[9]

980 7 0
                                    

I don't know why but I feel strange recently even my action reciprocates

"Uy teh, ayos ka lang?" Tanong sa 'kin ni Nicky

Tumango nalang ako

"Problema mo, mader?"

"Wala nga"

"Ay sus! Nag-away ba kayo?"

"Nino?"

"Sino pa ba? Edi yung love of your life"

"Wala. Tsk. Tantanan mo nga ko. 'Pag ako nainis sisantihin kita dyan"

"Ay tih, huwag naman. Alam mo naman ako ang breadwinner sa'min"

"Edi tumahimik ka dyan"

"G na g, ang aga-aga"

"Tsk. Whatever"

xxx

Kahit sa trabaho ang pangit ng naging performance ko at parang wala talaga ako sa sarili

Humilata na ako sa higaan ko sa penthouse pero hindi ako dinadalaw ng antok

Sumilip ako sa orasan

11:03pm

Ba't hindi ako makatulog?

Narinig kong may nag-doorbell kaya napaupo ako

Ganitong oras may dumadalaw sa'kin?

Impossible namang magnanakaw. Ba't naman yun magdo-doorbell?

Tumayo ako at nagsuot ng robe bago pumunta sa pintuan at binuksan ito

"Kyle?"

"Hi"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ko din alam. I just... want to see you"

Hinayaan ko nalang nakabukas ang pintuan

"Just come in"

"Ano bang problema?"

Lumingon ako sa kanya "Anong problema? Wala naman"

Pumasok sya at lumapit sa'kin "Meron, ang cold mo na. May ginawa ba akong mali?"

"Wala"

"Tell me"

"Tsk. Wala nga"

"Hindi mo nalang sana ako pinapasok kung ayaw mo din akong makita"

Tumalikod sya at sinirado ang pintuan

Nasapol ko ang noo ko

What is wrong with me?

xxx

Dumiretso ako sa coffee shop para makita at makausap sya

Pagpunta ko doon ay wala sya kaya nagtanong ako sa mga co-workers nya pero hindi daw sya pumasok

Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi nya nirereplayan ang mga text ko. Tinawagan ko ulit sya and finally sumagot sya pero boses ng babae ang narinig ko

"Hello?"

Humigpit ang hawak ko sa phone ko

"Hello?"

While I'm here worrying about his whereabouts, nandun lang pala sya kasama ang babae nya

Lagi nalang ba akong may kahati sa lahat ng bagay

"Hello?"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ulit ang boses ng bruhang toh

BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon