Chapter 8 - Tears

43 7 0
                                    

*Vennice's PoV*

Hindi parin mawala sa isip ko yung ginawa ko kay wayne kahapon. Buti na lang busy sila kahapon para magprepare sa pagtakbo kaya wala siya sa room. Bukas na pala ang last na campaign nila. Sana manalo ang kampo namin. Si Wayne and Clarke lang namn tumatakbo samin as Pres. and Vice Pres. 

Habang papalakas papuntang room, napatingin ako don sa court ang daming tao. Ah oo nga pala Final Campaign na nila ngayon. Wala naman akong paki diyan kaya dumiretso na lang ako nang biglang.

"Venzy!!," sigaw ng dalawang kong loves si tanky at honey.

"Oh bakit?," tanong ko.

"Tara don sa court, isupport natin yung mga candidates natin," aya ni honey.

"Anong gagawin ko diyan? Pwede namang dasal na lang na manalo sila," dahilan ko. Pero ang totoo talaga natatakot ako kay Wayne. Lol

"Anubayan wala ka man lang support," pangungunsensiya naman nitong si tanky. Hayss kahit kinakabahan ako kay Wayne pupunta na ako. Ito kaseng dalawang ito hindi ko mahindian.

"Oh Vennice," tawag sakin ni Clarke.

"Oy Clarke, goodluck nga pala ulit," bati ko.

"Salamat ah bespren!," pasalamat niya. Wow bespren na kami haha.

"Magiikot pa ba kayo sa mga classroom?," tanong ko.

"Yes, hindi pa namin napupuntahan yung ibang room," sagot ni Clarke.

"Clarke, si Way--," hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla nagkagulo kase may paparating na babae.

"Sino yon bakit nila pinagkakaguluhan?," tanong ko kay Clarke.

"Hindi ko nga din alam eh," sagot ni Clarke.

"Ayyy si Aubrey Herrero yan," biglang sulpot ni Joanna. Wow kung saan saan mo na lang siya makikita at ang dami niya talagang alam. "Sikat yan na student from another school. Transferee siya ngayon. Yun yung rinig ko. Ang ganda niya noh? Kahot morena ang ganda't sexy pa," kwento pa ni joanna. Siya na talaga ang galing niya sa Chismis.

"Um, miss can I ask you?," tanong nung aubrey kay Joanna.

"Sige po," sagot naman ni Joanna na napatulala kay Aubrey.

"I will ask a question lang if nakita mo si Wayne? Yung tatakbo as Vice President?," tanong ni Aubrey.

"Opo, nasa room po ata siya ngayon may kinuha lang," sagot ni joanna.

"Ah san po kaya yon yung room?," tanong ulit ni Aubrey. Oo nga pala bago siya dito kaya siguro hindi niya alam kung saan.

"Ako na maghahatid sayo," presenta ko naman. Baka magkakilala sila ni Wayne eh kaya ako na tutulong. Pati para makabawi na din ako hehe.

"Really? Thank you," tuwang sabi ni Aubrey. Muka naman siyang mabait.

"Clarke, dito na ako ah. Pakisabi narin kila tanky na nauna na ako. Salamat," paalam ko kay Clarke. Iniwan ba naman ako nung dalawa. Kinausap ko lang si Clarke bigla na lang nawala.

Naglalakad na kami ni Aubrey papunta sa Room at nadaanan namin yung Science Garden at eto na yung hinahanap niya pasalubong na samin.

"Wayne," tawag ni Aubrey.

"What are you doing here?," tanong ni Wayne at diretso lang sa paglalakad. Siguro nga magkakilala sila.

"Wait Wayne, can we talk?," rinig kong sabi ni Aubrey.

My Six Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon