Vennice's PoV
Nakalipat na nga kami no grammy sa bago naming bahay. Simple lang siya na tama lang samin. Hindi siya kalakihan pero ok naman. Dikit dikit din ang mga bahay dito. Sa isang subdivision kami ngayon nakatira. Magsisimula kami ni Grammy dito ng masaya.
Papasok na din ako sa school ngayon. Nagaayos lang ako ng uniform sa harap ng salamin.
"Oh apo sayo na itong susi ko dito sa bahay at aalis din ako," paalam ni grammy sabay abot sa akin nung susi.
"Bakit po? San po kayo pupunta," tanong ko kay Lola.
"Inalok ako ng trabaho nung kakilala ko. Pumayag naman ako para dagdag kita na rin," sagot ni lola.
"Ha? Pede po ba kayo magtrabaho?," alala kong tanong.
"Oo naman, ano ka ba? Tingin mo sakin matandang matanda na? Malakas pa ako no. Ako nga leader ng hastag zumba ladies," pagmamayabang pa ni grammy.
"Hashtag po hindi hastag," patawa ko namang biro.
"Ay basta kahit ano man yan. Sige na alis na ako apo," paalam ulit ni grammy sabay kiss sa pisnge ko.
"Sige po. Ingat po kayo. Aalis na rin po ako," paalam ko din kay grammy.
Maguumpisa ulit din ako sa school na ito. Bilang isang scholar student. Kailangan ko na ngayon magpursige para mamaintain ko ang grades ko at scholarship ko.
Palakad na ako sa room ng makita ko sa si Madison. May inaapi na naman.
"Hindi ba sabi ko malamig na tubig? Bakit hindi ito malamig!?," sigaw niya don sa babaeng nakasalamin, nakabraid yung buhok na kukay itim.
"Sorry po, wala na po kaseng malamig daw eh," paliwanag nung babae.
"Edi dapat naghanap ka sa mga mini canteen," sigaw pa ni arabella.
"Tama," dagdag pa ni Vannesa.
Tong tatlo na toh talaga hayss. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko nung itulak siya ni Madison.
"Ibili mo ako ng bago at wag na wag kang babalik hangga't hindi mo ka nakakahanap ng malamig," utos ni Madison.
"Edi ikaw bumili," sagot ko sa kanya.
"Oh, Vennice. Kamusta ang buhay mahirap?," sarcastic na tanong ni Madison.
"Walang kang pake," seryoso kong sagot.
"Wala ka ding pake kung utusan ko yang nerd na yan. Baka nakakalimutan mo ako ang Campus Queen last year hanggang ngayon and I know na ako parin ngayong school year. Kaya may karapatan akong utusan ang sinuman," taas kilay niyang sabi.
"Wala kaming paki kung Queen ka. Dapat maging role model ka hindi yung ganan. Pakitang tae ka lang eh kaya siguro binoto ka maging Queen," pang aasar ko sa kanya. Lagi naman kaming ganito. Ngayon, pinagtitinginan na kami.
"What?," asar na sabi ni Madison at akmang susugod sa akin.
"Oopps Oopps Oopps, wag mong sasaktan si Vennice, Madison kung ayaw mong masabunutan na naman kita," panghahamon ni Marielle. Lagi niya talaga akong tinutulungan.
"Let's go guys nandito na naman ang malanding ito," dismayang utos nito sa mga kasama niya. Natakot ata kay Marielle haha.
"Maraming salamat ah," pasalamat ko kay Marielle.
"Welcome," sabi ni Marielle at umalis na.
"Ano nga pala ang name mo?," tanong ko dito sa babaeng inapi nila Madison kanina.
BINABASA MO ANG
My Six Love Story
Teen Fiction"A Love Story of a Girl with her 6 prince charming" Her name is Vennice Zyne Xyris Evans, isang maganda, masayahin at palaban na babaeng biniyayaan ng pag-ibig na hindi lang isa, hindi dalawa kundi anim. Well manliligaw lang naman. Hindi ko alam kun...