Chapter 9 - Transfer

53 8 0
                                    

Vennice's PoV

Maya maya ay bigla nalang may tumawag sakin.

"Hello po?," bati ko.

"Hello? This is your parent's atty. Mike Cruz. Napatawag sa akin ang Airport ng eroplanong sinasakyan ng magulong mo. Huwag kang mabibigla pero kasama ang mga parents mo sa mga nasawi. Mamaya dadating na diyan ang katawan nila and I will go there to talk about something," tumawag sakin yung atty. nila mommy. Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko nang marinig ang mga salitang yon.

"Ha? H-hindi p-pede!," utal utal kong sabi.

"Ano sabi? Bakit ka umiiyak?," tanong ni mochi at lumapit sakin para yakapin ako.

"W-wala na sila mommy," hagulgol at utal utal kong sagot.

"Ha? Jusko po," kita ko ring umiiyak na rin si Mochi.

Maya maya may nagdoorbell na.

"Ako na magbubukas," presenta ni mochi.

"Apo," iyak na sabi ni grammy.

"S-si grampy po?," utal kong tanong. Nag aalala na rin ako kase hindi mapigil ang luha ni grammy.

"W-wala na din siya. K-kabalita lang samin kanina nung paalis na kami nang bigla siyang inatake at dinala sa ospital pero wala na. Wala na ang lolo mo," at ngayon hagulgol na si grammy sa pagiyak.

Bakit ganon? Grabe 3 buhay ang nawala ng ganon ganon lang. Hindi ko man lang sila nakita. Pati si grampy wala na rin.

Kinagabihan, dumating na ang bangkay nila Mommy. Pati rin yung kay grampy. Hanggang ngayon hindi ko mapigil ang luha ko. Nakaburol na sila dito. Nandito rin ngayon si tanky para icomfort ako.

"Venzy, condolence ha," iyak na sabi ni Tanky sabay yakap sa akin.

"Eto tumatawag si Honey. Nasabi ko na rin sa kanya ang nangyari," iyak paring sabi ni Tanky sabay abot sakin nung phone niya.

"My loves! Nakikiramay ako. Sana nandiyan ako para damayan ka," hagulgol ding iyak ni Honey. Salamat naman at hindi napahamak sila Honey.

"Salamat," mahina kong sabi habang naiyak parin at binigay na kay Tanky yung cellphone niya.

Nilapitan ko naman si grammy na nakatayo sa harap ng kabaong nila grampy.

"Grammy," mahina kong tawag kay grammy sabay yakap sa kanya.

"A-ang daya naman ng lolo mo at iniwan ako," iyak na sabi ni grammy.

"Hindi man lang po ako nakapagsorry kila mommy. Bakit naman kinuha agad sila," at ngayon sobra na ang iyak ko.

"Pero apo siguro dapat nating matanggap na hanggang dito na lang talaga ang buhay nila at oras na nila eh. Ako kahit hindi ko kaya, pilit kong tatanggapin dahil ayun din naman ang gusto siguro na maging masaya tayo," malungkot na sabi ni grammy.

Marami na ring dumating na bisita. Mga kaibigan nila Grammy, kaibigan ng magulang ko pati na rin ang mga ilang kamaganak. Nakita ko ding dumating ang mga classmate ko, ang section diamond. Kaya nilabas ko sila.

"Condolence," bati nila sa akin.

"Salamat ah at pumunta kayo," pasalamat ko sa kanila. Nandito ngayon si Tanky, si Anna, Micco, Marielle, Gaervin, Cholla, Clarke, Daniel, Tj, Joanna, Rj, Shane and Wayne.

"Huwag ka nang lumuha pa Vennice nandito naman ako para sayo," biro pa ni Tj.

"Hay nako ikaw talaga," sabi ko pa at napangiti naman ako ngayon.

My Six Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon