kumuha ako ng unan at kumot saka natulog sa couch

xxx

Pagkagising ko ay nakita kong tulog pa rin si Tyler

Tumawag na ko ng room service para ihatid ang breakfast nya saka umalis

Tinawagn ko ulit si Mang Nestor at mabuti nalang sumagot na rin sya

"Ma'am pasensya na po---"

"Ayos lang, pakisundo nalang ako" matapos kong sabihin ang address ay hinintay ko na sya sa lobby

Mabuti nalang at hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal

"Si Kyle, nag-stay ba sa penthouse?"

"Hindi po, wala ka daw po dun eh"

Miss na siguro ako nun

Pagkadating namin sa penthouse. Binilisan ko na ang pagligo at hindi na rin ako kumain. Sa coffee shop nalang, masarap din naman pagkain nila dun

Pagkadating namin sa cafe ay nakita ko kaagad sya. Ang tamlay nya at parang kulang sa tulog. Mukhang kailangan nya ata ng power hug ko

Bago pa sya nakapasok sa loob ng kitchen ay binigyan ko na sya ng isang mahigpit na backhug. Halata naman na nagulat sya

"Shaina?"

"Yes?"

"Everyone is staring"

"So what?"

BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon