[8]

1.1K 9 0
                                    

To be honest today is the most saddest day of my life. Why? Kasi death anniversary ng tatay ko

Nakaupo ako ngayon sa tapat ng puntod nya. Nilapag ko ang binili kong bouquet of roses para kay tatay

"Hi tay, I miss you" panimula ko "Kamusta ka na? Masaya ka ba dyan? Baka mamaya nag-iinuman na kayo ni papa Von" tumawa ako ng mapakla

"Ayos lang po ako, kami ni mama Jessica. Tay, naalala nyo pa po ba yung paborito nating kanta, yung Huling sayaw"

Nagsimula na akong kumanta. Pero alam ko na unti-unti ng pumapatak ang mga luha ko.

Mabuti nalang at walang tao dito kundi nakakahiya

Sobrang miss ko na si tatay. Close kasi kami ni tatay eh, 9 years old palang kasi ako nang mawala sya kaya talagang ang sakit

"Shaina?"

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin

"Kyle?" Agad akong nagpunas ng luha

Inabutan nya ko ng panyo at ginamit ko naman iyon

"Sinusundan mo ba ako? Anong ginagawa mo dito?"

"May dinalaw lang. Sino sya?" Tanong nya sabay turo sa puntod ni tatay

"Tatay ko. Sino pinuntahan mo?"

"Ate ko"

"Close siguro kayo"

"Hindi ko sya nakilala"

"Sorry for your lost" tumango lang sya

"Gusto mo bang ipakilala kita sa kanya?"

"Ayos lang ba?" Tumango lang ako

Umupo na sya sa tabi ko at pinakilala nya ang sarili nya

"Hindi ko po sya boyfriend kung gusto nyong malaman.... ano ko ho sya... ano... special friend ko lang po"

Nakita kong nagtaas ng kilay si Kyle pero hindi naman nagreklamo

Nagdaldal pa kami at kung ano-ano ang mga pinagsasasabi ko bago kami umalis. Pagkasakay namin sa loob ay niyakap nya ko

"Why?"

"Wala naman, gusto lang kitang yakapin"

It feels really weird but nice. Us. Hugging. It's nice

"Close siguro kayo ng nanay mo"

My mother? That no good, cold-hearted son of a bitch?

"The way you talk to her on the phone when you thought I was her"

Oh. So he's talking about mama Jessica

"Yeah"

"Sana ganun din ako ka-close sa parents ko"

"Bakit? Di ka close sa mga magulang mo?" He shrugs

"Pag-umuuwi kasi ako kadalasan busy sila sa mga trabaho, sa mga mas nakababata kong kapatid, kung hindi naman sila busy dun minsan pagod na pagod sila kaya nakakatulog"

"Do you hate your parents?" Umiling sya

"I could never hate them. Mahal ko sila at naiintindihan ko naman na para sa'min ang mga ginagawa nila"

He starts playing with my hair

"So where to?" Bigla nyang tanong

"I usually go straight to bed and cry 'till I fell asleep. How about you?"

"I go to an ice cream shop" an idea pops out

"I know the perfect place" sinabi ko kay Mang Nestor ang pupuntahan namin

BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon